07

247 9 0
                                    

"BAKIT ngayon ka lang?"

Hindi ko maiwasang mainis sa kanya, hindi nya ba alam kung anong oras na? It's already 12AM in the morning! Kakauwi nya lang!

"Why are you still awake?" Seryoso nyang sabi habang niluluwagan ang necktie nya. "You must be sleeping in your room now, Kzea!" He yelled in a irritating way.

Umisang hakbang ako papalapit sa kanya, "Paano ako makakatulog kung wala ka pa?"

"Bakit? Nasa akin ba ang higaan?" Kunot noo nyang tanong.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi, "Nag-alala 'ko sayo.."

Totoo naman, hinintay ko pa talaga sya rito sa sala at pinigilang hindi makatulog para lang maabutan sya. Hindi nya na rin sinasagot ang tawag ko kaya mas lalo akong nag-alala, ayokong mawalan ng ama ang anak ko!

He tsked. Umiling-iling sya na parang iritang-irita sa'kin. "Hindi mo kailangan mag-alala sa'kin. Mag-alala ka sa anak ko, dinadala mo sya kaya huwag kang gumawa ng ikakasama nya, tumino ka naman kahit minsan." Matigas nyang sabi bago ako talikuran.

Marahas kong pinahid ang bumagsak na luha mula sa mata ko ska sinundan sya. "K-kumain kana ba?"

Hindi sya tumigil o lumingon manlang, naiwan akong nakatayo sa hagdan at lumuluha.

"LAV.. Ako naman ang mahalin mo, please," Mahina kong bulong habang pinagmamasdan si Lavriel na natutulog.

Hindi ako makatulog sa kwarto, pakiramdam ko ay nag-iisa lang ako sa mundo. Kaya nagdesisyon akong puntahan si Lavriel sa kwarto nila ni Caia. Mahimbing syang natutulog at napakasarap pagmasdan ng maamo nyang mukha.

Wala sa sariling dinama ko ang init nya sa kanyang pisngi gamit ang kamay ko. "Mahal kita, Lavriel. Kahit na mali."

Gumalaw sya kaya naalarma agad ako, bumaling sya sa'kin at gano'n nalang ang gulat ko nang malakas nya 'kong pahigain sa tabi nya at yakapin. "Caia.."

Parang tinusok ang malaking karayon ang puso ko nang ibulong nya 'yon sa mismong tainga ko. Tulog parin sya at akala nya si Caia ay ako.

Dahan-dahan akong humarap sa kanya ska hinaplos ang walang malay nyang mukha, "Oo, ako si Caia.."

Nag-init ang pisngi ko nang yakapin nya pa 'ko ng mahigpit dahil para mas lalong lumapit ang mukha ko sa kanya, tumatama na ang hininga nya sa pisngi ko.

Ang puso ko ay parang nangangarera sa sobrang bilis ng pagpintig. Nadagdagan pa 'yon nang unti-unting dumilat si Lavriel.

Bakas ang gulat sa mga mata nya, ngunit bago nya pa 'ko mailayo sa kanya ay sinunggaban ko na sya ng halik.

Napaupo sya at pilit na inilalayo ako, ipinulupot ako ang kamay sa leeg nya at mas pinalalim pa ang halikan naming dalawa. Ramdam ko ang pagka disgusto nya pero mas nananaig ang kagustuhan kong maramdaman ang labi nya.

"Kzea, what-" He tried to push me. "Stop it!" Sigaw nya nang tuluyang maghiwalay ang mga labi namin. "Why were you doing this?!"

"Because, I love you!" I confessed.

"I'm married!" He fired back made my heart heavied. "I'm your sister's husband, Kzea!"

"I know and I don't care! Please, handa akong maging pangalawa o maging kabit-"

He immediately cut me off. "You're crazy woman!"

"Para sayo, magiging baliw ako, Lavriel!" Wala na 'kong hiya at konsensyang natitira sa katawan, alam ko 'yon.

Umiling-iling sya, hindi makapaniwala. "I will tell this to Caia."

HER SINFUL DESIRE [COMPLETED]Where stories live. Discover now