15

265 8 0
                                    

PARA akong nanigas sa kinatatayuan nang ma-realized kung sino ang tinutukoy nya.

Ako.

They will take me to states once I gave birth?

Umiling ako, hindi pwede. Hindi! Ayoko!

Gano'n na lang ba 'yon? Pagkatapos nila 'kong pakinabangan, ipapadala nila 'ko sa malayo? Para ano? Para walang gumulo sa kanya? Para makapagsolo sila at mabuhay ng masaya kasama ang anak ko!?

Hindi ako papayag!

Marahas kong pinahid ang luha sa pisngi at huminga ng malalim. You need to think a plan, Kzea. Hindi mo 'ko mailalayo sa mag ama ko, Caia. Hindi.

"MA'AM, bumalik ho kayo? Hindi ba nagustuhan ni Sir?" Pilit akong ngumiti sa tanong ni Manang Dayana pagkabalik ko ng kusina dala ang tray.

"Masyado pa po syang busy, e. Mamaya nalang ho siguro." Sagot ko at inilapag sa table ang tray. "Ah, manang? Pwede ho bang pakikuha ng maliit kong purse sa kwarto ko?" Medyo nahihiya kong utos sa kanya ska umupo.

"Ah, sige. Oo naman. Ano bang kulay no'n?" Agad nyang responde.

"Kulay red po, Manang. Salamat." Sagot ko.

Ngumiti sya ska tinapik ang balikat ko, "Sige, kukunin ko." Aniya ska umalis na sa harapan ko.

Ilang minuto lang ay nakabalik na sya agad dala 'yon. Malawak akong ngumiti at nagpasalamat. "Thank you po!"

"Kumain kana kaya? Baka nagugutom kana. Huwag mo nang hintayin si Sir. Masama sa buntis ang nagugutom." Pag-iiba nya ng usapan.

Tumango naman ako, "Sige po, Manang. Pwede po bang pakitimplahan ako ng strawberry juice?" Agad naman syang tumango at nagmamadali pang nagtungo sa ref para gawan ako ng juice.

Habang busy sa ginagawa nya pasimple kong kinuha sa purse ko ang isang gamot at inilagay sa orange juice na nasa tray, para kay Lavriel. Mabilis kong hinalo 'yon gamit ang kutsara para madaling matunaw at hindi mahalata.

Pagkatapos kong kumain ay dinala ko na uli ang tray na may pagkain ni Lavriel. Nakabukas ang pinto kaya madali akong nakapasok. I knocked two times but he didn't response kaya pumasok na 'ko.

"Lavriel?" Mahina kong tawag sa kanya nang makita ko syang nakapikit habang nakasandal sa headboard ng kama.

Lumapit ako at inilagay sa bed side table ang tray ska umupo sa tabi nya, he's sleeping..

"Lavriel.." Ulit kong tawag, mas mahina..

Parang may dumagan sa dibdib ko nang makitang may butil ng luha na umaagos pababa sa pisngi nya. Umiiyak sya.

Marahan kong pinahid 'yon gamit ang hinalalaki ko. Siguro dala ng pagod sa trabaho, nakakaawa naman sya. "Lavriel? Hush,"

Hinaplos ko ang pisngi nya, nagulat pa 'ko nang biglang gumalaw ang kamay nya at hawakan ang kamay kong nakahawak sa pisngi nya, nakapikit pa rin.

Biglang kumabog ang dibdib ko.

"Wife.."

Napalunok ako dahil sa mahina nyang bulong. Binawi ko ang kamay ko at marahas na pinahid ang luhang bigla nalang dumaloy sa pisngi ko.

"I'm not your wife, Lavriel. I'm just your child's surrogate mother." I suddenly blurted out.

Parang kusa nalang 'yong lumabas sa bibig ko, mga katagang ayaw na ayaw ko dahil hanggang do'n lang ako. Hanggang doon lang ang role ko sa buhay nya.

"You're my wife." He said, still sleeping.

Mapait akong ngumiti.

Sana nga.

Sana asawa nalang kita. Sana ako nalang si Caia. Sana kaya mo rin akong mahalin katulad ng pagmamahal mo sa kanya. Sana kaya ko ring maging sya. Sana ako nalang, Lavriel.

Nabaling bigla ang atensyon ko nang mag ring ang phone ni Lavriel na nasa side table rin, kinuha ko 'yon dahil masyadong maingay. Parang nakaramdam ako ng inis nang makita kung sino ang tumatawag.

Caia..

Inis kong tinurn-off ang phone ni Lavriel at itinago 'yon sa loob ng cabinet. Bakit hindi ka nalang manahimik diyan Caia? Bakit hindi nalang nya kami patahimikin dito ni Lavriel.

HER SINFUL DESIRE [COMPLETED]Where stories live. Discover now