19

367 8 0
                                    

"KZEA, itigil mo na 'to! You don't need to do this!"

Halos maputol na ang litid ni Ythia sa sobrang panggagalaiti pagkatapos kong ipakita sa kanya ang picture namin ni Lavriel sa kama.

Para syang gulong-gulo at problemado. Hindi nya naman kailangan problemahin 'to. Ako nga relax lang.

Proud na proud pa 'kong ipakita 'yon pagkarating ko tapos pagagalitan nya lang ako na parang nakagawa ako ng krimen.

Paano pa kaya kapag sinabi ko sa kanya na may nangyari sa amin ni Lavriel?

Lihim akong napangisi nang maalala ang mainit naming pagtatalik.

"Should I send that to Caia?" Tanong ko, nakangiti. Hindi pinansin ang mga sinabi nya.

Bahagya syang napatigil at napatitig sa'kin."Kzea.." Dahan-dahan syang napailing.

Ngumisi ako ska in-open ang phone ko, "Para masira na silang dalawa—"

Bigla nyang inagaw ang phone ko at itinapon 'yon sa kama 'di kalayuan sa balkonahe kung nasaan kami. "Ythia!" Inis kong sigaw sa kanya.

Paano kung sa lapag 'yon tumama!

Lumapit sya sa'kin at niyugyog ang balikat ko. "Zea, tama na. Hindi mo kailangang gawin 'to." Nakikiusap ang mga mata nya. "Naririnig mo ba 'ko, Kzea? Naiintindihan mo ba 'ko? Please, Kzea,"

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at mahina syang itinulak. "Oo, naiintindihan kita! Pero ako naintindihan mo ba? Hindi 'diba. Ako 'yung kaibigan mo rito, pero parang kay Caia ka kumakampi!" sumbat ko sa kanya.

Sya lang 'yung kaibigan ko, pero parang pati sya kay Caia na rin. Pakiramdam ko mag-isa nalang ako. Wala akong kakampi!

Mabilis nyang pinahid ang luha sa pisngi nya, "Kzea," humikbi sya at parang nahihirapang magsalita. "Kaibigan mo 'ko, kaya ko nga ginagawa ang lahat nang 'to e! Tama na, please, gumising kana!"

"Hindi!" Nag-uumpisa nang manubig ang mga mata ko. "Ngayon pa na may nangyari na sa'min ni Lavriel."

Dalawang araw na mula nang may mangyari sa'min, pero hindi pa kami nagkakausap. Kapag gigising ako wala na sya. Hindi ko na rin sya naabutan sa gabi,  inaantok na'ko dahil lagi na syang late kung umuwi.

Umuwang ang labi ni Ythia pero hindi ako makakita ng pagkagulat sa mga mata nya.

"Sisiguraduhin kong pagkabalik ni Ate Caia, ako na ang mahal ng asawa nya." That's a promise.

Inaasahan kong sisigaw at magagalit uli sya pero iba ang ginawa nya, bigla nya 'kong niyakap. Mahigpit na yakap. Natigilan ako at parang nanghina ang mga tuhod ko nang marinig ang mga hikbi nya sa balikat ko.

"Miss na miss ko na si Kzea. Please, ibalik mo na 'yung kaibigan ko." garalgal nyang wika. "Miss na miss ko na sya.."

Sunod-sunod na dumaloy ang mainit na likido sa pisngi ko dahil sa mga sinabi nya. Hindi ako makagalaw, ang bigat sa pakiramdam.

Ilang minuto pang gano'n ang posisyon namin bago sya kumalas. Inayos nya ang sarili, hindi makatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Sorry, Ythia." Inabot ko ang dalawa nyang kamay at marahang pinisil 'yon."Hindi ko kayang makinig sayo, mahal na mahal ko si Lavriel at walang makakapigil sa'kin,"

Muli kong narinig ang hikbi nya. "Kze—"

"kahit ikaw pa."

My decision is final.

"IHAHATID na kita," Ythia offered.

"Huwag na," Pigil ko nang ihatid nya 'ko sa labas ng bahay nya. Hawak nya ang dalawa kong kamay kanina pa, nakatitig sa akin, nagsusumamo.

Iniwas ko ang tingin at bahagyang tumingala sa langit. Alas tres palang ng hapon pero madilim na ang langit, nagbabadya ang malakas na ulan.

"Magpasundo ka kaya kay Lavriel?" Aniya pagkabalik ko ng tingin sa kanya.

Umiling ako, "Hindi na. Wala pa 'yon sa bahay, late rin uuwi. Okay lang ako," Ngumiti ako sa kanya ska hinaplos ang tiyan ko. "Kaya naming umuwi ni baby."

Bumuntong hininga sya bago ako yakapin ng mahigpit. "Mag-iingat ka, tawagan mo lang ako kapag may kakaiba kang naramdaman, ha?"

Mahina akong natawa nang maghiwalay kami, "Ano ba, normal lang na makaramdam ako ng kakaiba dahil buntis ako. Huwag ka nang mag-alala." Sagot ko pero parang hindi parin sya nakuntento ro'n.

Nakatitig sya sa'kin, halatang sobrang lalim ng iniisip. Ano bang problema nito?

Nawe-weirdo-han na 'ko sa kanya.

HER SINFUL DESIRE [COMPLETED]Where stories live. Discover now