17

269 8 0
                                    

MABIGAT ang pakiramdam ko nang gumising ako ng tanghali. Parang pagod na pagod ako. Hindi ko maintindihan, natulog naman ako ng maaga kagabi tapos tanghali pa 'ko nagising.

Siguro natural lang talaga 'to sa mga buntis.

Bumaba ang tingin ko sa tiyan ko na halatang-halata na. "Nagugutom kana ba, baby? Nagugutom na rin si Mommy e." Pagkausap ko.

Napatingin ako sa lamesa sa gilid ng kama. Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ang mga pagkaing nakahanda na para sa'kin.

Isang tasang gatas, mga slice apples at hindi mawawala ang strawberries. May kunting kanin din at ulam na egg ska bacon.

Alam kong si Lavriel ang naghanda nito para sa'kin, nagiging routine nya na ang paghandaan ako tuwing umaga bago sya umalis. Nakakataba ng puso, sana hindi sya magbago.

Masigla kong kinain at inubos ang mga 'yon, muli ko pang tinignan ang mga litrato naming dalawa sa phone ko. Mga litrato namin kahapon na magkatabi sa kama habang walang suot pang itaas at tanging kumot lang ang nagtatakip.

I will show this to Caia once na mahuli nya kami ni Lavriel. Sasabihin ko sa kanyang matagal na kaming may relasyon ng asawa nya habang wala sya.

Hindi nya naman ako kayang saktan, buntis ako at mabait sya. She can't hurt me, her sister.

"GOOD afternoon po, Ma'am." Magalang na bati sa'kin ng isang staff pagkalapit ko ng information desk ng company ni Lavriel.

"Good morning," I greeted back, smiling.

Nagpasya kase 'kong puntahan at surpresahin si Lavriel. Dinalhan ko na rin sya ng pagkain na ako mismo ang nagluto. Thanks to Manang Dayana, she taught me the basic dishes.

Bahagyag tumagilid ang ulo nya, nakatitig sa'kin na para bang kinikilala ako. "Ma'am K-kzea?"

Nanatili ang ngiti ko kahit nagtataka na sa kanya. "Oo, that's my name." Ngayon lang ako nakarating dito, medyo naligaw nga ako kanina pero bakit nya 'ko kilala?

Ilang beses syang kumurap at huminga ng malalim, nakatitig pa rin sa'kin. "Nakabalik na po pala kayo."

Now, my smiles faded. "What do you mean?" I asked her, confused.

Bumuka ang bibig nya at parang nalilito, umiling-iling sya ska umiwas ng tingin. "I'm sorry, Ma'am. Kalimutan nyo na ho 'yon. How may I help you, anyway?" She forced a smile, avoiding my gaze.

Hindi ko nalang din pinansin ang sinabi nya dahil gusto ko nang makita ang si Lavriel. "Nasaan si Mr. Alfuente? I want to see him."

"Ah, si Sir Lavriel po? N-nasa conference room po ata sya ngayon." May inabot syang maliit na card, kinuha ko naman at tinignan. "'Yan po ang floor ng office nya pati ang calling card, in case na nakalimutan nyo po."

Nakalimutan? Bakit ko naman kakalimutan e, ngayon ko lang naman 'to nalaman. She's really weird.

Nagpasalamat nalang ako sa kanya ska nagtungo na sa elevator para sumakay. Dalawa ang elevator na naroon, sa isa ay maraming nag-aabang, mga limang employees. Habang sa isa naman ay wala.

Walan namang nakasakay sa elevator na 'yon, bakit hindi nila ginagamit? Ang weird talaga ng mga tao rito.
Hindi ko na sila pinansin at lumapit nalang sa elevator na walang sakay, pinindot ko sa botton ang floor number ni Lavriel. Agad bumukas 'yon.

Pagkapasok ko ay nakarinig agad ako ng mga bulungan.

"Hindi ba, private elevator 'yon?"

"Oo nga, bakit sya nakapasok? Hindi ba, nade-detect no'n kung sino lang ang pwedeng makasakay? Si Boss Lavriel lang at ang asawa nya."

"Baka asawa 'yon ni Boss."

Hindi ko na narinig pa ang iba dahil tuluyan nang sumara ang pinto ng elevator. Hindi lang pala mga tao rito ang weird pati mga bagay.

Siguro na-detec ang mukha ko dahil magkamukha kami ni Caia. Well, kahit hindi kami tunay na magkapatid, magkaparehas ang hugis ng mukha namin. Pati ang mata at kulay ng balat.

"KANINA pa po umalis si Sir Lavriel, Ma'am." Sagot sa'kin ng secretary ni Lavriel pagkarating ko sa floor ng office nya.

Magkaharap lang ang office nila, bahagya pang nagulat nang makita ako.

"Saan daw pupunta?" Medyo inis kong tanong habang mahigpit ang hawak sa lunchbox na dala ko. Sinubukan kong tawagan sya pero naka off ang phone.

"Magkikita raw ho sila ng a-asawa nya?" Nahihirapan nyang sagot, hindi makatingin ng diretso sa'kin.

Napatigil ako.

Si Ate Caia? Nakabalik na sya?

HER SINFUL DESIRE [COMPLETED]Where stories live. Discover now