10

265 11 0
                                    


"HUWAG mong sasabihin na hindi kita binalaan, Kzea."

May pagbabanta sa boses ni Ythia nang makarating kami sa kwarto ko. Naabutan nya kami kanina na naghahalikan ni Lavriel sa sala.

"Hinalikan nya 'ko pabalik, Ythia," Nangingiti kong sabi sa kanya. Hanggang ngayon ramdam na randam ko pa rin ang labi nya sa'kin.

Mas lalong sumama ang titig nya sa'kin. "Imahinasyon mo lang 'yon, Kzea. Gumising kana nga sa kagagahan mo!"

"Hindi 'yon imahinasyon, talagang hinalikan nya 'ko pabalik. Ramdam na ramdam ko, mahal din ako ni Lavriel-"

"That's a ridiculous!" She cut me off, "May asawa 'yung tao. At kapatid mo pa, ano ba, Kzea. Itigil mo na 'yan hangga't hindi pa huli ang lahat!"

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ska sya hinarap. "Wala na 'kong pakialam sa pwedeng mangyari, mahal na mahal ko si Lavriel. At itong baby sa tiyan ko," Napangiti ako. "Ito ang magiging daan para mahalin ako ni Lavriel."

Napahawak sya sa sintido, problemado. "Hindi ko na kayang marinig ang mga sinasabi mo, Kzea. Parang hindi na kita kilala."

Hindi ko na rin kilala ang sarili ko.

Pakiramdam ko tama lahat ng ginagawa ko, pakiramdam ko sa akin si Lavriel. Pakiramdam ko sya lang ang lalaki na para sa'kin.

"I MISS you! How are you there?" Bakas sa mukha ni Caia ang saya nang mag-usap kami through video call. "Inaalagaan kaba ni Lavriel?" Sunod nyang tanong na bahagyang nagpatigil sa akin.

Ilang araw nang nakakaraan simula ng magpunta rito si Ythia, maaga na lagi umuuwi si Lavriel at sya pa mismo ang naghahanda ng mga pagkain at mga vitamins na kailangan kong inumin.

Walang nagtatangkang magsabi sa'min tungkol sa nangyari. Kahit ako ay ginagawa ang lahat para pigilan ang sarili.

Tumango ako, "Inaalagaan ako ni Lavriel, Ate Caia."

"Mabuti naman," Sagot nya pabalik, may ngiti sa labi.

"Malapit ka na bang umuwi?" Tanong ko, sa isip ko ay humihiling na 'ko sa lahat ng santo na sana hindi pa sya umuwi.

Bahagya syang ngumuso at nawala ang ngiti. "That's what I'm going to say. Na-extend ang trabaho ko rito ng another 1 month. I'm really sorry,"

"Talaga?" I can't help but to exclaimed. But I immediately pouted as if I'm sad about the news. "Matatagalan kapa pala."

"Yes, nakakalungkot nga e. Hindi ko makikita ng personal ang paglaki ni baby sa tiyan mo." Aniya.

Nagsesend ako sa kanya ng mga pics ng tiyan ko para kahit papaano ay sumaya sya ro'n. Masyado syang busy sa trabaho kaya minsan lang nakakatawag.

"SAAN tayo pupunta?" Tanong ko kay Lavriel pagkatapos naming magpunta sa clinic para magpa check up.

Okay na okay naman daw ang baby sabi ng doctor.

"You told me that you want some strawberries?" Sagot nya habang seryosong nagmamaneho.

Bumaba ang tingin ko sa mauugat nyang kamay sa steering wheel, napalunok ako. Ang sexy nyang mag drive.

"Uh, oo," Tanging sagot ko.

Kung ano-anong pagkain ang pinaglilihian ko, nakakainis nga kase kahit madaling araw ay naki crave ako bigla sa maiisip kong pagkain. Nagigising ko pa si Lavriel.

Ang iba, isang pagkain lang ang pinaglilihian, samantalang ako, ang dami.

Nakatulog ako habang nasa byahe, hindi ko alam kung naalimpungatan lang ako nang maramdaman kong may humahamplos sa hita ko at humahalik sa pisngi ko.

'I miss you, Kzealla."

HER SINFUL DESIRE [COMPLETED]Where stories live. Discover now