11

261 9 0
                                    

"SIR Lavriel! Naligaw ho kayo?"

Abot tainga ang ngiti ng isang lalaki nang salubungin nya kami ni Lavriel pagkababa namin ng kotse. Siguro ay nasa mids 40 na ang edad nito.

"Mang Haime," Masayang bati ni Lavriel ska lumapit sa akin. Nagulat pa 'ko nang ipulupot nya ang kamay sa beywang ko parang hindi ako makahinga ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Hindi ho kayo nagpasabi na pupunta kayo," Nakangiting tugon ng matanda, Mang Haime raw ang pangalan.

May dala syang basket at parang nagningning ang mga mata ko at kumulo ang tiyan ko nang makita ang maraming strawberries. Natakam ako bigla!

"Oh my god, Strawberries!" I exclaimed while my eyes sparkling!

Tumakbo ako papalapit sa matanda, "Magkano ho 'yan? Pwede ho bang makahingi?"

Nagulat pa sya sa biglaan kong akto ska mahinang natawa bago pa sya makasagot ay naunahan na sya ni Lavriel. "Pakibigay ho sa kanya lahat, Mang Haime. Naglilihi ho sya." Magalang na utos ni Lavriel.

"Uh, oh, sige, Hija, saiyo na 'to lahat." Magiliw na binigay sa'kin ang isang basket na puno ng strawberries. Kumuha agad ako ng isa at tinikman 'yon.

"Um, ang sarap!" I giggled.

Mahinang natawa si Mang Haime. "Marami pa ro'n sa farm, kumuha ka lang kahit ilang gusto mo. Babayaran naman ni Sir Lavriel."

Tumango ako ska inilibot ang paningin sa paligid, nakita ko ang malaking karatula sa itaas ng malaking gate, nakasulat ang pangalan ng farm at sa huli ay strawberries. Akala ko nagbibiro lang kanina si Lavriel nang sabihin nyang pupunta kami ng Baguio ang layo kaya nito.

"Sige po, salamat!" Ani ko saka nagtatakbo papasok sa farm para manguha pa ng maraming strawberries.

"Kzea! Careful!" Galit na sigaw ni Lavriel. "Kzea!"

Tinawanan ko lang sya at naglakad na lamang para hindi na sya magalit.

"Ilang buwan na hong buntis ang asawa nyo?"

"Three months."

HALOS mapuno na ang basket dahil sa rami ng napitas kong strawberries, hindi na rin mabuhat dahil mabigat na. Busog na busog pa 'ko dahil kada lagay ko sa basket ay kumakain din ako. Ang sarap talaga!

Sobrang lawak ng farm. May mga dayo rin na kumukuha dala-dala ang baskets nila. Pinili ko ang hindi masyadong matao.

Medyo nailang pa 'ko dahil may lalaking tingin ng tingin sa'kin kanina. Ngumiti pa ng tignan ko sya pabalik, gwapo pero mas lamang parin ng sampung ligo si Lavriel.

"Satisfied?"

Naramdaman ko ang mainit nyang hininga sa batok ko, para akong nakuryente dahil do'n hindi agad ako nakagalaw.

Nakaupo ako habang sya ay nasa likod ko, "Let's go home, marami na 'yan." Aniya ska kinuha ang basket mula sa kamay ko.

Dahan-dahan akong tumayo, "Busog na busog ako, Lav. Parang hindi ko kayang maglakad."

Totoong hindi ko kayang maglakad, pakiramdam ko sobrang bigat ng katawan ko. Masyado ata akong maraming nakain, pati si baby busog na busog.

Sumilay ang maliit na ngisi sa labi nya bago ibaba uli ang basket.

"Ang takaw mo kase," Wika nya saka walang pasabing binuhat ako. Napakapit nalang ako sa leeg nya at isinandal ang ulo sa dibdib nya hanggang sa maramdaman kong naglalakad na sya.

My favorite place.

Sobrang sarap sa pakiramdam, para kaming mag-asawa talaga. Ito na ba 'yon? Gumagana na ba? Malapit ko na ba syang makuha?

Nahuhulog na ba sya sa'kin? Sana, Oo.

Dahil kung totoo man, ipaglalaban ko sya. Sabihin nya lang sa'kin na mahal nya 'ko, kahit kapatid ko kakalabanin ko para sa kanya. Dahil mahal na mahal ko sya.

'Yung pagmamahal ko para sa kanya, hindi ko maipaliwanag kung saan nanggagaling. Basta ang alam ko lang, tama ang ginagawa ko.

Dinama ko pa ang init sa dibdib nya hanggang sa bumigat ang talukap ng mga mata ko. Nakatulog ako habang karga nya.

'Sleep well, wife.'

HER SINFUL DESIRE [COMPLETED]Where stories live. Discover now