05

251 9 0
                                    

"KZEA! A-anong nangyari?"

Mapait akong ngumisi habang nakayuko nang marinig kong bumakas ang pinto at iluwal no'n si Caia at Lavriel, ilang segundo nang sumalampak at tumili ako.

Nilakasan ko ang hikbi ko, "A-ate, 'yung baby, ang sakit.."

Sa pagkakataong 'to ay humagulhol na 'ko sa iyak, binuhos ko lahat, inalala ang ginagawa nila kanina. Talagang masakit, hindi dahil sa baby, nasasaktan ako dahil hindi ako ang umuungol para kay Lavriel.

"Sobrang sakit, Ate.." Nanghihina 'kong wika nang daluhan nya 'ko, punong puno ng pag-aalala ang mukha.

"We'll take you to the hospital," Rinig kong sabi ni Lavriel ska lumapit sa'kin at walang pasabing binuhat ako.

Parang lahat ng sakit sa dibdib ko ay naglaho dahil lang sa ginawa nyang pagbuhat sa akin, nakikita ko rin ang pag-aalala sa mga mata nya.

Wala sa sariling kumapit ako sa leeg nya at isinandal ang ulo sa dibdib nya, lihim akong napangiti.

"BAWAL syang ma-stress." Isa 'yan sa mga sinabi ng doctor kanina nang dalhin nila 'ko sa hospital. Buti nalang at hindi nila nalamang wala naman talagang nangyari sa'kin, inisip nila na normal 'tong nangyayari sa mga katulad kong maselan magbuntis.

"Bukas na bukas ay magpapabili kami ng lahat ng kailangan mo, ha?" Nakangiting sabi sa'kin ni Caia habang hinahaplos ang tiyan ko. Nakahiga ako at nakaupo sya sa tabi ko habang si Lavriel ay walang emosyong nakatayo sa likod ni Caia.

"Lavriel, bumali tayo bukas ha?" Pagbaling sa kanya ni Caia.

Tumango lang sya at maikling ngumiti.

"Salamat, Ate. Sorry, naabala ko pa kayo, hindi ko alam kung saan ako na s-stress, pasensya na, nadamay pa ang baby." Mahina at nanghihina kong paliwanag.

"Ayos lang, hindi lang naman 'to para kay baby, para sa'yo rin." Niyakap nya 'ko, dahil ro'n ay nagkaroon ako ng pagkakataong pagmasdan si Lavriel na parang kusang napatingin din sa'kin ngunit agad 'ding nag-iwas ng tingin.

"Let's leave her here, wife. It's already late, she must be sleeping now." Aya ni Lavriel nag magkalas na kami ni Caia.

Tumango si Caia at sinabihan pa 'ko na magpahinga na at tawagin ko lang daw sila kung may kailangan ako.

Nang gabing 'yon ay nakatulog ako ng mahimbing, paulit-ulit na inaalala ang pagbuhat at ang pag-aalala ni Lavriel sa akin kanina.

Balang araw ay hindi nalang sya mag-aalala sa baby namin, kundi para na rin sa akin.

Kinabukasan pagkababa ko sa malaki nilang sala ay bumungad agad sila sa'kin. Hindi pa 'ko tuluyang nakakapasok nang marinig ko ang boses ni Caia.

"Lavi, please," Nagmamakaawa ang boses nito. "Isang buwan lang naman ako ro'n, malaking project 'yon at hindi 'ko pwedeng hindian."

HER SINFUL DESIRE [COMPLETED]Where stories live. Discover now