20

394 9 0
                                    

NAGYAKAPAN pa kami uli bago ako makaalis sa bahay niya, habang nakasakay sa taxi ay si Lavriel lang ang nasa isip ko.

Ilang buwan nalang at manganganak na 'ko at kahit anumang oras ay babalik na si Caia. Wala na. Wala na 'kong pag-asa para maangkin pa si Lavriel. Mahal na mahal nya si Caia.

Pagkatapos nga ng nangyari sa'min, iniwan nya nalang ako pagkatapos ko syang yakapin habang umiiyak sya. Lagi na syang wala sa bahay, siguro ay nako-konsensya sya dahil sa ginawa namin.

Pero bakit gano'n? Pakiramdam ko, ginusto nya rin 'yon. Gusto nya ang nangyari sa'min! Ramdam na ramdam ko nang gabing 'yon. Kung paano nya 'ko halikan, kung paano nya 'ko angkinin! Ramdam ko!

Pero iba ang nasa puso nya.

Mabilis kong pinahid ang mainit na luhang dumaloy pababa sa pisngi ska tumingin sa labas ng bintana. Umuulan na pala at sobrang lakas nito.

Nakapasok na kami sa loob ng village, malapit na sa bahay nila Lavriel.

"Ma'am, may payong ho ba kayo? Ang lakas ho ng ulan." May halong pag-aalala ang boses ng driver nang nasa harapan na kami ng gate.

"Ah, manong, ayos lang ho," Sabi ko ska kinuha ang pera sa bag ko at binigay sa kanya. "Salamat ho!" Hindi ko na hinintay ang sukli at mabilis na bumaba sa taxi.

Bumukas pa ang bintana ng driver, "Ma'am! Basa na ho kayo!" Tawag nya pa sa'kin.

Ngumiti lang ako at sinabing ayos lang at umalis na sya. Unti-unti na rin akong nababasa ng ulan. Ramdam ko na ang pagbalot ng malamig na ulan sa balat ko. Tumingala ako sa langit at mas dinama pa ang pag-agos ng ulan buong katawan ko.

Buti nalang at waterproof ang bag ko kaya hindi mababasa ang gamit ko sa loob. Umikot-ikot ako na parang bata nang lalo pang lumakas ang ulan kasabay ng malamig na ihip ng hangin.

Sobrang namiss ko ang ganito. Bata pa ata kami ni Caia nang huli akong maligo sa ulan. Ang sarap sa pakiramdam, feeling ko bawat pag-agos ng ulan sa katawan ko ay nililinis nito ang lahat ng kasalanang nagawa ko.

Natalo ng mainit na luha ang malamig na ulan sa pisngi ko.

Nakita kong bumukas ang maliit na gate at lumabas ang guard, tinawag ako nito ngunit hindi 'ko sya pinansin. Dinama ko lang buhos ng ulan at tinaas pa ang kamay ko, umaaktong kaya kong saluhin lahat ng ulan.

"Kzea! Fuck it!"

Parang doon lang ako nilamig nang marinig ang sigaw ni Lavriel. Bago pa 'ko tumuon sa kanya ay naramdaman ko na ang mainit nyang yakap.

"What the hell are you doing?!" He forced not to shout.

"L-lavriel.." Namamaos kong tawag at napayakap na rin sa kanya. Hindi ko na nararamdaman ang pagbuhos ng ulan, tanging mainit na pagyakap lang ni Lavriel.

Mahigpit na tila ayaw akong pakawalan, bahagyang gumalaw ang balikat nya, narinig ko ang paghikbi nya.

Umiiyak sya. "Lavriel?"

"Don't do this again, please.." He begged.

Wala sa sariling napangiti ako nang marinig ko ang nagmamakaawa nyang sabi.

"WHAT do you think you're doing, huh?" Sermon ni Lavriel pagkabalik ko sa sala. Katatapos ko lang maligo at magpalit ng damit.

Umupo ako sa sofa kung saan sya nakaupo kanina, ngayon ay nakatayo na sya at nakapamewang sa harapan ko. Galit na galit ang itsura.

"Kzea!" Nagpipigil sa galit na tawag nya. Hindi tuloy ako makatingin. "Bakit ka nagpaulan?!"

"So.. Sorry." Nahihiya kong sabi ska yumuko. "Gusto ko lang namang maligo sa ulan, uli? Sorry."

HER SINFUL DESIRE [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora