08

248 9 0
                                    

"ALAM mo, ikaw siguro ang nawawalang anak ni Hudas."

Napapantastikong komento ni Ythia pagkatapos kong i-kwento sa kanya ang ginawa kong kagagahan kagabi sa kwarto nila Lavriel.

Ewan ko ba, parang wala na talaga 'kong maramdamang konsensya sa katawan. Siguro nga tama si Yhtia, ako ang nawawalang anak ni Hudas. Inaamin ko nang sobrang sama kong kapatid.

Hindi ko na nakilala ang sarili ko. "Tapos anong nangyari? Pagkatapos no'n?" Parang sya pa ang mas problemado sa'kin. Hindi sya mapakali habang ako ay nakayuko sa tiyan ko at hinihimas-himas 'yon.

"Sabi nya, sasabihin nya na raw kay Ate Caia." Walang pakialam na sagot ko.

"Ano?!" Padabog syang umupo sa gilid ng kama ko. "Sasabihin nya na kay Caia!"

Tumango ako, kinlaro nya lang ang sinabi ko. "Ano nang gagawin mo ngayon?"

"Wala," I shrugged. "Hindi ko alam."

"Hays! Anong hindi mo alam?" Mahina nyang niyugyog ang balikat ko na para bang ginigising nya 'ko sa reyalidad. "Sa tingin mo anong susunod na mangyayari once na sinabi nya 'yon kay Caia! Masisira ang relasyon nyo ng kapatid mo! Ano ba, Zea. Tama na, hindi kaba nakokonsensya? Naninira ka na ng relasyon!" Nakikiusap ang mga mata nya.

"Mahal ko si Lavriel.." That's the only words escaped from my mouth.

"But he's your sister's husband, Kzea." Aniya na parang hindi ko alam 'yon. "You must stop this."

"Maraming lalaki ang nagkakandarapa sayo, bakit hindi nalang sa ibang lalaki? Maganda ka, may isang taong deserve para sa pagmamahal mo." Dagdag nya pa.

Pinag-isipan ko maghapon ang mga sinabi ni Ythia. Gabi na ng makapag desisyon ako sakto na dumating si Lavriel galing sa trabaho.

Humakbang sya palapit sa'kin, hindi ako makatingin ng diretso sa kanya, pakiramdam ko ay mahahalikan ko nanaman sya.

"Did you eat already?" He asked in a small voice.

"I'm sorry," Sa halip ay 'yon ang nasagot ko. "Alam na ba ni Caia?" Tanong ko nang hindi parin makatingin sa kanya.

"Hindi pa." He simple said. "She's very busy the whole day that I can't contact her."

Napaawang ang labi pagka-angat ng tingin sa kanya, "Sasabihin mo talaga sa kanya?"

"May dahilan ba para hindi?" He tilted his head.

Hindi ako nakasagot, huminga ako ng malalim at akmang sasabihin na ang gusto kong sabihin nang magsalita mula sya.

"How's my baby?"

Awtomatiko akong napangiti sa isiping ako ang tinutukoy nya, nababaliw na ata ako.

"Your baby is okay," Sagot ko ska hinimas ang tiyan ko, bumaba naman ang tingin nya ro'n. Hindi nakawala sa paningin ko ang munting ngiti na umukit sa labi nya.

He cleared his throat, "Magpahinga na kayo ni Baby." Aniya at akmang tatalikod na.

"Lav!" Napatigil sya.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang seryoso nya 'kong tignan. "What?"

"I'm really sorry," I gulped. Nag-uumpisa nang manubig ang mga mata ko. "Huwag nang sabihin kay Caia, please. Magbabago na 'ko, hindi ko na uulitin ang ginawa ko. Huwag mo nang sabihin sa kanya."

Nakatitig lang sya sa'kin, ang hirap basahin ng iniisip nya, umiwas ako ng tingin. Nakakapanghina ang bawat pagtitig nya.

"Good." That was the only words he said before he left.

HER SINFUL DESIRE [COMPLETED]Where stories live. Discover now