06

256 9 0
                                    

"ALAGAAN mo ang baby, ha? Pati na rin ang sarili mo."

Malawak akong ngumiti kay Caia at mahigpit syang niyakap. "Oo naman, aalagaan ko si baby at ang sarili ko. Huwag ka ng mag-alala."

Niyakap nya ako pabalik bago ako pakawalan. "Tatawag ako, ha? Kapag may naramdaman kang kakaiba, tawagan mo agad si Lavriel. Sabihin mo lahat ng kailangan mo sa kanya, he would gladly give those to you. Sinabi ko rin na mag work from home muna sya, kahit once a week lang para lagi ka nyang nasusubaybayan."

Mahaba nyang lintanya na nagpatalon sa puso ko sa tuwa.

Hindi ko 'to pinlano, pero parang tadhana na ang gumagawa ng paraan para sa amin ni Lavriel. Maangkin ko na sya.

Isang linggo mula no'ng magpaalam si Caia na may malaking project na in-offer sa kanya sa Cebu at hindi nya mahindian dahil Ninong nya ang may-ari. Isa syang Architect habang ako ay Professional gown designer.

No'ng una ay hindi pumapayag si Lavriel, talagang ayaw nyang mahiwalay kay Caia ng isang buwan. Gusto pa nitong sumama roon, kundi lang nagalit si Caia. Huwag na raw 'tong sumama dahil kailangan ko sya, tama lang naman e! Kailangan ko sya, mas kailangan namin sya ni baby!

"Fine." Nanghihinang tugon ni Lavriel, bakas sa mukha nito ang pagkadismaya at pagsuko.

Umiwas ako ng tingin nang halikan ni Lavriel si Caia sa mismong harapan ko, nasa harapan nanamin ang Van ni Caia kung saan sya sasakay papuntang cebu.

"I love you, Wife. I'll miss you." Malambing nyang turan kay Caia na pumiga sa puso ko.

"I love you, Lavi. I'll miss you too." Tugon pabalik ni Caia at tumingin sa'kin. "Huwag mong pababayaan ang baby at si Kzea, ha?"

Nagkatinginan kami ni Lavriel, nawala ang ngiti nya. "Yes, of course." Walang gana nyang sabi.

Pagkaalis ng van ni Caia ay pumasok na agad sa loob ng bahay si Lavriel, iniwan ako na para bang wala lang.
"Kumain ka ng marami, ito mga prutas ang kainin mo lagi, ha? Teka, ipagtitimpla pala kita ng gatas." Pagaasikaso ni Manang Dayana sa akin pagkababa ko ng tanghali.

Nakatulog ako kanina at nakaramdam ng gutom pagkagising. "Nasaan po si Lavriel?" Tanong ko ska kumuha ng isang slice ng apple at kinain.

"Ah, kanina pa umalis. Bakit? May kailangan ka ba? May masakit ba sayo?" Nag-aalala nyang tanong ska ibinaba ang isang tasa ng gatas sa tabi ng pagkain ko.

Hinaplos nya ang leeg ko, "Maselan ang pagbubuntis mo, hindi ba? Kailangan mo ng kasama rito. Sabihin mo kay Ma'am Caia na manatili muna 'ko rito para mabantayan ka." suhestiyon nya.

Kaagad akong umiling, hindi pwede! Ayoko nga.

Twice a week lang kase sya pumupunta rito para magtrabho, maglaba at maglinis ska magluto. Magiging istorbo sya sa'min ni Lavriel.

"Huwag na po!" Kumunot ang noo nya sa mabilis kong tugon. Agad akong tumawa at umiling. "Hindi na po kailangan, nangako po ako kay Caia na hindi ko na hahayaang mangyari sa baby. Aalagaan ko po ang sarili."

Marahan syang tumango, kinalaunan ay ngumiti rin. "Sige, kumain ka lang ng kumain, ha? Ibibigay ko ang numero ko sayo para kapag wala si Sir Lavriel ay ako ang tawagan mo kung may kailangan ka." Sabi nya pa, ang kulit.

Umalis na rin sya kinahapunan, ako naman ay hinihintay si Lavriel sa sala. Miss ko na sya, nasaan na ba 'yon?

Alas otse na ng gabi at wala pa rin, hindi ko na napigilan ang sarili ko na tawagan sya. Sinagot nya naman agad pagkaraan ng dalawang ring.

Napangiti ako, "Lav?"

[What? Is there something happend again?] Parang hinaplos ang puso ko dahil sa paraan ng pagtatanong nya, nag-aalala sya.

"Wala naman, I just.. Miss you, Lav."

Sunod kong narinig ay ang pagputol ng linya, hudyat na pinatay nya ang tawag.

HER SINFUL DESIRE [COMPLETED]Where stories live. Discover now