chapter 6

493 17 10
                                    

dedicated to:  blairringgg

Alora Axel Villaflor's POV

I bit my lower lip and walked away quickly inside the campus. Gulay pa din ako sa nangyari kanina. Si Gab naman ay naiwan doon sa ilalim ng puno habang yakap yakap ang dalawang tuhod niya.

He kissed me?! Gab?! Kissed me?! It was my first kiss!

Gumugulo yung utak ko! Nagatataka ako bakit hindi ako nagalit? Bakit hindi manlang ako nainis sakanya? Alam niyang may gusto ako sa kakambal niya, bakit niya ako hinalikan? Hindi niya ako gusto.

Oo, Axel hindi ikaw ang gusto niya. Aksidente lang yung nangyari. Sinubukan niya lang kuhanin ang cap niya mula saakin. Tama.

Nang makapasok ako sa room namin ay tamang tama lang na wala pa ang prof namin kaya umupo nalang ako sa upuan ko.

Wala namang masadong ganoong ka important na lesson ngayong umaga kaya nakatulala lang ako buong oras.

"Di yata nakasama si Gab?" Tanong ni Jade saakin. Naglalakad kami kasama ang mga kaibigan ko sa field, pauwi na.

"Oo nga," nagtatakang sabi ni Natasha. "Anyways, di ba may laro sina Gab this week? Pupunta ka Axel?"

Napaisip ako bigla kung pupunta ba ako. Matapos nung nangyari non pupunta pa ba ako?

"Pag iisipan ko pa. May ticket ako dito binigay niya saakin sama daw ako," sabi ko sabay kuha ng ticket sa paper bag na binigay niya saakin kaninang umaga.

"Walang jersey?" Tanong ni Shine. "Ayan! May jersey!" Exited niyang tinuro ang jersey na nakita niya sa bag ko.

"Ano ka ba Shine? Kay Axel yan! Obvious naman na binigay ni Gab yan para sakanya," ngumiti si Jhana saakin ng mapang asar.

"Sino ba kalaban nila this year?" Tanong ni Margaret.

"GVMMSC daw," sagot ni Dahlia.

"Di ba for med students lang yung school? Di ko alam may sports din pala sila," namamanghang saad ni Jade.

GVMMSC? di ko pa naririnig yung school na yun ah.

Habang naglalakad kami ay nakita namin si Gab na papunta sa gym para sa training nila. Nakasuot siya ng plain white shirt at sport shorts at may duffel bag na dala.

Nagsitinginan naman ang mga kaibigan ko saakin at inaasar nanaman ako kay Gab. "Di mo ba pupuntahan si Gab?" Siniko ako ni Jade sabay turo kay Gab.

"H-ha? Pupunta pa ako sa coffee shop. Kailangan ako dun," pagdadahilan ko at akmang aalis na nang magsalita si Margaret.

"Eh di ba dy off mo ngayon?" Sabi niya na nagpatigil saakin.

"Kailangan ako sa bahay," another excuse.

"Nandoon naman si Brielle," sabi ni Dahlia.

"May bibilhin pa pala ako," tumawa ako at umalis kaagad dahil doon ang punta nila sa gym.

Kaiden Archer Santiago's POV

"Punta ka ha!" Nakangiting pagpupumilit ni Gab saakin. Dalawang araw nalang bago ang laro nila at alam kong sobrang excited na siya at the same time kinakabahan din.

I'm not that much of a fan of sports kaya hindi ako nakakapunta sa laro ni Gab. Usually si Jared ang sumasama sakanya kapag may oras siya.

Lumalabas kasi palagi si Jared para sa race niya. Minsan ay umuuwi pa yang madaming sugat.

Triple Endless Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now