chapter 32

704 10 0
                                    

ALORA AXEL VILLAFLOR'S POV

Me:

Gab? Tell me that isn't true.

Me:

Hindi kayo ni Dexie. Walang namamagitan sainyo.

Me:

I'll wait for your explanation.

1 week later…

Me:

Hi ulit Gab

Me:

1 week had passed and I'm still waiting.

Me:

I know it's not true.

1 month later…

Me:

mahal?

@santiagogab

paris ❤️🥂 @BautistaDex [a photo of Gab and Dexie watching the Eiffel tower at Paris]

Inihagis ko ang aking telepono sa sulok at nabasag iyon tsaka ako sumigaw ng lakas. Matapos ko iyong makita hindi ko na maproseso lahat sa utak ko.

Isa sa mga plano natin ito Gab eh. Bakit naman sa iba mo tinupad?

Plano namin iyon eh. Dapat saamin iyon pero bakit iba ang kasama niya? Nangako siya saakin na ako lang. Saakin lang. Handa siyang bumuo ng future kasama ko.

Pero ano itong nakikita ko? Bakit ibang babae?!

Alam kong partner niya lang si Dexie at baka nagpapanggap lang sila pero bakit parang totoo ang lahat?

Kung hindi iyon totoo sana sinabi niya saakin. Kahit text manlang o kahit sa mga kakambal niya iparating ang explanations niya.

Maintindihan ko naman eh. Iintindihin ko naman siya eh. Palagi ko naman siya iniintindi.

Nakakapagod din sa ganitong relasyon. Ang magkarelasyon ka ng sikat na tao na hindi mo alam kung ikaw ba talaga ang mahal niya sa likod ng mga kamera.

Humagulgol ako sa kama ko at simula pa ito noong nakaraang buwan pa.

"Gab..." I cried.

May narinig akong kumatok sa labas. "Ate? Ayos ka lang ba?" Rinig kong si Acel ang nasa labas.

Natagalan pa ako ng ilang minuto bago sumagot. "A-ayos lang ang Ate. W-wag kang mag alala," sabi ko habang tinatakpan ang bibig dahil baka mahalata niyang humahagugol ako.

I bit my lower lip and sobbed silently.

"Gusto mo ba akong pumasok? May pagkain akong dala baka kasi nagugutom ka," sabi pa ni Acel at bakas ang pag aala sa boses niya.

Suminghap ako. "Ayos lang talaga ako, Acel. Pabayaan mo muna akong mag isa," pakiusap ko sakanya.

"Pero—"

"Acel, wag nang makulit umalis ka na!" Sigaw ko nang hindi na matiis ang kakulitan niya.

"O-osige. Basta Ate kapag kailangan mo ako tawagin mo lang ako," sabi niya tsaka ko narinig ang dahan dahan niyang pag alis sa harap ng pinto ng kwarto ko.

Umiyak ako ng umiyak kahit bihira nalang ang luhang lumalabas sa mga mata ko.

Natuyo na lahat ng luha ko pati ang lalamunan ko ay masakit na din.

Triple Endless Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now