chapter 7

472 13 3
                                    

Nang makalabas ako ng game ay sinalubong ako ng kakambal ko g si Kaiden. Kasama niya ang mga kaibigan niyang hindi ko naman kilala.

"Sino ka?" Tanong ko sa matangkad.

"He's Nash," pagpapakilala ni Kaiden. "This is Shan and Julian," turo niya pa sa dalawa.

"Talo ka pala kay Ramos eh," tumawa yung Julian.

"May next time pa naman," sabi ni Nash.

"Tulala ka kanina? Kanino ka ba tumitingin?" Tanong naman ni Shan.

Napansin pala nila?

"Ha? Ah.." sasagot na sana ako nang may umakbay saakin.

"Tulalabs kay Axel kanina ah?" Pang aasar ni Jade saakin. "Kala mo di pupunta? Tsk, crush ka non eh. Di ka non matitiis,"

Alam ko namang biro iyon. Di ako yung crush niya, dsi Jared iyon. Umiiwas na nga ako dahil si Jared ang gusto niya. Ayokong makigulo.

"Nasaan siya?" I asked. I should be embarrassed for what happened last time but I want to see her. I wanted to talk to him, to say sorry.

"Ewan ko," nagkibit balikat si Jade at luminga para hanapin si Axel.

Nandoon pa din si Kaiden at nakatingin lang saamin. "Akala ko di ka pupunta?" Tanong ko sakanya.

"Well, it's my brother's house me. I don't want to miss it," he said.

I held my chest, acted like I was so touched. "Wow, brother! Sweet naman! Kiss mo nga ako!" Itinuro ko ang pisngi ko at lumapit sakanya pero agad naman siyang umiwas saakin at nakangiwi pa.

"Fuck off, Gab!"

Napatawa ako sakanya nang kalabitin ako ni Jade dahil papalapit na saamin si Axel.

"Aalis na ako," paalam ni Kaiden.

Pero pinigilan ko siya. "Teka, may ipapakilala pa ako sa'yo," sabi ko sakanya kaya nanatili siya sa tabi ko.

Nakita ko si Axel na nagrorolyo ng banner na ginamit niya kanina habang naglalakad papalapit saamin. Nakatalikod naman si Kaiden sakanya kaya hindi niya nakikita.

I bit my lower lip to stop myself to talk to her.

Nakayuko siyang naglalakad kaya nabangga niya ang likod ni Kaiden. Lumingon si Kaiden at tinulungan si Axel na tumayo.

Nang makita ni Axel ang itsura ay agad itong nagtaka. Kaiden is different from us, Jared. Kaiden is the serious and cold one. Mas pormal siya saamin.

"Ha?" Nagtatakang tanong niya sa sarili niya. Axel wanted to ask me but she couldn't so she instead ask her friend to ask me.

"Sino daw yan?" Tanong ni Shine saakin.

"Uh.. this is Kaiden Archer Santiago," pagpapakilala ko sakanila. They all got surprised. Di nila inaasahan na may isa pa akong kambal. Well, lahat naman ng taong nakakakilala ni Kaiden ay nagugulat na triplets  kami. Palagi kasi naming hindi kasama si Kaiden.

"Triplets?!" Pagsigaw ni Natasha, gulat.

I chuckled. "Yes, he's the youngest,"

"Nas gwapo to ah?" Sabi ni Jade at nakaturo kay Kaiden.

"Nakaka hurt ka Jade ah. Kambal kami oh siyempre gwapo din ako," I pouted then laughed.

"Che! Mas pogi si Kaiden," pagtataray ni Jade.

"Ask Axel nalang who's most handsome," Natasha suggested.

Lahat ng kainigan ni Axel alam na may gusto ako si Axel. Sila talaga ang mas naunang may alam dahil halata naman na daw sa ikinikilos ko at inaakto ko kapag kasama ko si Axel kaya hindi ko na tinanggi.

Triple Endless Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now