chapter 33

695 7 0
                                    

BRIELLE'S POV (AXEL'S SISTER)

3 years later...

Chloe:

Ate Brielle!! Sasama ka daw ba?

Me:

San?

Chloe:

Susunduin si Ate Axel. Bumaba ka na daw dito at kumain. Excited na akong makita ulit si Ate 🥰🥰

Me:

Hay nako mga minor nga naman. Minor moments.

Chloe:

Tanginamo, kaka 18 mo palang hoy.

Me:

Sumbong kita kay Mama nagmumura ka.

Gumagawa ako ng research nang itext ako ni Chloe na susunduin daw namin si Ate Axel ngayong araw sa airport.

No one knows except our family na ngayon ang uwi ni Ate Axel.

It's been 3 years nang umuwi siya dito at inaamin kong namimiss ko siya kahit naman nakikita ko ang pagmumukha niya dito sa bahay araw araw dahil na din kay Ate Acel.

Ayos naman na ang buhay niya sa Spain at siguro ay magbabakasyon lang siya dito at babalik ulit sa Spain.

Naligo na muna ako tsaka nagbihis ng casual lang. Kasi kami lang din namang pamilya ang aalis. Hindi sasama ang jowa ni Ate Acel.

Hindi niya din alam na dadating si Ate ngayon at baka sabihin niya lang sa kakambal niya.

Pagkatapos noong ginawa ni Kuya Gab kay Ate Axel? I don't know if mapapatawad ko pa ba siya.

"Kumain ka na," aya saakin ni Ate Acel nang makababa ako papunta sa dining room. Nakabihis na silang lahat at nagsimula na ding kumain. Inunahan na nila ako.

Umupo ako sa harap ni Chloe habang siya ay nakatingin saakin ng masama. I playfully smiled at her. Just like I'm signalling that I'm going to do something.

Tumingin ako sa gawi ni Mama at naging mas matalim pa ang tingin si Chloe saakin.

"Uh.. Ma?" Ngumisi ako.

"I'm sorry," biglang sabi ni Chloe.

Napatingin ang lahat sakanya habang ako ay tumatawa ng patago.

"Bakit ka nagso-sorry?" Tanong ni Mama sakanya. "Anong sasabihin mo, Brielle?" Tumingin naman siya saakin.

"Tatanungin ko lang kung stay for good na ba dito si Ate Axel?" Tanong ko tsaka tumingin kay Chloe.

Akala niya ata isusumbong ko siya sa pagmumura niya kanina. May araw ka din, Chloe.

"Babalik pa siya pagkatapos ng 3 months," sagot niya.

Tumango nalang ako tsaka nagsimula nang kumain.

Pagkatapos ng pagkain ay nagligpit na ang mga maids ng mesa habang ako ay pumunta muna sa sala.

"Nasaan si Gab?" Napadaan ako sa garden at narinig na may kausap si Ate Acel sa phone.

Di ko marinig ang sinasabi ng kausap niya pero bakit niya hinahanap si Kuya Gab?

"That's good. Just making sure na di sabay ang flight nila," huling sabi ni Ate bago ibaba ang phone.

Umalis na din ako bigla at baka mahuli pa niya akong nakikinig sa usapan nila.

ALORA AXEL VILLAFLOR'S POV

Triple Endless Love (COMPLETE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora