chapter 26

231 6 0
                                    

ALORA AXEL VILLAFLOR'S POV

Habang naglalakad ako papuntang sakayan ng jeep ay nadaanan ko pa si Jared na nakikipagusap sa mga kaibigan niya.

He waved at me with a wide smile. Tinapik niya ang balikat ng kaibigan niya bago lumapit saakin.

"Pauwi ka na?" Inakbayan niya ako kaya napayuko ako ng kaunti dahil sa kabigatan ng kamay niya.

"Oo, ikaw?" Tanong ko din sakanya.

"Hatid na kita?" Pag alok niya.

Umiling ako. "Kaya ko naman sarili ko,"

Hindi lang kasi ako sanay na ihatid ako ni Jared. Kahit noon naman di niya ako hinahatid nung nagpapanggap pa kami.

Ewan ko din bakit ko naisipan yung pagpanggap na yun para mawala ang feelings ni Gab. Sa huli naging kami din pala.

Tanga lang?

"Hindi ka ba hinahatid ni Gab?" Tanong niya habang nakatayo kami sa gilid ng daan.

Umiling ulit ako. "Sinabihan ko na siyang mauna nang umuwi,"

Tumango tango naman siya habang hawak hawak ang straps ng bag niya.

"Ah…" pagsira niya ng sandali naming katahimikan. "Can I ask permission from you? Ayos lang naman if ayaw mo," nahihiyang tanong niya saakin.

Humarap ako sakanya. "Ano ba yun?" Tinaasan ko siya ng kilay at hinihintay ang sasabihin niya.

Bakit pa to nanghihingi ng permiso saakin? Nanay niya ba ako?

"Di wag nalang," pagbago ng isip niya. He sighed and looked straight to the road.

"Ano nga yun?" Pilit na tanong ko.

"About… Acel,"

"Why? May nangyari ba sakanya?" Natatarantang tanong ko tsaka inalog ang balikat niya.

"Calm down. Nothing happened to her. Kasama ko siya palagi kaya walang mangyayaring masama sakanya, saamin niya," tumawa naman ang mokong.

Hinampas ko siya sa braso at agad naman siyang nagreklamo. Nakakatawa ba yun?

"Hindi nakakatawa, Jared. Kapag talaga may ginawa ka sa kapatid ko malilintikan ka saakin," pagbabanta ko sakanya.

"I'm asking permission nga if I can date your twin?" He asked.

My eyes widened when he asked. Like for real?! Acel? Jared? Wait! Teka! Kalma!

"D-date?" Pagkumpirma ko.

He slightly nodded and scratched the back of his neck. I can feel that he was embarrassed by what he said.

Ayos lang naman saakin kung ida-date niya ang kambal ko. Ang inaalala ko lang ay kung paano ayaw ni Acel?

"Okay lang naman saakin," tumaas ang tingin niya saakin, mukhang masaya sa sinabi ko. "Pero… ang tanong… gusto ba ni Acel?" I asked.

He shrugged. "I haven't asked him yet," napaka torpe naman!

"Tulungan kita. Akong bahala," sabi ko at sumakay sa humintong jeep.

Akala ko ay aalis na siya pero sumunod pa din siya sa loob. Di na ako tumanggi at hinayaan nalang siyang sabayan ako sa pag uwi.

Nang makarating kami sa bahay ay inaya ko din pumasok sa loob si Jared. Matagal tagal na ding di ito nakakapasok sa bahay eh baka namiss na din ni Mama.

At least di ba meet the Mom muna?

"Anong gusto mo? Tubig? Juice? Tea? O baka gutom ka na? Gusto mo ipagluto kita?" Narinig kong sunod sunod na tanong ni Mama.

Triple Endless Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now