chapter 25

285 9 0
                                    

JADE'S POV (AXEL'S FRIEND)

"Baon mo," paalala ni Mama saakin bago ako umalis ng bahay.

"Thank you," sabi ko sabay kuha ng lunch box ko na hinanda niya para saakin. "Ano ulam?"

Ngumiti siya saakin. "Adobo. Paborito ng baby ko," sabi niya at pinisil ang pisngi ko. Grabe naman si Mama parang bata pa din ang turing saakin.

"Wow, the best talaga!" I winked. I kissed her cheeks before going outside.

"Goodluck my future attorney!" Pahabol pa niya mula sa pintuan ng bahay.

Habang naglalakad pa ako papuntang sakayan ng jeep ay may nakita akong bata na umiiyak. Nilapitan ko ito at nakita g si Chloe iyon.

Bakit nandito to sa labas? Malapit lapit lang naman ang bahay nila pero kung sa bata ay malayo na ito sakaniya.

"Chloe," tawag ko sakanya.

Halata sa mga mata niya ang ilang minuto nang pag iyak. Kawawang bata naman ito. Naka pink siyang damit at two ears pa na hairstyle pero magulo na.

Tumakbo siya papunta saakin pero nadapa siya kaya ako na ang lumapit para tulungan. Umupo ako hanggang sa magkasingtaas kami.

Close na din kasi kami ng batang ito dahil kaibigan ko ang Ate Axel niya.

"Bakit ka nasa labas?" Mahinahong tanong ko habang pinapagpagan ang damit nito. Patuloy pa ang paghikbi niya saakin at hindi makapagsalita. "Shh…" pagpatahan ko sakanya. "Nasaan si Mama mo?" Tanong ko pa sa bata.

"B-bumili k-kami ice cream then… then may m-man na humahabol s-saakin," pagsusumbong niya at yumakap saakin tsaka ibinaon ang mukha sa leeg ko.

Hinaplos haplos ko ang likod niya habang patuloy pa din sa pag iyak. Sinong lalaki naman ang humahabol sa batang ito?

"Tara, I'll take you home, okay?" Pinunasan ko ang luha niya gamit ang kamay ko at hinawakan ang maliit niyang kamay tsaka kami naglakad.

Napansin kong maikli ang biyas niya kumpara saakin kaya tumigil ako sa paglalakad. Tinignan niya ako ng inosente na parang nagtataka bakit kami huminto.

"W-why kuya Jade?" Tanong niya na may kalong hirap sa pagsasalita dahil sa pag iyak.

Kinarga ko siya gamit ang isa kong kamay saka kami naglakad ulit papunta sa bahay nila. Siguradong nag aalala na si Tita kay Chloe kung nasaan na ito.

"Tita?" Kumatok ako sa pintuan nang makarating kami. Tumahan na din si Chloe kaya kampante na ako. Mukhang nakatulog na nga sa balikat ko dahil pagod kakaiyak kanina eh.

Mukhang walang tao sa bahay nila kaya lumabas ulit ako para hanapin si Tita. Ilang minuto lang ay nakita ko siyang balisang balisa na hinahanap si Chloe.

Itinaas ko ang kamay ko para makuha ang atensyon niya at para malaman niyang hawak ko si Chloe. Dali dali siyang lumapit saakin tsaka kinuha si Chloe mula saakin.

"Naku! Salamat Jade!" Pagpapasalamat niya saakin at niyakap din ako.

"Walang anuman, Tita." Sabi ko naman. "Nakita ko lang kasi kanina si Chloe na umiiyak sa daan kaya pinuntahan ko,"

"Akala ko nga ay kung ano na ang nangyari sakanya. Mabuti nalang at ikaw ang nakakita,"

Aalis na sana ako nang maalala ko ang sinumbong ni Chloe saakin.

"Ah Tita?" Humarap ako sakanya. Napataas siya ng kilay. "May sinabi kasi si Chloe saakin… di ko alam kung imagination niya lang or what… pero sabi niya may humahabol daw na lalaki sakanya," pagsusumbong ko.

Triple Endless Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now