chapter 24

292 6 1
                                    

JARED LIMUEL SANTIAGO'S POV

3 days na akong di nakapasok sa school dahil sa ginawa ni Acel na 'yon.

Hanggang ngayon masakit pa din ang mukha ko lalo na sa bandang natamaan niya ng bola. Sinabi nang wag tamaan eh. Tinamaan pa din.

Bored na bored na ako sa bahay at wala akong magawa. Bumaba ako sa kusina para sana uminom ng tubig nang marinig ko ang usapan nina Mommy at Daddy.

"I heard Gab's currently courting Axel, daughter of Fred?" I heard it was Dad.

"So?" Mom asked. Narinig ko din ang paglapit sakanya ni Dad.

"May tulay na tayo sakanila. Nandyan na si Gab para maging tulay sa paggamit natin sa tatay ni Axel at Acel," he said.

Wala akong maintindihan sa pinag uusapan nila. Anong tulay? At bakit nadamay si Axel at Acel?

"Sounds great, hon." Mom.

Wala din naman akong maintindihan ay kinuha ko nalang ang susi ng sasakyan ko para umalis sandali.

Di naman nila mahahalata na umalis ako dahil mukhang busy din naman sila.

Pumunta ako sa pinakamalapit na mall para may bibilhin lang sana  Pagpasok na pagpasok ko palang ng mall ay parang gusto ko nang umatras dahil nandito din pala siya.

I stepped back but it was too late. She already saw me.

"Jared!" She called with a smile plastered on her face.

Napairap nalang ako habang papalapit siya saakin. Wala na! Wala na akong magawa!

"How's your nose?" Nag aalalang tanong niya at hinawakan ang ilong ko.

Agad ko din naman na itinabig iyon dahil masakit. "Be careful, okay?" I warned her.

"OA mo!" She laughed. "You look like Rodolf,"

Rodolf pa talaga huh?

"Tapis ikaw si Santa?" I asked back.

"Tsk, tara libre kita," aya niya.

Ano to? Sinusuhulan niya ba ako dahil sa ginawa niya? Di pa nga nag sosorry ito nung nakaraan eh! Sinabihan pa akong deserve?!

"Ayoko. Uuwi na ako," sabi ko naman.

"You just arrived. Tara na!" Hinila pa niya ang kamay ko papunta sa isang store.

It was a milk tea store. Pinaupo niya ako sa isang upuan bago siya pumunta sa counter. She didn't just went there pumasok pa siya sa counter.

Nang bumalik siya ay nakangiti na ito. Anong panay ngiti nito saakin? Kaunti nalang sasabihin ko nang may gusto to sakin.

Walang pakealam kong sinandal ang ulo ko sa pader at humalukipkip dahil sa bored ako.

"Sorry about last time," she showed me an apologetic smile.

Tinignan ko siya. "After you said you deserve saakin?" Pagturo ko sa sarili ko.

"I know. I know. Di ko din naman alam ang gagawin ko non. K-kaya a-ano… napasabi ako ng deserve?" She raised a peace sign using two of her fingers.

Grabe!

Nang dumating na ang order ay binigay niya saakin ang binili niya para saakin. Pero mukhang masyadong matamis at ayaw ko ng sobrang tamis. Nang sinipsip ko iyon ay di nga ako nagkamali at sobrang tamis ng binigay niya saakin.

Inilapag ko yun sa mesa at napatingin sakanya.

"Why? Ayaw mo ba?" Tanong niya pagkatapos sumipsip sakanya.

Triple Endless Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now