chapter 14

348 14 0
                                    

IRISH'S POV (DEXIE'S FRIEND)

Dexie:

Irish! Where are you?!

Dexie:

Better hurry up! Samahan mo ako sa photoshoot ko!

Dexie:

I'm partnered with Gab again!

Dexie:

omg! I'm so excited nanaman! 😩

me:

yeah, coming

"Saan nanaman punta mo?" Tinaasan ako ng kilay ng Kiya ko nang kuhanin ko ang tote bag ko pati ang helmet ko sa bike.

Aalis nanaman ako dahil tinatawag ako ni Dexie dahil need niya daw ng assistant dahil nilagnat ang P. A. niya at walang mag aassist sakanya. I was supposed to help my mother at the bakery shop pero nag iba dahil pupuntahan ko pa si Dexie.

"May pupuntahan lang kuya," sabi ko sakanya.

"Ate!" Tawag naman ng isa kong kapatid na babae.

"Oh?"

"May pa audition sa baranggay para sa gustong kumanta baka gusto mong sumali?" She asked.

I have a little talent at singing since I was 3. Di naman ako palasali sa mga competition dahil hobby ko lang ang pagkakanta at kadalasan ay mas magaling ako sa rapping.

"Ayoko! Madami pa akong gagawin," pag iling ko. Sayang nga lang dahil malaki laki daw ang premyo ng mananalo pero alam ko namang di ako mananalo dun.

"Sayang naman ate! 15,000 daw yung grand price eh," pagsusumbong niya.

Agad namang napalabas si mama sa kwarto at may suklay pa sa kamay dahil nagsusuklay sa loob ng kwarto dahil aalis para bumili ng mga kakailanganin sa bakery. "15k?!" Gulat na tanong ni Mama sakanya at pagkatapos tumingin saakin.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Ma, ayoko," agad na pagtanggi ko.

"Wala pa akong sinasabi," umiling siya at tsaka pumasok sa kwarto para ibalik yung suklay. "Pero sakayang naman, Irish. Malaki laki na din yun," dagdag pa niya.

"Di naman ako mananalo dun, sayang lang din," I pouted.

"Pero paano kapag manalo ka?" Sumingit si Kuya.

"Hayaan niyong magdesisyon ang kapatid niyo sa gusto niya," lumabas si Papa na galing sa banyo at kakaapos lang maligo  Sasamahan niya kasi si Mama sa palengke. "Basta kung ano may desisyon mo, support lang kami," pampalajas loob na sabi ni Papa.

"Sige, alis na ako!" Paalam ko nang isuot ko ang helmet at sumakay sa bike.

"Pag isipan mo ha!" Pahabol ni Mama. Umiling iling lang ako at umalis na.

Nang makadaan ako sa park na malapit saamin ay may nakita akong babae sa well. May hawak siyang coin sa kamay habang nakaharap sa well at nakapikit ang mata.

Hahayaan ko nalang sana pero nadidistact talaga ako sakanya. She's so pretty wearing her pink dress at hinahangin pa. Lumapit ako sakanya pagka park ko ng bike ko sa gilid.

She kissed the coin before throwing it to the well.

"Anong ginagawa mo?" Curious na tanong ko.

Napatalon siya sa gulat nang magsalita ako mula sa likod niya. "Oh, nandyan ka pala," she smiled. "Uhm, just wishing,"

"Wish? Sa well? Eh nagsasayang ka lang ng pera diyan eh," turo ko sa well.

"Well, yes. Di mo ba alam na magkakatotoo ang wish mo kapag magtatapon ka ng barya sa well?"

I shook my head. "Eh dati naliligo lang ako diyan eh,"

"Ikaw bakit ka nandito?" She asked.

"Aalin na ako," sabi ko naman.

"So bakit ka nga nandito kung aalis ka?"

"Uh.. nakita lang kita,'

"Bakit? Na love at first sight ka sakin?" She joked.

I chuckled at her joke. "Luh asa!" I rolled my eyes.

"Samanta pala. Sam nalang," she offered her hand at aga ko namang tinanggap.

"Irish," I introduced.

"Taga dito ka?" Tanong niya nang makabitaw sa siya sa pakikipagkamayan namin.

I nodded. "Ikaw?"

"Anak ako ng kapitang ng baranggay dito," she smirked.

Tumango tango lang ako. I haven't seen her around here. Di she came from other place? Galing probinsya? Di naman siguro.

"Mag o-auditon ka ba sa singing contest? I'm sure maganda ang boses mo,"

"Ayokong sumali. Di ako mananalo doon," I said.

"Mananalo ka niyan! Mag audition ka ha!" Panghihikayat niya saakin. "Aabangan kita sa audition sa friday ha!" Huli niyang sabi nanng may sumundo na sakanya.

Umalis nalang din ako at dumiretso sa photoshoot ni Dexie dahil kanina niya pa ako hinahanap.

"Argh! I can't reach it!" I heard Dexie groaned inside the dressing room. Pumasok ako doon at nakitang di niya maisara ng maayos ang zipper sa likod niya kaya tinulungan ko siya.

"Omg! Irish, ang tagal mo!" Reklamo niya. "Kanina pa ako nahihirapan dito oh!"

"Sorry may dinaanan lang," I excused.

"Mas importante pa ba yun kaysa saakin?" I saw her brows raised on the mirror. Hindi naman kasi lahat sa'yo umiiyak, Dexie.

Pagkatapos niyang magbihis ay lumabas na ako dahil may pumasok na na make up artist para ayusan siya.

I saw Gab sitting on the side while he's on his phone. Nabalitaan ko din na meron nang jowa yung kapatid niyang si Jared. Si Axel  ata yung pangalan.

May kinuha akong tubig sa likuran niya at aksidenteng nakita kung ano ang tinitignan niya doon.

Nakita ko yung Axel sa phone niya. Madaming pics. Mas madaming stolen shots na nakangiti at meron ding magkasama silang dalawa. Kita din ang ngiti sa mukha ni Gab kapag nakikita niya ang nakakatawang itsura ni Axel.

Sa mga ngiti niya, alam mong hindi lang sa isang kaibigan eh. May iba. Iba ang mga ngiting iyon. Inlove ba ito sa jowa ng kakambal niya?

"Cute niya. Crush mo?" I whispered in his ears.

"Oo, matagal na," he accidentally said. Di niya siguro alam na ako yung nagsasalita at nadulas sa sinabi niya.

Triple Endless Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now