chapter 20

330 9 1
                                    

JARED LIMUEL SANTIAGO'S POV

"Tignan mo 'yun parang naliligaw," napalingon ako sa itinuro ni Ethan na babae na parang batang nawawala.

Nasa labas kami ngayon ng isang com shop dahil nag pa print ako at sinamahan lang ako ni Ethan.

In the distance she looks familiar. Di ko na sana papansinin pero parang gumalaw ng kusa ang mga paa ko papunta sakanya.

"Kuya, do you know this place?" She asked me and showed something on her phone.

Nakayuko siya kaya di ko makita ng maayos ang mukha niya. Di ako nakafocus sakanya habang nagsasalita dahil ang familiar niya talaga saakin.

"Have we met before?" I asked. Agad siyang napatingin saakin kaya naalala ko na kung sino. "Axel!" Tumawa ako.

Agad ko na napansin na si Axel 'yun at hindi ako magkakamaling hidi siya makilala. Pero bakit ang weird? Iba ang ayos? Iba ang amoy? Nagpalit ba siya ng perfume? At iba din ang vibes niya. Parang iba din ang ibang features niya.

"I'm sorry but I'm not Axel," she said.

Agad akong nagtaka. "Nagbibiro ka ba? You're Axel!" Inakbayan ko siya at hinila hanggang baba ng balikat ko.

"Ano ba?!" Lumayo siya saakin. "Don't touch me like that! You're so bastos!" Inirapan niya ako. Galit na galit pa nga.

Napalayo din ako dahil sa gulat  Di ko inaasaahang may tinatagong ganito na ugali si Axel.

"I'm not Axel okay? I'm just asking for this place tapos you're harassing me ba?!" Itinuro niya ako. "I'm going to report you to the police if you're going to do this again!" Sinigawan niya ako kaya napalapit si Ethan saamin.

"Anyare?" Tanong niya saakin. I shrugged.

"Eh this Kuya kasi is harassing me!"

Kuya huh?

I was smirking while staring at her, amused. There was something about her that I liked. She's so grumpy and so cute when she's mad like a kid that I can't resist.

"Axel?" Same question din ang tinanong ni Ethan sakanya.

Umirap siya ulit, halatang naiirita na. "First of all, I'm not Axel and second… whatever," kakairap niya ay parang ako yung nahihilo.

Umalis na siya at pada og na naglakad papalayo habang kami ay nakatayo lang doon at pinanood ko siyang umalis.

I wonder what's her name if she's not Axel.

ALORA AXEL VILLAFLOR'S POV

"Ano to?" Tanong ni Gab nang pulutin niya iyong nalaglag kong bag. May nakita siyang maliit na card at chineck iyon.

Nasa ilalim kami ng puno at nakaupo habang nag s-sketch ako. Wala naman siyang ginagawa kundi ang bwesitin ako.

Maya maya siya talak ng talak sa nangyari sa mga training na at niyayabangan ako kung gaano siya kagaling mag basketball.

"Wala yan," inagaw ko sakanya yung card at itinago sa bulsa ko

"Sino si Acel?" Tanong niya. Yun kasi yung nakalagay sa card. Calling card yun ni Acel.

Hanggang ngayon ay di ko pa din siya ma contact. I still don't know what to say to her.

"May nagbigay lang sakin niyan,"  pagdadahilan ko. Pilit niyang kinuha ang card sa bulsa ko pero hinampas ko siya.

Tumawa naman siya saakin. "Prank call kaya natin?" Suhestion niya.

Napatingin ako sakanya. "Para saan naman?"

"Hingan natin ng ten million," pagbibiro niya.

Agad ko siyang hinampas at tinawanan lang ako. Nakahawak pa siya sa tiyan niya habang naka tawa. Tawang tawa talaga, Gab?

"Joke lang!"

"Gab, pwede magtanong?" I asked and stopped doing my sketches.

"Nagtatanong ka na," sabi niya habang seryoso ang mukha.

Sinamaan ko siya ng tingin tsaka inirapan. "Pero seryoso. Anong pakiramdam na may kambal ka?"

Napatingin siya sa taas. "Masarap, masaya. At least nakikita mo sarili mo na pogi ka diba?"

"Putangina mo ang hangin mo," tinulak ko siya.

"Sus, crush mo naman?"

"Di no!" Ngumiwi ako.

"Di mo ako crush kasi di ako pogi?" He pouted.

"Di naman sa ganoon,"

"So crush mo ako?"

"Ha? I mean pogi ka naman—"

"So, crush mo nga ako?" He cut me off.

"Hindi!"

"Kasi pangit ako?"

"Putcha kailangan talaga dalawa, oo?"

"Siyempre naman!"

Napakagat ako ng ibabang labi. "Slight lang,"

"Na?"

Di na ako sumagot at bumalik sa ginagawa ko.

I like Gab a bit, mga 51% lang. I mean it's just not love di ba? Lilipas din naman dahil nasanay lang akong kasama ko siya palagi.

"Sana all!" Nagulat ako nang sumigaw si Gab.

"Hoy, anong sinisigaw mo diyan?" Suway ko.

"Maghihiwalay din kayo hoy!" Dagdag pa niya.

Ngumuso siya. "Nakakainggit nag kiss sa oh," turo nita sa magjowang nasa bench na din kalayuan saamin. "Kiss mo din ako," turo niya sa pisngi niya at inilapit saakin para mahalikan ko daw.

"Luh? Jowa kita? Magjowa yan, di tayo magjowa hoy!" Itinulak ko ang mukha niya at tumawa siya ng maikli tsaka umayos ng upo.

"Edi magjowa nalang tayo simula ngayon," tumawa siya.

"So need mo mag pretend muna na gusto mo ako?" Tanong ko habang nag s-sketch.

"Di ko na kailangan pang magpanggap,"

Napatigil ako sa ginagawa ko tsaka siya dahan dahang hinarap. Nagkasalubong ang mga mata namin at mukhang seryoso pa siya sa sinabi niya.

Umirap ako at ginawa ang finishing touches ng plates ko.

"What if ligawan kita?" He asked habang nakatukod ang isang brado niya sa lupa at ang isang kamay ay sa hita niya at nakatingin saakin.

Tinignan ko siya at umiling. "That won't work, Gab," I smirked and went back to work.

"Ayan, tapos na!" Excited na ipinakita ko sakanya yung plate ko  Di ko alam kung maganda ba o pangit. I just wanted to show it to him.

"Maganda," maikling sagot niya kahit di naman tinignang mabuti.

"So what if mag work?" He asked.

"Na?"

"What if mag work tayo? I mean wala naman na kayo ni Jared di ba? Ibig sabihin lang non di talaga kayo para sa isa't isa at tayo talaga yung destiny."

"What if ayoko?"

"Edi, ligawan pa din kita malay mo magbago isip mo di ba?"

"What if di kita sagutin?"

"Bilis naman!" Reklamo niya. "Di pa nga kita nililigawan binabasted mo na kaagad ako.

Tumawa ako.

"So ano nga?" Tanong niya.

"Oo na. Oo. Ang kulit!"

"Tayo na?"

"Lah?" Nagulat ako.

"Biro lang! Liligawan kita," inilagay niya ang dalawang palad sa magkabilang pisngi ko.

"I will prove to you that I am yours and you'll be mine," he smed and kissed my forehead.

@ukn_own

sulitin mo lang pagiging masaya mo, Gab.

Triple Endless Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now