chapter 18

292 9 0
                                    

JHANA'S POV (AXEL'S FRIEND)

"Hi Lexi!" I greeted her when I saw her sitting on the big log in front of the bonfire where we were all going to gather later.

She smiled a bit.

Umupo ako sa tabi niya pero umusog siya papalayo. Agad akong lumapit pa pero umusog pa din siya.

"What's the problem ba? Bakit dikit ka ng dikit saakin?" Iritang tanong niya sa akin.

I pouted. "Gusto ko lang namang makipag kaibigan sa'yo,"

"Well ako hindi," mabilis niyang sabi tsaka inirapan ako.

"Crush mo si Kaiden no?" I teased her and even bumped her shoulder a little which made her get more irritated.

"Shut up! Pake mo ba kung gusto ko siya?"

"Suplada," umirap ako.

"Whatever,"

Tumayo ako para kumuha ng juice sa loob bago ako bumalik ulit para bigyan din siya.

"I don't drink," pagtanggi niya

"Juice yan," binigay ko ulit and she accepted it.

"Thanks," mahina niyang sabi. Umupo ulit ako sa tabi niya habang nakatingin kaming dalawa sa paglubog ng araw.

Maya maya ay may dalawang babaeng sumunod at umupo sa isang upuan. Yung isa mukhang mabait at yung isa naman... ayokong magsalita.

Nagulat pa ako nang kalabitin ako ni Lexi. "Oh my god, did you see that girl?" Exaggerated niyang pagkakasabi.

"Saan?" Tanong ko.

Ngumuso siya. "Ayun, I think her name's Dexie,"

"Oo, bakit? Maganda?" Tanong ko at pinaglapit pa ang mga mukha namin.

"Yes, pretty sana siya kung maganda din ang ugali niya," umirap siya. "What a pity."

"Alam mo bang maarte din yan? She's so maarte kapag nandyan ang Daddy niya," pagchichika pa niya saakin.

"Model yan 'di ba?"

She nodded. "Nakapasok lang naman yan dahil daw pinilit yung parents niya para ipasok siya sa modeling,"

"Bakit andami mong alam?"

Umayos siya ng upo tsaka tumingin sa ibang direksyon. "Wala... I just know. Tsaka nakikinig ka naman ah? Parang hindi intiresado sa ma chika ko eh no?"

"Mag kwento ka pa bilis! Makikinig ako," pagpupumilit ko.

She cleared her throat before talking again. Di ko alam na ang sobrang daldal pala ni Lexi pagdating sa nga chika chika na yan. Well, ako din naman.

Ilang minuto ang nakalipas ay umupo na din yung iba at pinaapoy na yung bonfire. May mga marshmallows pa ang iba at binigyan din ang iba.

"Ako din Gab," sabi ni Dexie nang nakita niya si Gab na itinututok yung marshmallow niya sa apoy.

"Madali lang yan, itutok mo lang diyan tsaka mo paikot ikutin," turo ni Gab kay Dexie.

"Paano kapag masunog ako?" Ngumuso si Dexie.

"Mabuti nga," mahinang sabat ni Jade sa tabi ko.

Tinawanan ko siya at binunggo ang balikat niya ng malakas tsaka natumba kay Yancy na katabi niya. "Ginawa ko sa'yo teh?" Pagtataray niya saakin.

ALORA AXEL VILLAFLOR'S POV

"Let's play Truth or Dare!" Excited na suggest ni Dexie nang tumahimik ang lahat.

Triple Endless Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now