chapter 27

254 7 0
                                    

ASHER GABRIELLE SANTIAGO'S POV

Brielle:

Kuya Gab, pinapasabi ni Mama na palagi mo daw bantayan si Ate Axel.

"Kamusta ka na?" Tanong ko kay Axel tungkol sa pagkakahampas sakanya nung isang gabi.

Kung alam ko lang sana na may mangyayaring masama sakanya ay hinatid ko nalang siya sa bahay nila.

Nalaman ko nalang noon nung tinext kaagad ako ni Kaiden kaya dali dali akong pumunta kung nasaan man siya.

Ang pinagtataka ko lang bakit nandoon si Kaiden? Stalker era na ba ni Kaiden?

At kung sino man yung humampas sakanya iniisip ko nalang na baka napagtripan siya ng mga tambay sa gabi.

"Ayos lang ako. Di na masakit," tipid na ngiti niya habang nasa ilalim kami ng puno.

Palagi naming tambayan ang ilalim ng puno malapit sa school. Dito na din kami nag aaral, nagpapahinga o di kaya kumakain at nag uusap.

"Pinapasabi pala ni Mama saakin na bantayan daw kita palagi," putol ko sa katahimikan.

"Sinong Mama?" Napakunot siya ng noo.

"Mama mo—I mean Mama natin,"

She smirked. "Inaangkin mo na si Mama ha,"

"Doon din naman papunta yun, dapat sanayin na,"

I was going to ask Axel if she already knew about her Dad's birthday this coming saturday pero baka pagalitan niya nanaman ako.

Nangako na akong sasabihin ko sakanya lahat pero di ko alam kung sasabihin ko ba ito o hindi.

Time Skip…

ACEL'S POV (AXEL'S TWIN)

Tomorrow will be Dad's birthday at ginagawa ko na ngayon ang mga natitirang pag aaralan ko at activities sa school para di maabala bukas.

May konting party lang naman bukas at friends and some business partners lang naman ang dadating.

There will be an after-party and siyempre ako ang nangunguna doon. Kasama ko lang siguro ang ibang kakilala ko at kaibigan kong si Max.

Max and I have been friends since… highschool?

Papansin kasi si Max noon at panay ang lapit ng palit and nalaman nalang namin na magkaibigan pala ang Dad tsaka ng parents niya kaya naging magkaibigan na din kami.

Kahit anong aral ko ngayon ay wala naman ako maintindihan dahil sa iniisip ko.

Paano ko ba yayayain si Mommy na pumunta dito? Anong sasabihin ko?

"Mom, birthday ng asawa mo kaya pumunta ka," bulong ko sa sarili ko.

Pangit parang ang desisyon ko naman.

"Can you come to Dad's birthday?"

Mali baka di pumayag.

Wala naman akong maisip na excuse.

Bumaba nalang ako para kukuha ng maiinom na gatas at makakuha ng sweet para naman makatulong sa pag aaral ko.

Kumuha ako ng ice cream na strawberry flavor sa ref tsaka kumuha ng gatas at inilagay sa tray para dalhin sa kwarto.

Kumuha din ako ng cookies at inilagay din doon sa tray.

Humakbang amo ng ilang beses nang may mag chat saakin. Napakunot ang noo ko kung sino iyon dahil parang dummy account lang iyon.

@AstignaStitch

uhm.. hi! ako to. si Stitch HAHAHAHA

@AstignaStitch

Triple Endless Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now