CHAPTER 5

846 24 1
                                    

3 years Ago

Flashback

•°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°•

Top

Camille
Hoy
sinong nag palit ng name sa GC?

Allen
The innocent is gone.

Lauren
Ulol hindi nga yan marunong lumandi.

Camille
Wow,
Nahiya naman ako sainyo.
bakit Top kayo?

Allen
Ako oo.
Ewan ko kay Laurena

Lauren
Anong laurena?
Bakla gusto mo ng gera?
Syempre top ako


Camille
Ako na top sa board

Allen
Sa board,
Pero sa bed?
Hahahaah

Lauren
Ang wild ni Accla.
Pero nag usap na kayo?
Nung sinabihan mo ng malandi
@Camille Gago ang tino nung tao
tapos sinabihan mong malandi.

Allen
Anyare? Bakit hindi ko yan alam.



Hindi na ako nag abala pang replayan yang dalawang yan. Siguradong mag aaway lang yan dyan.

"Magandang Umaga" Nakangiti kung bati Sakanila.

Ito nanaman ang mata ko may kung anong hinahanap sakanila hanggang sa marinig ko na ang boses nya.

She is late

Again.


One week straight as i observe! Oo late sya palagi, feeling ko nga sinasadya nyang pumasok na nandito na ako, buti na lang hindi pa ako nag a-attendance

" Good Morning Ma'am" bati nya saakin, na ngayon ay nakatayo sa pintuan ng klasrum.

" Magandang Umaga" Bati ko Pumasok na rin sya at dumiretso na sa kanyang upuan kaya nabalot ang buong klasrum ng Katahimikan.

Her walk parang nag mo model habang kami ito nakatingin lang sakanya hanggang sya ay makaupo.

"Ang tatalakayin ko ngayong araw ay tungkol sa paggawa Dagli" Saad ko agad akong nag sulat sa Black Board upang ipaliwanag sa kanila kung ano ang Dagli.

" Bago ako mag simulang talakayin ito, gusto kung malaman ninyo na Gagawa rin kayo ng sarili ninyong dagli. Kaya makinig para mamaya wala mag tatanong okay?" Tumango naman sila kaya nag simula na ako.

"Ang dagli o quick/flash fiction ay uri ng kwento na mas maiksi pa sa maikling kwento. Kadalasan ay hindi ito lalampas sa 1,000 salita, ang iba naman ay pinipilit pang paikliin ito sa loob ng 200 salita. Layunin nitong magkwento nang hindi naisasakripisyo ang kabuuan ng mga pangyayari sa pinakakaunting salita."

"Bahagyang komplikado ang dagli dahil kung minsa'y para itong tula, alamat, salaysay, at iba pang mga uri ng kwento. Depende sa manunulat, maaari silang gumamit ng dagli sa kahit ano mang plataporma gaya ng social media/Twitter na maaaring mag sumite ng hanggang 140-280 letra."

A Forbidden LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin