CHAPTER 4

1.9K 21 0
                                    

⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙
◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎

Way Back 2023

Three Years Ago.

Flashback.

⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙
◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎





Camille's POV




" Are you okay Ms?" Yan agad ang bungad saakin ng isang diwata, hindi ko masyadong nakikita ang mukha nya dahil sa sinag ng araw na tumatama ngayon sa mata ko.

Agad ko lang nakita ang mukha nya ng takpan nya ang sinag ng araw na tumatama ngayon sa mata ko gamit ang palad nya.

"Are you okay?" may pag aalalang tanong nito. Kusa akong napatango dahil sa tanong nya.

Ang lakas rin ng tibok ng puso ko. I've never felt this before. Parang nagkakarera ang puso ko ngayon habang kaharap ang diwata.

Wala naman syang ginawa , basta ang alam ko naramdaman ko lang ang pag dampi ng labi nya sa labi ko habang ginagawa ang CPR, kaya matapos nun ay naibuga ko na ang tubig na mukhang nainom ko kanina habang nalulunod.

Tumingin ito sa paligid at sunod naman ay saakin na." Im sorry" Yan ang huli kung narinig na sinabi nya bago nya ako iwan dito.

" Ang tanga lulusong sa dagat di marunong lumangoy. Anong akala mo lilipad ka girl pag lumusong ka sa dagat." Galit na sambit ni Lauren saakin habang nasa kwarto.

" Nakalimutan mo yatang tao ka hindi isda"

Akala ko kasi mababaw lang, pero hindi, wala talaga sa katinuan yung utak ko kanina kaya ako nalunod.

" Ang alak kasi beh nilalagay sa tyan hindi sa utak. Tingnan mo para kang tanga, na sabog na lutang, my god buti na lang may nakakita sayo. Lalo pat walang dumadayo dito sa resort." Nakahalumbaba lang ako habang tinitingnan ang sarili.

Nasunog ako

" Hoy, Nakikinig ka?" Tumango ako.

" Uuwi na tayo hindi na natin tatapusin yung 3 days vacation natin rito dahil baka bukas lumulutang kana sa dagat"

Bukas sana yung uwi namin kaso dahil sa nangyari saakin napa aga yung uwi. Sayang lang hindi ko na nakita yung diwatang tumulong saakin. Hinahanap ko sya pero umalis na daw bawal din kasing sabihin yung pangalan nung mga turistang dumadayo rito dahil masyadong raw confidential.

Pangalan lang eh!

Nakakatampo sila.




***



Matapos kung patayin ang alarm clock ay agad na akong nag madaling mag ayus sa sarili dahil ngayon ko lang naalala na ngayong araw darating yung bago kong studyante.


Sarap ihampas sa pader yung alarm clock eh mag aalarm saktong alas syete

Ang tanga.

Agad akong nagmadali dahil saktong seven ang start ng klase ko. Shit, Nawawala yung isang pares ko ng Heels. Bahala na.

A Forbidden LoveWhere stories live. Discover now