CHAPTER 10

386 19 0
                                    

Sabay kaming naupo ni lola sa dining table ang haba rin nito at ang laki. May mga kasambahay na nag-aasikaso pero mukhang iilan lang.

" Anong trabaho mo?" Nakangiting tanong ni lola.

" Teacher po, sa Leviarte Academy!" Nakangiti ko ring sambit. Mas nagugutom tuloy ako dahil lagay ng lagay ng mga pagkain ang mga kasambahay dito.

" Oh, Duon din ang apo ko nag aaral!" Saad nya. " Kasalukuyan syang nag aaral bilang grade 11, kalilipat nya lang din" tumango lang ako.

May sasabihin pa sana sya ng biglang may masiglang babaeng sumigaw.

" Lola im home!" Base sa sigaw nito, mukhang ang saya nya.

" Yan na yung apo ko! Tara salubungin na natin." Tumango ako at sumunod kay lola upang salubungin ang apo nya.  Palabas pa lang kami sa kusina ng biglang lumakas ang tibok ng puso ko. My god yung apo nya lang naman diba.

Habang sumusunod kay lola ay bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Ng makita ako ang apo nyang nakasuot ng simpleng puting damit at may nakasabit ring badminton bag sa likod nya — i mean hello?!  She's so f*cking wet, na halatang galing sa pag eensayo sa academy dahil halatang basa  sa pawis ang damit nito.

" Meet my Apo! Ycholai!"

Halos manghina ang tuhod ko ng magtama ang tingin naming dalawa. Ilang araw ko rin itong iniwanan dahil sa drunk confession ko, gagi kung ano ano kasing lumalabas sa bibig ko tuwing lasing.

Napasinghap ako ng maamoy ang nakakaakit nitong pabago. Nanlaki ang mata ko ng makitang nasa harapan ko na ito. Gagi kahit pawis ito ay hindi sya nagmumukhang dugyot tingnan. Mas nadagdagan pa nga yung ganda nya.

" I need to change first!" Saad nya at binawi ang kamay na mukhang kanina pa nakalahad saakin.

" Sige, hintayin ka nalang namin" sagot naman ni lola hindi naalis ang tingin ko hanggang sa umakyat na ito ng hagdan at pumasok sa isang silid.

" Maganda Ba?" Kusa akong napatango dahil sa tanong ni lola na ikinatawa nya lang "Syempre apo ko yun eh" Bigla naman hinawakan ang braso ko nito at agad na kaming bumalik sa dining table.

" Lola pwede mag apply bilang asawa no'n?" Wala sa sarili kung tanong, na mas ikinatawa nya lang, buti naman alam nyang nagbibiro ako. Pero lola naman eh, hindi, seryoso ako.

" It depends oh her! Sabagay wala pa iyong pinapakilala saakin, baka ikaw na talaga" mas lumawak ang ngiti ko dahil sa sinabi nya.

Paasa ka rin lola. Pero sige.

Agad napalitan ang ngiti ko  ng biglang dumating ang dyosang nakasuot ng puting nighty dress,  she's just wearing her usual poker face na mukhang galit sa mundo. Pero kahit na, mas glowing sya tingnan.

Natigilan lang ako sa pag papantasya sa dyosa ng may biglang tumikhim.

" So... Seryuso ka nga sa sinasabi mo kanina na gusto mong—." Bago pa ni lola matapos ang sinasabi nya ay nagsalita na ako.

" Biro lang yun lola nukaba" mapakla akong napangiti at nag iwas ng tingin sa nakunot noong dyosang naupo sa harap ko.

" What's gusto?" Panira nung isa at Tinitigan ang lola nya, gagi lola Don't try to say something na pagsisihan ko.

" Nothing,  she just want to know you better so she can be your wife!" Nabilaukan ako ng sarili kung laway dahil sa sinabi ni lola.

" Ah huh?!" Napatangu-tango naman yung isa at nag lead na ng prayer. Gagi nag dadasal pala, akala ko kakain na.

Tanging utensils lang ang naririnig dito sa buong hapag, ayaw ko rin magsalita dahil sigurado akong ang awkward, nito lalo pat sya yung kaharap kung kumain. Ramdam ko naman ang titig saamin ni lola kaya mas itinuon ko na lang ang tingin ko sa pagkain.

A Forbidden LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora