CHAPTER 7

478 19 4
                                    

***


After nangyari kanina ay umalis na rin ako, nagtaka naman si Allen sa inasta ko at yun confirm.

May gusto pala sya kay Nathan. At ako naman dun sa isa.

Umuwi na agad ako dahil mukhang gutom na si Uzuri sa bahay. Nag papaka mommy na ako sakanya dahil minsan lang umuwi yung mama nya rito.

"Uzuri andito na si mommy!" Saad ko habang papasok sa condo. Nilagay ko muna yung bag ko sa sofa at hinanap si uzuri, palagi kasi syang sumasalubong saakin pag galing ako sa trabaho kaya nawawala agad yung pagod ko pag sinasalubong nya ako.

Hindi sya aso pero sinasalubong nya talaga ako, nagkakapagtaka lang dahil ni hindi man sya nagpakita at nagparamdam saakin. Kaya naisipan ko munang mag bihis kaya ng matapos akong magbihis ay agad ko na syang hinanap.

Hindi kaya kinuha na ni Lauren? Pero alam ko magpapaalam yun dahil ayaw nun na nag aalala ako.

"Uzuri!! Asan ka na?"

Balak ko din sanang umalis dahil nakalimutan kung bumili ng hapunan kaso parang may mali eh dapat kasi pag tinawag ko na sya nandito na sya naglalambing at hihingi na ng pagkain. Pero wala.

Uzuri? Hinanap ko na sya sa kwarto ko sa Banyo sa may kusina pero wala.

Ahh baka nasa Cattery nya lang.

Uzuri! Mommy's here! Habang papalapit sa Cattery nya ay nakita ko nayung buntot nya.

Gosh nandyan ka lang pala.

"Andyan ka lang pala!" Biglang akong nagulat ng makita syang nakahiga na at may mga suka na yung higaan nya. Humihinga pa sya pero malamig na rin.

"Anong nangyari?" As if naman na nagsasalita ito diba. Bigla nang tumulo ang mga luha ko habang nakikita syang bilang na lang yung hininga nya ano bang ginawa ko?

Wala naman eh.

"Uzuri!!" Sigaw ko. Agad ko ng kinuha ang telepono ko habang umiiyak. Hindi ko alam kung sino yung tatawagan pero ng makita ko ang pangalan ni Ycholai roon ay walang alinlangan ko itong tinawagan nakakahiya man pero tinawagan ko parin ito.

*Calling...

Buti na lang agad nya ng sinagot.

"Hello Ycholai!!"

"Hello po!!"

"Pandaaaa!! Tulungan mo ko!" Umiiyak kung sabi sakanya. Bigla na ring naputol ang linya kaya mas naluha ako.


Bakit panda? Magtataka yun.

Panda sent a message

I'll be there maam!

Ng makita ko ang message nya biglang gumaan din ang pakiramdam ko kahit kunti.
Pero patuloy parin yung pagtulo ng luha ko siguradong lagot ako nito kay lauren ayoko ring mamatay si uzuri hindi ko rin alam kong anong nangyari sakanya.

"Uzuri! Nandito na si mommy!" Umiiyak kong sabi kay uzuri habang hinihimas himas sya.

"Uzuri!!"

Sumagot din sya! Pero mahina lang. Mas lumakas tuloy ang iyak ko ng marinig ko sya. It's my fault bakit ko ba kasi sya iniwan dito ng mag isa.

Nandito na si mommy!

Halos matagal na rin akong naghihintay pero ng biglang may nag Doorbell sa condo ko. Ay agad na akong nagtungo roon upang pag buksan sya.

A Forbidden LoveWhere stories live. Discover now