CHAPTER 14

463 16 0
                                    

Matapos ang gabing iyon ay napag-alaman kung nagsisimula na pala ang practice sa Cotillion, pero, dahil nga wala naman akong balak sumali, hindi na rin ako nag Uniform dahil marami akong gagawin na hindi ko nagawa kahapon.

Nakasuot ako ngayon ng  Khaki polo, at Pegged Brown pants with white Sneakers.

"Magandang Umaga!" Nakangiti kung bati Sakanila.

" Maam na miss ka Po namin!" Sigaw ng isa kaya napangiti ako ng malapad.

Halos lahat sakanila ay hindi narin naka uniform dahil nga Practice lang naman ang gagawin. At halos lahat ng teachers ay busy rin sa pag compute ng grades, pagkatapos kasi ng cotillion magkakaroon na mg recognition nila for third quarter.

" Anong Group kayo?" Tanong ko. By Group kasi yung Cotillion dance at maglalaban laban yung ibang grupo, pero syempre hindi na roon kasali ang Teacher's.

" Group 1 po!” tumango ako, pero hindi mahagilap ng mga mata ko si Ycholai. Nasaan na ba sya. Mukha kasing hindi nya nagustuhan yung inakto ni allen kagabi. Padabog nya ngang sinara yung pinto nila eh.

" Good Morning Ma'am" Napalingon naman ako sa nakangiting si maam jane saakin kaya binati ko rin ito pabalik.

" Ngayong araw na po nila sisimulan yung day 2 ng group one kaya inaasahan na lahat na naroon sa gymnasium upang mag ensayo" Tumango naman ako, habang sila kanya kanya ng sikbit ng kanilang bag upang pumunta roon.

Nagpaalam na rin ang iba hanggang sa kami na lang ni maam jane ang natira.

" Pinapatawag karin po pala ni Mrs. President!" Saad nya at umalis na kaya kinakabahan akong pumunta sa opisina ng presidente ng school.

May nagawa ba ako kay lola? Hala baka patalsikin nya na ako dahil tinawag ko syang ma'am kahapon? At sya rin yung nag alaga saakin. Nag sigh of a cross muna ako bago kumatok. Agad naman itong binuksan ng sekretarya ni lola, ito kasi yung kilala ko kasi palagi ko syang nakikita rito  si Grace.

Nakaupo si lola sa swivel chair nya at maraming pinipirmahan na papel habang ako naman naupo sa mahaba nyang sofa. Ito yung unang beses na makapasok ako rito. Maraming achievement na nakasabit sa pader, lalo na yung isang babae na may pangalang November base sa suot nito naka graduate sya bilang Summa Cum laude dito sa Leviarte Academy.

Tumayo na rin si lola at Nakangiting lumapit saakin, ihh parang iba yung ngiti nya, mukhang huling punta ko na to rito.

" Wala ka daw balak na sumali sa Grand Cotillion?" Agad na salubong nya saakin at naupo sa tabi ko kaya napatango ako.

" Opo Ma'am!" Tumingin ito sa secretary nya kaya iniwan na muna kami nito.

" Bakit naman? We are promoting the Gender Equality here in school and your are promoting that too as a representative ng LGBT diba?" Tumango ako. Yes im representative ng LGBT community here sa loob ng school marami ring teacher na open sa ganito, may trans rin na si maam Karylle na dating karl at marami pang iba. Magaling daw kasi akong makihalubilo sa iba kaya naging representative ako, mas maganda kasing may circle of friends ka na alam mong walang huhusga sayo at accept ka.

" So, i want you to be my Ycholai's Date sa Prom, kagaya mo kasi wala rin yung balak na sumali. Also like what i said before pabantayan ko rin yan sayo, marami kasing nagkakainteres dyan at baka maaksidente pa. So may tiwala ako sayo Camille okay? Papunta na rin yun dito hintayin mo na lang" Tumango na lang din ako, anong magagawa ko eh baka pag nag angal ako mawalan pa ako ng trabaho.

"Advance happy birthday din pala sayo!" Bati nya na ikinangiti ko. Hindi ko alam kung paano nya nalaman pero, hindi naman kasi ako nag c-celebrate ng birthday ko. Parang natural day lang ganon.

A Forbidden LoveWhere stories live. Discover now