CHAPTER 2

478 15 0
                                    


" Hon" Nasa harap kona ngayon si Vhien, asan na si attorney? Nagising na kasi ako kanina at nakita ko si attorney na nakatingin lang saakin pero bakit ngayon ay si Vhien na?

" May masakit ba?" Nag aalalang turan nito, May kumikirot kirot parin sa ulo ko pero mas okay na ako ngayon, kumpara kanina.

" What happened?" Tanong ko nakaupo ngayon si Vhien sa kama ko habang inaayos ayus ang buhok ko.

" My Sister carry you here kanina, dahil habang kumakain ka daw bigla ka nalang nawalan ng malay" Pag kwento nya. May napansin rin ako sakanya ngayon,
i feel something suspicious sa ikikilos ng asawa ko.

Something weird na hindi ko mapaliwanag.

Why i have a thousands of thoughts while facing this man. May alam ba sya? bakit ako nahimatay kanina? Anong ibig sabihin nun?

Matapos ang araw na iyon hindi ko nanaman nakita si Attorney, hindi ko naman sya hinahanap pero bakit ganon na lang yung kalabog ng puso ko tuwing naiisip ko sya eh  kapag si vhien nga ang iniisip ko hindi naman ako ganito.

Habang naglalakad papuntang kwarto ko ay napadaan ako sa ipinagbabawal na kwarto saakin ni vhien, alam kung bawal ko itong puntahan dahil sa sinabi ni Vhien pero bigla na lang akong dinala ng mga paa ko sa kwartong ito.

" We already talk Vhien! Na hindi sya pwede dito sa mansyon, look mukhang na t-trigger ang alaala nya sa tuwing nakikita nya ang anak ko." Rinig kung saad ng biyanan ko. Kinabahan din ako dahil ang kausap nya ngayon ay ang asawa ko. Nakabukas ng kunti yung pinto kaya rinig na rinig ko.

" Hindi naman si Ycholai si Nichole right, Walang dapat ipag-alala! Alam kung hindi nya ako hihiwalayan once na bumalik na ang alaala nya." Rinig kung sagot ni vhien. So Totoo yung iniisip ko simula palang na may alam talaga sya, na hindi nya sinabi saakin.

" Dahil hindi rin ako papayag na may maalala pa sya" Bigla akong nakaramdam ng takot ng sabihin nya yun, anong ibig nyang sabihin? Is there someting that happening behind my back?

" That's good to know na ginagamit mo rin ang utak mo! Dahil once na maalala nya ang lahat, mawawala rin ang lahat sayo" Yan ang huli kung narinig na sinabi ng biyanan ko, dahil alam kung papaalis na rin si Vhien sa kwarto.

Nataranta rin ako dahil baka maabutan nya ako at hindi ko alam kung anong gagawin nya saakin once na malaman nyang narinig ko ang pinagusapan nila.

Lilingon pa lang sana ako para makahanap ng mapagtataguan ng biglang may malambot na kamay ang humila saakin. At agad akong ipinasok sa madilim na kwarto.  Nanlaki ang mata ko ng mapagtantong si....

Vhien?

Namilog ang mata ko ng hindi si Vhien iyon kundi si Attorney

" Shss, Don't you dare to say something, Baka marinig nila tayo" Saad ni attorney, tumango naman ako, hindi ko na rin mapigilan ang mga luhang tumatakas ngayon sa mata ko. Dahil sa narinig ko kanina.

Bigla nya ring tinakpan ang bibig ko gamit ang palad nya, ang ingay kasi nung sipon ko eh.

Yung todo pigil ka sa pag-iyak tapos yung sipon mo ang ingay.

Pahamak rin.

Nagkakarera nanaman ang puso ko habang pinagmamasdan si Attorney na nakatingin lang ngayon sa pintuan, kung saan kami pumasok na kwarto, nakasandal ang likod ko sa pader habang ang isang kamay nito ay nasa gilid ng mukha ko habang ang isa naman ay nasa bibig ko parin.

I see the way she clench her jaw, and firmly stare the door, na parang may galit sya sa pinto. Ito rin yung pangalawang beses na nakita ko syang gawin yan.

A Forbidden LoveWhere stories live. Discover now