CHAPTER 13

440 17 1
                                    

***

Today is Monday, pero ang bigat talaga ng nararamdaman ko. Nasa kabilang linya lang si Lauren nag a-asikaso na papunta rito, hindi ko rin naman matawagan si mama dahil tyak na papauwiin lang nila ako sa bahay. Ayoko don lahat kasi ng galaw ko napapansin nila.

"Are you okay?"


Hindi ko minulat ang mata ko, hindi ko rin kasi alam baka si Lauren lang na nasa kabilang linya. Mas niyakap ko rin ang comforter na nasa katawan ko. Ang lamig lamig kasi.

" Ms. Lauren said that you're sick!" Napamulat ako dahil sa nag salita, syete hindi si Lauren, ano namang ginagawa nya rito.

" Hinalikan ka lang sa pisngi nilagnat kana!"
Natatawang sabi ni Lauren sa kabilang linya, domoble yung init na nararamdaman ko dahil mukhang narinig nya iyon dahil naka loud speaker syete talaga. Kita ko rin ang gulat sa mata nito habang nakatingin sa cellphone ko. Kaya pinatay ko na yung tawag.

" Pumasok kana ng School ma la-late kana! " Namamaos kung sabi, habang tinititigan ito, tinanggal nya na rin ang tingin sa cellphone ko dahil pinatay ko na nga yung tawag ni Lauren. Baka kung anong masabi no'n.

"  Its 5am in the morning maam sinong  papasok ng ganito kaaga?" Seryoso nyang sambit. At sinapo ng palad nya sa ulo at leeg ko. Ramdam ko naman ang lambot nito at ang init.

" Eat this porridge before you take your med!"  Tumango lang ako. Inalalayan nya rin akong maisandal ang katawan ko sa  Headboard ng kama ko at sya naman  Naka upo sa gilid ng kama ko. May  hawak hawak itong  porridge na sinasabi nya, eh lugaw lang naman.

Ang sosyal tuloy pakinggan.

" Ako na!" Hahawakan ko na sana yung porridge kaso nilayo nya ito saakin. At umiling mas lumapit lang ito habang hawak hawak yung tasa ng lugaw. At hinipan ito.

" Your Hands is shaking!" Napayuko na lang ako, tanging lampshade lang ang ilaw rito sa buong kwarto ko. Kaya binalingan ko na lang ng tingin yung pagkain na hinihipan nya.

" Ahh!" Saad nya kaya ngumanga na lang ako at sinubo ang isang kutsarang lugaw. Natigilan ako sa pag lunok ng bigla nitong punasan ang gilid ng labi ko.  Hinipan naman nito ang lugaw na parang wala lang yun sakanya pero, saakin parang hindi na maipaliwanag ang takbo ngayon ng puso ko.

Nang maubos ko iyon, ay nag paalam itong ilalagay nya lang daw yung pinagkainan ko sa baba at kukuha sya ng gamot. I don't know why she's doing this. I want to ask her kaso baka mag bago lang yung timpla nya.

We didn't talk, what happened that night kahit gustong gusto kong tanungin iyon.

" Take this med!" Saad nya at naupo ulit sa gilid kama, nilagay nya rin sa tabi ng lampshade yung dala nyang tubig. Iniabot nya na rin ang gamot sa palad ko pero tinitigan ko lang ito.

Ever since, I've never trust medicine because of what happened to my sister, natakot lang ako, dahil sa tingin ko yun yung dahilan bakit sya nawala, sa dami ng iniinom nyang gamot that time, siguro na overdose na sya. That's why im scared when it comes in med. Kahit nga si Lauren alam nyang hindi talaga ako umiinom ng gamot.


"You won't get better by just staring at the medicine, Ma'am!" Umiling ako tinitigan na lang sya na nakatingin din saakin.

"H- hindi ko kaya!" Nanghihina kung sabi.
Kita ko naman na napatingin ito sa hawak kung gamot at kinuha ito.

She bit her lower lip kaya napalunok din ako. The room remain silent, pero ang ingay na ngayon ang utak ko. Damn why she's doing that.

Mas lumapit ito, kaya nagulat ako.

A Forbidden LoveWhere stories live. Discover now