CHAPTER 12

339 16 0
                                    

Nagising akong malapit na mag alas tres ng  hapon, ang dami ba ng nainom ko? Bakit wala nanaman akong maalala. Ang tagal rin ng naging tulog ko.

" Sampalin mo nga ko!" Saad ko kay lauren. Nandito si James, wala si Allen kasi may Dinner daw sya sa mother nya, close kasi sila pero mas gusto parin ni tita na babae ang makatuluyan ni Allen, out na kasi si Allen sa mama nya pero sa papa naman hindi.

" Bakit? Magbihis kana kaya! May dinner party mamaya kila lola oh!"

Napasapo ako sa ulo ko dahil ang sakit ng ulo ko. Sinipa sipa ko rin ang comforter dahil, feeling ko may ginawa akong mali na hindi ko maalala.

" Anong oras daw?" Tanong ko, hinahanapan narin ako ni Lauren ng damit sa walk in closet ko, habang si james naman ay gumagawa ng meryenda, ni hindi na nga ako nag almusal at tanghalian, pero hindi naman ako nagugutom.

" 6 p.m. tayo-tayo lang naman pati na rin yung mga kaibigan ni Ycholai! Kaya mag asikaso kana!" Sabay bato ng Bathrobe saakin.

Kaya naligo na ako, halos isang oras din yung tinagal ko sa banyo, at binabad ang sarili sa tubig,  napahawak rin ako sa sintido ko at hinilot hilot iyon. Na g-guilty ako, hindi ko alam kung bakit, mukhang may ginawa talaga akong katarantaduhan kagabi na hindi ko alam kung bakit.

" They Won?? God I can't believe na mananalo sila!" Tili ni Lauren habang pababa ako ng hagdan.

" Kaya siguro may dinner party na hinanda si lola" sagot naman ni james.

" Ang landi nyo!" Sabat ko, mayayakapan nanaman kasi parang hindi magkasama palagi.

Sakit sa mata.

" Beh, party pupuntahan mo hindi lamay!" Natatawang sambit ni Lauren saakin. Naka all black kasi ako, dahil yun yung gusto ko eh. Bagay din naman saakin.

" Mag dress ka nga, parang hindi teacher?" Inikutan ko lang ito ng mata. Paki nya ba, tinatamad akong maghanap ng masusuot.

" Gave this to her! This is her favorite flower!" Saad ni James at binigyan ako ng isang bouquet of yellow tulips.

" Hindi naman kayo halatang supportive, pero thank you!" Saad ko at nilapag muna sa mesa yung bulaklak at bumalik ulit sa kwarto upang magbihis ulit.

Nagpaalam na rin sila na sumunod na lang daw ako, dahil baka kailangan ng tulong roon ni lola.

Pinalitan ko na rin yung damit ko ng bago kung biling illusion bodice neckline na damit at tinernohan ko naman ito ng sailor pants. Hinayaan ko lang ang buhok kung nakawagwag dahil wala narin naman akong alam sa pag aayos sa buhok. Naligo na rin ako ng pabango. Pero mas gusto ko yung pabango ni panda.

Simpleng kulorete lang sa mukha ang nilagay ko, dahil hindi naman kasi ako pala make up, tyaka wala rin sa hilig ko ang magpaganda dahil maganda na talaga ako since birth.

Ang lakas yata ng aircon.

Nang makuntento na sa pagpapaligo ng pabango ay umalis na ako at nagtungo na sa bahay nila lola. Ilang hakbang nga lang yung lalakarin dahil nga magkapitbahay lang kami. Dala dala ko rin ang isang bouquet of yellow tulips na bigay ni james saakin.

Kakatok na sana ako ng biglang bumukas ang pinto. Sinalubong naman ako nina franz at Kristine na may ngiti sa labi.

" Hi, Ma'am!" Ngiting tagumpay na bati ni Kristine.

" Congrats!" Bati ko. Nanalo kasi sila ni Ycholai sa badminton. Napatingin naman ito sa hawak kung bulaklak. Magsasalita na sana ito ng buksan ni Franz ng pinto para makapasok narin ako.

Naabutan ko si Nathan na prenteng nakaupo sa sofa, at busy sa cellphone na hawak, napatingin rin ito sa gawi ko at binigyan ako ng tipid na ngiti.  Tinanguan ko lang sya habang itong dalawa kasabay ko lang sa paglalakad. 

A Forbidden LoveWhere stories live. Discover now