CHAPTER 17

498 11 0
                                    


I woke up early because of someone, nakaka tangina talaga, sakit sa tenga ng boses nya.

" Happy na birthday mo pa! Happy na birthday mo pa!"

" Hoy bakla gising na!! birthday mo ngayun oh!" Sigaw ni Allen sa tenga ko kaya agad akong nagtago sa white comforter na gamit ko.

Busy pa akong maging lumpia oh, baka nga mamaya maging butterfly na ako dahil kanina pa ako naka wrap sa comforter.

" Alam mo bakla, ang swerte mo! May pa fireworks yung bebe mo kagabi! Kaso iyon lang wala sya ngayon! Pero okay lang yan andito naman kami."  Hindi agad ako naka react sa sinabi nya pero ng mapagtanto yung nangyari kagabi ay, agad akong napaupo sa higaan ko.

" Kagabi lang iyon?" Taka kung tanong. Agad naman tinakpan ni Allen ang ilong nya gamit ang palad nya tyaka lumayo.

" Grabe pala amoy ng bunganga mo be pag umaga! Toothbrush ka muna!" Saad nya at iniwan ako.

" Gago!" Tumakbo ito palabas ng kwarto ko dahil tinapon ko sakanya yung unan. Agad akong nag asikaso at inayus ang pinaghigaan ko sabay ligo. Sabado ngayun wala namang klase pero nagising kasi ako mga 10 a.m. na kaya siguro kanina pa rito si Allen.

" Ganda mo!" Puri nya, matutuwa na sana ako, kung hindi nya lang binawi "Pero mas maganda ako syempre!" Saad nya.

Simpleng Bestida lang ang suot ko, tutal Birthday ko naman dadalawin ko Yung kapatid ko sa puntod nya at duon mag c-celebrate ng birthday.

Every year ko itong ginagawa, at every year din akong may cake tuwing pumupunta ako sa puntod ng kapatid ko, hanggang ngayun hindi ko alam kung sino nag iiwan pero kung sino man sya, ang bait nya. Wala namang lason yun dahil pina try ko muna kay Allen, para kung may lason man, sya yung unang matitigok.

"Bakla ano na?" Iritang sabi ni Allen. Kaya sumakay na ako sa sasakyan ko dahil si Allen day yung mag d-drive.

Bago kami pumunta ng sementeryo ay nag simba muna kami, to thank god for another year of my life, sabihin na nating hindi talaga ako pala simba pero, hindi ko naman sya makakalimutan, kumain na rin kaming dalawa sa labas dahil mamaya pa daw yung surprised nya saakin.

Matapos naming kumain ay pumunta na kami ng sementeryo, nagulat nga ako dahil walang cake na nakalagay ngayun sa puntod ng kapatid ko, siguro na sanay lang akong every year may ganon.

" Nikki, 24 na ako." Panimula ko. Naupo rin ako sa may harap ng puntod nya.

" Paki ko!" Sagot naman ni Allen kaya sinamaan ko ito ng tingin, kagagaling lang namin sa simbahan pero, ito parang hindi tinablan ng holy water.

" Umalis ka nga epal ka e." Inis na sambit ko.

" Sige! Malay mo dito ko pala mahanap yung taong para saakin" saad nya tyaka iniwan ako. Umiling na lang ako, baka nga.

Alas kuwatro na ng hapon, kaya hindi na rin masyadong mainit sa balat ang init ng araw. Kitang kita rin kasi rito yung sunset, tuwing alas singko. Kaya sinimulan ko ng i kwento sakanya yung nangyari saakin kahapon. I'm always like this when im here in front of her grave. Iniisip na nakikinig lang sya dyan at nakangiting pinagmamasdan ako.

Minsan nga noon, kukunan  pa ako ng litrato habang nag k-kuwento ako kaya marami yung stolen picture ko. Pero wala man lang akong nakita simula noong nawala sya.

" I think, its not about like! Its more than like! Nikki." Saad ko at tinitigan ang ang lapida nya. " I'm in-love with her!" Napangiti agad ako dahil hindi ko pa nasasabi yung pangalan nya, yung utak ko na yung nag sasabi ng pangalan nya. " Oh ayan ah, ikaw yung unang nakaalam, kaya quiet ka lang dyan!" Natatawa kung sabi, feeling ko nga kinikilig sya dyan. Kahit para ako ritong tanga na kinikilig na din na mag-isa.

A Forbidden LoveWhere stories live. Discover now