CHAPTER 9

379 20 0
                                    


Nasa Gymnasium ako ngayon nanood ng match'nina Ycholai. Sya pala yung tinutukoy ni Hannah na magaling talaga mag badminton kaya agad itong nakapasok habang ang isa naman si Kristine. Pareho silang magaling pero mas magaling parin yung isa.

Halos manigas ako sa kinatatayuan ko ng bigla kung maalala yung mga sinabi ko sakanya that night.


" Tangina mo! Mahal na kita eh! Bakit ka nagpaligaw sakanya?"  Kita ko ang mata nitong nakatingin saakin habang nag lalaro. Marami ring naghihiyawan at todo support sakanya, kadalasan mga lalaki.

" Oo! Narinig mo diba! Gusto kita! Mahal kita! I like you! Naintindihan mo na? Narinig mo na? " Anong klaseng bibig ba to? Tyaka bakit ngayon ko lang ito naalala?

" Hoy! Ayus ka lang beb?" Ramdam ko ang kamay ni Allen na nakahawak sa kamay ko. "Gago anong nangyari? Ayus ka lang ba?" Tanong nya.

Drunk confession is damn embarrassing! Gagi parang pinagsisisihan ko na talaga ang lahat.

" Nakulong na yung anak ni Governor! Yung taong sinabihan kang tomboy!"  Nabalik lang ako sa ulirat ng magsalita si Allen.

Gagong to dinala pa ako sa clinic.

" Si Jamir?" Pag kumpirma ko. Tumango ito.
Nakahiga lang ako sa parang hospital bed dito sa clinic habang nakatingin kay Allen na nakaupo malapit sa tabi ko.

" Serial Killer pala yun?! Grabe ano, mabait naman si gov at yung asawa nya pero anyare sa anak? Nag iisang anak panaman nila yun si Jamir"

Halos naging usap usapan dito sa school ang pagkakakulong kay Jamir, na sinintensyahang  pang habang buhay na pagkakakulong. Buti na lang daw talaga agad na nagsidatingan na yung mga pulis sa bar kaya nahuli agad si jamir dahil kung hindi, malamang sa malamang patay na rin ako. Dahil ako daw talaga yung puntirya nung bata, dahil sa pagpapatalsik sakanya sa school.

Dumating ang hapon ay agad na pinatawag lahat ng  ng senior highschool teacher. At Nag anunsyo na magkakaroon ng Equality GALA,

Means Cotillion, Nagulat nga ako at natuwa dahil pwede raw yung same gender ang maka partner sa cotillion pero dahil nga third time ko na ito, naisip ko na wag na lang sumali at yung mga studyante ko na lang.

" Sumali ka! Ang ganda na nitong opportunity oh! Ako na bahala sa magiging ka partner mo, beb support kita!" Saad ni allen at pinipilit akong sumali.

" Ayoko na! Sawa na ko sayo! Palagi na lang tayong mag ka partner sa cotillion! Ang panget mo naman sumayaw!" Mahabang usal ko kay Allen kaya napanguso ito bigla.

" Ihh hindi na nga ako beb, dahil si crushie cakes yung akin pipilitin ko yun, ayoko na rin sayo, palagi mo na lang naapakan ang paa ko tuwing sumasayaw, sakit kaya" Totoo yun hindi ko naman talent ang pagsayaw kaya palagi ko talagang naapakan ang paa nito.

"Lilipat kana raw?" Tanong ni Allen. Palabas na kami ng school habang busy akong magmaneho. Sa Iisang building lang kami nakatira in short magkatabi yung condo namin. Pero may isa pa syang condo kaya wala syang sasakyan. Dahil mas inuna nya yun bilhin, nauto kasi sya nung lalaki kaya yun.

" Bakit? Ayaw mo na talaga saakin?" Natawa lang ako sa sinabi nya.

" Nalaman ni papa kung saan ako nakatira! Kaya yun balak kung magtago! Ipipilit nanaman nila yung kasal ko kay Vhien" hindi ito nagsalita dahil sa sinabi kung pangalan.

A Forbidden LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin