Chapter 4-Edited

2.6K 138 3
                                    


THERA POV


4 years later

Ngayon ay limang taong gulang na ako, simula nung tagpo ang landas namin ng mga kuya ko ay hindi ko na sila muling nakita pa o nakausap ulit which is pabor sa akin ang ganun kasi ayaw ko na sila muling makita pa dahil kapag nagtatagpo ang landas naming magkakapatid para bang nararamdaman kong lumiliit ang tyansa kong mabuhay.

Nakakapaglakad na ako ng maayos ngayon, nakakasalita na rin pero minsan bulol ako magsalita natural lang yun sakin dahil 5 year's old palang naman ako sa katawang ito, minsan hindi ko maiwasan maging bata umakto dahil narin siguro limang tao palang ako mas okay na yung ganun kesa sa umakto ako sa edad ko dati baka iba pa isipin ng mga maids na nakakasama ko dito .

Naging maganda at maayos ang pamumuhay ko dito kasama ang mga maids, tumutulong ako minsan sa mga ginagawa nila kahit na ayaw nila akong tumulong, nakasayanan ko na rin ang lahat ng gawain dito na kahit sa murang edad ko ay nagluluto ako, maglinis, maglaba at iba pa na hindi naman dapat ginagawa para sa isang tulad ko na bata palang.

Sa murang edad nadiskobre ko nadin ang iba't-iba kong abilidad at kapangyarihan na taglay ko na sobrang mapapakinabangan ko sa oras na kailangan kong protektahan aking sarili.

May abilidad ako pagiging matalas ang pandinig at ang pagiging maliksi o mabilis.

Bumuo ako ng plano para makasurvive ako sa mundong ito, una na don ang mga dapat kong gawin para kumita ng pera kapag tumuntong na ako ng sampung taong gulang na..... ang planong pagkaalis ko dito at pag-iwas sa mga death flag characters.

Dahil sa buong umaga akong nasa loob lang ng kwarto naisipan kong lumabas, lalabas ko ng kwarto ng makasalubong ko si Yaya Alyana.

"Oh Thera? Saan ka pupunta?" Tanong nito sa akin.

Ngumiti ako sa kan'ya, "Sa labas lang po" sabi ko sa kan'ya.

"Ahhh ang cute mo talaga" Aniya at kinurot-kurot ang pisnge ko.

Inis ko naman s'yang tinignan, "Ate naman! Masakit pisnge ko" Reklamo ko sa kan'ya pero tinawan lang ako.

"Oh s'ya sige lumabas ka na pero wag kang magpapagabi ah, umuwi ka bago magdilim" Nakangiting turan nito sa akin kaya naman masaya akong tumango sa kan'ya at patakbong lumabas sa mazon mansion

Palakad-lakad lang ako para aliwin ang aking sarili at masayang salubongin ang sariwang hangin na pligid at ang mga nadadaanan kong iba't-ibang bulaklak.

"Hmmm~"

"Hmm~"

"Hmmm~hmmm~" Paghihimig ko habang nakapikit, hindi ko namamalayan kung saan na ako ngayon

Minulat ko lang ang aking mata ng makarinig ako kaunting ingay, gulat akong palingon lingon sa paligid dahil hindi ko na namalayan na lagpas na pala ito sa mansion namin!

Rinig ko ang malakas na pagkalansing ng mga espada kaya patakbo ako pumunta kung saan yun nanggaling, nang makarating ako nakita ko ang mga kalalakihan na may hawak na espada.....sa tingin ko sila ang knights, nagsasanay yata sila sa mga oras na ito.

"NAKAWALA ANG MYTICAL BEAST NG DUKE!" Sigaw ng isang knights kaya napatingin ako kung saan ito, nakita ko ang isang malaking tigre at ilang knights na nasa harapan nito.

Manghang mangha akong nakatingin sa malaking puting tigre dahil ngayon palang ako nakakita ng gan'yang kalaking tigre!

Hindi ko akalain na makakakita ako ng totoong tigre dahil sa mga picture ko lang ang mga ito nakikita noon maski sa ilang babasahin na binabasa ko.

T H E R A (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon