Chapter 27-edited

1.5K 75 1
                                    



GENERAL DALE POV.

"May napili ka na bang libro Princess?" Tanong ko sa munting anghel na buhat buhat ko.

"Opo, ito po" Sagot niya sa akin at pinakita ang kinuha niyang mga libro na hawak hawak niya.

"Ice magic?" Tanong ko ng makita ko ang librong hawak hawak niya.

"Opo." Nakangiting sabi niya sa akin

"Ice ang magic mo Princess? " Curious kong tanong sa kaniya.

Magkasunod naman na tango ang naging tugon niya sa akin.

"Paanong Ice ang magic? Tanging ang mga howard lamang ang may kapangyarihang yelo kaya isa sa kinikilala na rare magic ang Ice magic dahil tanging may dugong Howard lamang ang may kakayahang magkaroon ng Ice magic." Nagugulohan kong bigkas sa aking isipan.

Napatingin naman ako sa gawi ng dalawang magkapatid na Howard, nakita ko ang pag-iwas nila ng tingin sa akin.

Binaling ko ang paningin ko muli kay Thera na may pagtataka sa kaniyang mukha.

"Hindi mo pa nakikita ang pamilya mo diba?" Tanong ko sa kaniya, bahagya naman siyang nagulat

Hindi siya kaagad nakasagot sa tanong ko, na bigla ako ng yumuko at sumunod ay ang pag-iling niya.

Nakaramdam naman ako ng awa sa kaniya kaya niyakap ko siya, "Sorry Princess kung pinalungkot ka ni Kuya, dapat pala hindi na kita tinanong."

"Gusto mo bang kumain?" Tanong ko sa kaniya para maiba ang usapan at ang maging magaan ang mood niya.

"Opo" Sagot niya sa akin.

Ngumiti ako ng tinaas na niya ang kaniyang ulo, " Tamang tama may pinabili akong pagkain, baba na tayo para makakain ka na."

Napatingin naman ako sa dalawa, "Tutal nandito na rin naman kayo, sumama na kayo sa amin para may kasabay na bata si Thera sa pagkain." Pagyaya ko sa dalawa na pansin ko naman ang pag-aliwalas ng kanilang ekpresyon ngunit hindi ko na pinagtuonan ng pansin at naglakad na pababa.

Pagkababa namin mula sa ikalawang palapag kaagad akong nagtungo sa pwesto namin kanina, pagkarating namin nakaayos na sa lamesa ang iba't ibang pagkain.

Nilapag ko na paupo si Thera at umupo sa kaniyang tabi, nasa harapan naman namin ang dalawang magkapatid.

"Wow! Ang dami naman nito Kuya Dale." Manghang usal ni Thera habang nakatingin sa mga pagkain na nasa aming harapan.

Napangiti ako ng makita ko ang kakyutan at masaya niyang mukha, " Pinahanda ko yan para sayo."

"Maraming salamat po Kuya." Masayang pagpapasalamat niya sa akin na mas lalo kong ikinatuwa.

"Wala anuman Princess......kumain ka na." Sabi ko sa kaniya at inabutan siya ng steaks at pinanghiwa siya para hindi na siya mahirapan pa sa paghihiwa.

"Kuya Hans at Kuya Helios, kain po kayo." Sabi niya sa dalawa kaya napatingin ako sa kanila, wala pang kahit anong klaseng pagkain ang nasa plato nila.

"Kumain na kayo, huwag kayong mahiya." Sabi ko sa dalawa na nag-aalinlangan pang kumuha ng pagkain.

Tinignan ko naman muli si Thera na abala sa pagkain, palihim akong panandalian tumawa dahil sa lumulubong pisnge ni Thera.

"Dahan dahan lang sa pagkain Thera baka mabulonan ka." Tuwang paalala ko sa kaniya.

Kumuha narin ako ng akin at nagsimula na ring kumain.

Maya maya lang ay naramdaman ko ang paggalaw ng upuan, nakita ko si Thera na nakababa sa kaniyang upuan.

"Bakit Princess? " Tanong ko sa kaniya.

T H E R A (EDITING)Where stories live. Discover now