CHAPTER 38

1.5K 84 9
                                    


Dumating ang araw kung saan susukatin ang kakayahan at kaalam nila Thera sa kani kanilang mahika.

Kasalukuyan silang nasa malaking training grounds ng palasyo halos ng mga kawal na mag-eensayo dapat ay tumigil at tumabi sa lugar kung saan maaari silang umupo at makapag pahinga habang pinapanood ang pagsasanay na magaganap.

Ang magiging gabay nila Thera sa pagsasanay ay ang Hari kasama ang Reyna dahil gusto nito masaksihan ang pagsasanay na magaganap at kasama din ang kinikilalang Ama ni Thera na si General Leon pati na ang kaniyang kinikilalang Kuya na si General Dale.

Lahat sila ay kapwang nais masaksihan ang pagsasanay ng mga bata upang malaman ang kanilang lakas at kaalaman sa kanilang mahika at nais namang pagtuonan ng pansin ng Reyna si Thera dahil ramdam niyang may tinatagong kakayahan ito.

"Magsimula na po tayo." Sabi ni Thera sa Hari.

"Okay, simulan na natin sino ang may gustong makalaban si Thera? "Tanong ng Hari sa tatlong niyang anak.

Hahakbang sana si Jovan ngunit naunahan siya ni Jihan.

"Ako po Ama." Ani ng ika apat na prinsepe na si Jihan.

"Pumunta na kayo sa gitna ni Thera para maumpisahan na." Sabi ng Hari, kaagad naman natungo sina Thera at Jihan sa gitna ng training grounds at kapwang nakatingin sa isa't isa.

"Simple lang ang patakan kung hindi na kaya ay sumuko na, susukatin lang natin ang inyong kakayahan at kasalukuyang lakas." Sabi niya sa dalawa, tumango naman sa kaniya ang mga ito.

"Kung ganun, handa na ba kayo?" Tanong ng Hari.

"Handa na." Sabay na bigkas nina Thera at Jihan.

"Simulan na ang pagsasanay!" Sigaw ng Hari, hudyat na simulan na ang kanilang laban

Tumingin sa gawin ni Thera si Jihan nagtataka na tila may kausap ito ngunit sinawalang bahala na niya lamang baka guni guni niya lang, hinanda na lamang niya ang sarili sa pag-atake na kaniyang gagawin. "Water Magic: Water ball!" Unang pag-atake ni Jihan.

Hindi pa man nakakalapit sa gawi ni Thera ang pag-atake na ginawa ni Jihan ay nagulat na lamang si Jihan ng may Ice Wall na biglang lumitaw sa gitna nila na siyang kina gulat ng mga manonood.

Hindi naging balakid sa Prinsipe ang paraan ng pagdepensa ni Thera, pinikit nito ang kaniyang mga mata at pinakiramdaman ang sarili.

Inipon niya ang kaniyang enerhiya sabay taas ng kaniyang kamay, bigla naman naging masama ang klima sa kanilang pwesto naging itim ang kalangitan na tila uulan ng ano mang oras, "Water Magic: Acid Rain." Bigkas ng Prinsepe dahilan upang umulan, isang hindi ordinaryong ulan dahil sa oras na dumapo ito sa kung saan ay matutunaw.

Hindi naman natinag si Thera sa ginawa ng Prinsepe dahil kasabay ng pag-atake ng Prinsepe ay ang paglabas ng tatlong yelong pananggalang upang dumepensa.

Nang mapansin ng Prinsepe na hindi gumagana ang mga pag-atakeng ginagawa niya kay Thera kaya naman hindi siya ng oras at umatake muli, "Water Magic: Water ball!"

"Water ball!"

"Water ball!" Sunod sunod niyang atake ngunit walang tumatama.

"Panong nagagawa ni Thera na dumepensa na hindi man lang gumagamit ng inkantasyon?" Gulat na wika ng Reyna.

"Mind incantation,  baka yun ang ginagawa niya." Seryosong usal ni Dale ngunit may paghangang nakatingin kay Thera na pinapanatili ang Ice Shield niya sa atake na natatanggap niya muka sa ika apat na prinsepe.

"Impossible, mahirap gawin yan." Saad ng Hari.

"Ngunit nagawang gawin ng isang limang taon gulang lamang na bata." May paghangang wika ni General Leon habang nakangiting nakatingin sa gawi ni Thera.

T H E R A (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon