Chapter 11-Edited

2.3K 114 3
                                    



THERA POV


(Ang mga kaganapan habang nagkakaroon ganap o bago magsimula ang isang salo salo sa tahanan ng Valor.)

Habang karga karga ako ni Dada papunta sa hapag kainan, tumambad sa amin ang isang mahabang lamesa na punong puno ng mga iba't-ibang uri ng pagkain.

Nakita ko rin ang mga nakaliherang katulong sa mga gilid pati na rin ang mga may kasuotang pangluto, chef kung tatawagin.

Nakakagulat man dahil sa nakangiting nakatingin ng mga ito sa pagsalubong sa amin, ito ang kauna unahang araw ko na may mga taong nakapabalibot sa akin na hindi mababakasan ng kapekehan o pagpapanggap sa kanilang mukha.

May mga tunay na ngiti, mga mata nila ay puno ng kasiyahan at kagalakan ang tanging makikita.

Hindi makapaniwalang ako'y nakatingin sa kanilang lahat dahil sa pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman, ang pakiramdam ng,


"Mainit na pagtanggap."


Naramdaman ko nalang ang aking sarili na luhaang nakangiti sa kanilang harapan, ngiting hindi nasasaktan kundi ngiting labis na labis ang kasiyan.

dahil sa wakas nahanap ko na ang lugar, ang lugar na kung saan ay maiparamdam sa akin ang tunay na buhay na malaya at masaya.

"Young miss, may masakit ba sayo?" Naaalalang tanong ni Ate Alyana kaya naman nabaling ang tingin ko sa kaniya at binigyan ng abot tengang ngiti.

"Ayos lang po ako, masaya lang po ako." Nakangiting ani ko sa kaniya.

Naramdaman ko nalang na pumaitaas ako dahil nakaharap akong itinaas ni Dada at saka niya ako pinakitaan ng ngiti.

”Yung mata mo pulang pula na, puro ka iyak simula nung kunin kita at dalhin dito." Panimula nito.

"Pero hindi ako nababahala sa dahilan ng pag-iyak mo dahil nakikita ko naman habang sinusubaybayan ka na dala lang iyan ng saya na iyong nararamdaman." Nakangiti nito sambit sa akin habang sinasalaysay ang mga katagang iyon.

Niyakap ako niya ako, "Simula sa araw na ito parte kana dito dahil simula sa araw na ito inaangkin na kita bilang anak ko..... Thera."

"Thera." Ani nito na siya namang labis kong ikinasaya.


dahil sa wakas may pamilya na ako.

Dahil sa sobra sobrang saya na nararamdaman ko ngayon napayakap ako kay Dada, "Maraming salamat po Dada."

"Wala anuman, Thera." Ani nito sa akin

"Thera Roxiae Valor." Biglaang dugtong nito na siyang labis kong ikinabigla ng husto.

"Thera Roxiae Valor, yan ang daldalhin mong pangalan simula ngayong araw na ito." Saad n'ya kaya gulat akong napatingin sa kay Dad.

"T-Toto-" Hindi ko natapos ang utal utal kong bigkas ng ilapat nito ang kanyang kamay sa aking ulo.

Head pat na labis na nagpabilis sa tibok ng puso.

"Totoo, Ikaw si Thera Roxiae Valor ang nag-iisang anak ni Leon Valor, ang nag-iisang prinsesa ng Valor." Nakangiting ani 'ya sa akin at niyakap ako, ramdam ko ang paghalik niy sa aking ulo.

Gulat pa rin ako hanggang ngayon dahil hindi ko pa magawang iproseso ng maayos sa aking sariling isipan ang lahat ng nangyari.


Dahil labis na labis na ito para sa akin.


Hindi pa man matagal ang pagtatagpo naming dalawa, para sa akin labis na ito dahil hindi pa umabot ng ilang araw simula nung unang nagkita kaming dalawa.

T H E R A (EDITING)Where stories live. Discover now