Chapter 5-Edited

2.5K 134 5
                                    


THIRD PERSON POV

bumalik si General Leon sa training grounds ng mga knights na may masayang ngiti sa kan'yang labi kaya naman naninibago ang mga knights ng makita s'yang ganun dahil sanay sila sa matalim nitong tingin at walang emosyon nitong mukha.

"Maganda ang araw ng General ngayon."

"Mas gusto ko pa na ganiyan ang General."

"Nakakapanibago ang kilos ng General." Bulong bulongan ng ibang Knights

"Tila yata may napaka gandang nangyari ngayon General Leon para maging sobrang saya kang ganyan" Ani ng isang General na kasabayan lang ni General Leon na kilala din bilang mabangis sa pakikipagdigma gaya ni General Leon.

Si General Dale, ang General na nakakasama ni General sa digmaan.

Bumalik naman sa dating matalim ang tingin at walang emosyong mukha ni General Leon ng marinig niya ang sinabi ni General Dale sa kaniya.







GENERAL LEON POV

Walang emosyon kong tinignan si Dale, "Bakit ngayon ka lang? Magdidilim na, ikaw dapat ang nagsasanay sa mga knights ngayon."

Bahagya namang napatawa si General Dale, "Pasensya na, pinatawag ako ng Duke may pinagawa lang sa akin"

Tinignan ko naman s'ya ng kataka takang tingin, "Anong pinapagawa n'ya sayo?" Tanong ko sa kan'ya

"May pinapatignan s'ya sa akin na isang mansion" Sagot nito sa akin na parang bagot na bagot pa.

Bahagya naman ako nagulat sa kan'ya sagot, "Anong mansion?" Tanong ko sa kaniya.

"Bakit parang interesado ka yata sa inutos sa'kin ng Duke, General Leon?" Seryosong tanong nito sakin na may makikita kang nakakalokong ngiti sa kan'yang labi.


Bigla ko naman naalala ang batang hinatid ko kanina.







THIRD PERSON POV.

F L A S H B A C K

Nang makarating na ang General sa mazon mansion habang karga ang bata sa kan'yang bisig.

"Nandito na tayo" Nakangiting ani nito sa bata at saka n'ya ito binaba

Umupo s'ya sa harap nito para pantayan ito, "Pumasok kana sa loob baka hinahanap kana ng mga maids na nag-aalaga sayo."  Nakangiti pabrin nitong sabi sa batang nasa kan'yang harapan.

Tumayo s'ya at hinawakan ang ulo ni Thera na may ngiti sa labi, nagtaka ito ng biglang yumuko si Thera kasabay nito ang paghawak sa kamay n'ya, "Magkikita po ba ulit tayo Dada?" Tanong ni Thera habang nakayuko, mararamdaman mo sa kan'yang tinig ang lungkot.

Nagulat naman ang General sa tinawag sa kan'ya ni Thera, nataranta lamang s'ya ng marinig n'yang bahagya itong humihikbi kaya umupo s'yang muli para pantayan ito.

"Magkikita tayo ulit, araw araw ka ng dadalawin ni Dada dito kaya huwag kana umiyak.......tahan na, hindi dapat umiiyak ang isang anghel na gaya mo." Nakangiting saad ni General Leon kay Thera at saka nito pinunasan ang luha sa mukha ni Thera.

"Promise po?" Mamula mulang ang pisnge nitong tanong sa General Leon dahil sa pag-iyak niya.

"Promise, babalik si Dada dito araw araw para sayo" Sabi nito kay Thera at hinalikan pa niya ito sa noo.

Masigla namang ngumiti sa kan'ya si Thera, "Hihintayin ko po kayo bukas na pumunta,  ingat po kayo sa pagbalik" Masayang sabi Thera at hinalikan nito sa pisnge ang General Leon bago patakbong pumasok sa loob ng mazon mansion.

Kaya simula nung naglalakad s'ya pabalik sa training grounds ng knights ay hindi maalis alis sa labi nito ang ngiti at saya sa kan'yang mukha.

Hindi niya makalimutan ang masayang tagpo nila ni Thera.


F L A S H B A C K   E N D



"General Leon?! Wala ka naman sa iyong sarili!" Bahagyang sigaw ni General Dale, "Tinatanong ko kung bakit interesado ka sa inutos ng Duke sa'kin." Sabi ni General Dale sa akin

"Dahil ayaw ko makita mo ang ba-" Putol kong sabi sa kan'ya. Baka kapag sinabi ko ang tungkol kay Thera sa kan'ya baka magkaroon s'ya ng interest sa batang yun, hindi ako makakapayag!!

"Ano?" Takang tanong ni General Dale sa akin, ngunit hindi ko na ito sinagot at naglakad na lamng palayo sa kaniya.

Habang naglalakad ako paalis ng training grounds, iniisip ko kung ano ibibigay ko sa munting angel na yun biglang regalo.

"General Leon" Rinig kong tawag sa aking pangalan kaya tinignan ko kung sino ito.

"Oh Sebastian, bakit?" Walang emosyon kong tanong sa kan'ya, yumuko ito sa'kin bilang pagbigay galang.

"Nais kang makausap ng Duke" Pormal nitong sabi sakin, tumango nalang ako sa kan'ya bilang tugon.

"Pangunahan mo" Sabi ko sa kan'ya, sinunod naman n'ya sinabi ko kaya at sinundan ko na lamang s'ya.

Maya-maya lang ay nakarating na kami sa labas ng office ng Duke, "Duke Alaric, nandito na si General Leon" Anunsyo nito sa pagdating namin.

"Pasok" Utos ng Duke mula sa loob, binuksan naman ni Sebastian ang pintuan kaya pumasok na ako.

Nakita ko s'yang abala sa pagsusulat, napansin ko rin na maraming nakatambak na papel sa kan'yang mesa,"Anong kailangan mo? Bakit mo ako pinatawag?" Tanong ko sa kan'ya kahit abala siya sa kaniyang ginagawa.

"Binabati ka ng emperor sa pagtagumpay mong depensahan ang kaharian kaya naman pinapaalam n'ya sa akin kung anong nais mong gantimpalang makuha." Sabi nito at saka tumingin sa akin.

"Wa-" Hindi natapos ang sasabihin ko ng biglang pumasok sa aking isipan ang batang anghel na nakilala ko kanina.

Si Thera, wala siyang pamilya kaya hindi naman siguro masama kung aampunin ko siya bilang anak ko.

"Kahit anong gusto ko, ibibigay ba ninyo?" Seryosong tanong ko sa kan'ya, gusto ko alagaan ang batang yun.

"Walang impossible sa emperor, ibibigay n'ya kung anong gusto mo bilang gantimpala" Sagot nito sa akin.

"May gusto akong ampunin na bata" Daretsong sabi ko sa kan'ya.

"Pag-aampon lang sa kan'ya ang gusto ko" Dagdag ko pa.

"Hindi ko alam na interesado ka sa bata Leon, dati dat-" Hindi ko pinatapos ang salita n'ya, "Ang batang yun ang nakakuha ng pansin ko kaya gusto ko s'ya ampunin para maging anak ko" Singit ko sa pagsasalita n'ya, bastos man kung titignan ngunit wala akong pakielam dahil parehas lang kami ng estado kahit isa s'yang Duke.

"Kung ganun, sige ampunin mo na ang bata at kunin mo na, madali lang ang proseso ng pag-aampon lalo kung pabor dito ang emperor dahil ito ang magiging gantimpala n'ya sayo" Pag-sasangyon n'ya niya sa aking kagustuhan.










Lingid sa kaalaman ng Duke na ang batang gustong ampunin ni General Leon ay ang batang inambandona n'ya sa mazon mansion kasama ang mga maids.

"Aasahan ko yan, salamat" Pagpapasalamat ni General Leon sa kan'ya at nagbigay galang bago umalis sa opisina n'ya.

T H E R A (EDITING)Where stories live. Discover now