Chapter 16-Edited

2.1K 104 0
                                    

KINABUKASAN

THERA POV

Nakaupo ako ngayon sa harap ng salamin habang abala naman si Ate Alyana sa pag-aayos ng aking buhok.

"Isang panibaging araw na naman para sa akin." Sambit ko sa aking isipan habang nakangiting pinagmamasdan ko ang aking sarili sa salamin.

"Nasaan kaya si Azelo ngayon?" Tanong ko sa aking isipan.

"Ate Alyana, si Azelo po nasaan?" Tanong ko sa kaniya habang tinatanaw ang repleka niya sa salamin.

"Kasama siya ng iyong Ama sa pagsasanay, Thera." Ani niya habang abala pa rin sa pag-aayos sa akin.

"Punta tayo sa kanila Ate Alyana, pagkatapos mo akong ayusan." Sabi ko sa kaniya, kita ko naman ang kaniyang pagtango.

Maya maya lang ay natapos na niya akong ayusan.

"Ayan, maayos na." Ani 'ya na nakangiting naka tingin sa akin.

"Salamat po." Pasasalamat ko sa kaniya at bahagyang ngumiti.

"Ano tara na? Puntahan natin ang iyong Ama?" Tanong nito sa akin.

Mabilis naman akong tumango sa kaniya, " Tara po." Ani ko sa kaniya.

Narinig ko naman ang mabilisan niyang pagtawa kaya napangiti na lamang ako sa kaniya.

Habang naglalakad kami papunta sa pinagsasanayan nila Dada ay may nakakasalubong kaming ibang maids na yumuyuko sakin kapag nakikita nila ako at saka sila umaalis. Naiilang naman ako kaya napapayuko nalang ako kapag may iba pa kaming nakasalubong—hindi kasi ako sanay!.

"Malapit na tayo doon." Sabi ni Ate Alyana habang nakaturo ito sa isang malaking pintuan. Lahat naman ng pinto dito malalaki eh, hays.

Naglakad kami ni Ate Alyana papasok sa pintuan ngunit hindi paman kami nakakapasok ay may biglang lumabas.

Gulat siyang napatingin sa amin, magsasalita sana siya ng senyahan ko na wag siyang maingay.

Ngayon ko lang siya pero bakit ganun? Ang gwapo niya T . T

Black hair, deep blue eyes na mas lalong bumagay sa kaniya dagdag pa ang pagiging matangos ang ilong nito at ang labing mapula na kaniyang taglay. The best ka author masyado mong inispoiled ang mga mata ko sa mga naggagandahan nilang mukha.

"Young miss?" Rinig kong tawag nito sa akin kaya napabalik ako sa aking sarili

"Ehemmmm, patawad kung napatitig ako ng kay tagal sa iyong wangis." Paghihingi ko ng paumanhin sa kaniya.

"Ah?" Nakatangang turan niya sa akin, tila hindi makapaniwala sa aking sinambit.

"Ahkdog pre." Pilosopong ani ko sa aking isipan.

"Gusto ko panoorin sila Dada sa kanilang pag-eensayo." Pag-iiba ko ng usapan kaya naman umayos na ito sa aking harapan.

"Samahan ko na po kayo." Sabi nito habang kinakamot ang kaniyang batok.

" Luh, may kuto ba siya?" Tanong ko sa aking isipan habang takang nakatingin sa kaniya ng panandalian at saka siya sinundan papasok ng training grounds nila Dada.

Pagkapasok namin sa loob ng training grounds nila Dada, sumalubong sa amin ang ingay ng pagkalansing ng kanilang espada at ingay ng iba na sumigaw sa pagwasiwas ng kani-kanilang sandata.

"Dito po kayo young miss." Sabi ng kawal na nakasalubong namin kanina, tinuro niya ang gilid namin kung saan maaaring umupo.

Umupo naman ako sa tinuro niya at saka ko hinahanap ang pwesto nila Dada.

T H E R A (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon