Chapter 10-Edited

2.2K 129 0
                                    



Wala sa sarli habang tinatahak ni Helios ang daan patungo sa main mansion kung saan sila nanatili.

Bakas sa mukha nito ang lungkot habang naglalakad ay hindi mawala sa paningin nito ang sulat na kan'yang binasa at ang kasama nitong kahon na iniwan ni Thera sa kung sino man ang unang makakabasa ng sulat na iniwan n'ya bago siya umalis.

Habang naglalakad siya napansin naman ng ibang katulong sa mansion ang aura na ngayon lang muli ulit nila nakita.

"Anong nangyayaru kay young master Helios? Tila yata wala ito sa kaniyang sarili gaya na lamang nung pumanaw ang Dukesa." Bulong ng isang katulong sa kasama nito.

"Matagal ng wala ang Dukesa, malabong siya ang dahilan dahil hindi naman ngayon ang araw ng kamatayan para magka-ganiyan si young master."

"Baka naman nagtalo ang magkapatid o silang mag-ama" Kumento ng iba, rinig man ni Helios ang kanilang pinagsasabi ngunit sinawalang bahaka niya na lamang ito at tinungo ang kaniyang sariling silid.

Pagkapasok at pagkasarado nito sa pinto ng kaniyang silid dumaretso ito sa kaniyang hinihigaang kama.

Pagkahiga nito nanumbalik ang pakiramdam na nagpapahirap sa kaniyang damdamin, ang emosyon na hindi na n'ya nais maramdaman pang muli.

Ang emosyong nagbibigay sa kan'ya ng lungkot dahilan upang lumabas ang pagkaiyakin nitong pagkatao.

Emosyong magpapahirap sa kan'ya sa dahilang nagsisisi ito na nahuli na s'ya at wala ng nagawa pa upang tuparin ang isang pangakong napaka halaga sa kan'ya.

"I-Ina, p-patawad." Umiiyak nitong bigkas habang tumatangis.

"H-Hindi ko n-natupad ang pangako ko sayo ina."

"H-Hindi ko nagawa ang responsibilidad ko bilang Kuya sa kan'ya."

"Nakapa iresponsable kong kuya, kapatid sa kaniya."

"Napaka wala kung kwentang kuya." Tumatangis nitong usal habang nakasabot sa kan'yang sariling buhok.


"P-Patawad."

"P-Patawad"

"P-Patawad."


"P-Patawad ina!!" Paulit-ulit nitong panghihingi ng patawad habang walang tigil na tumatangis.













"Helios." Tawag sa kan'ya ng isang tinig, walang iba kundi si Hans ang nakakatanda n'yang, nilang kapatid, ang kuya nilang si Hans

Nagtataka, naguguluhan at nasasaktan itong nakatingin sa kanyang kapatid na walang tigil na tumatangis nang simula nung siya'y pumasok sa silid ng kanyang kapatid.

"Helios." Tawag muli nito sa pangalan ng kanyang kapatid ngunit tila walang naririnig si Helios dahil patuloy pa rin itong tumatangis habang nakayakap na sa sarili at paulit ulit na binibigkas ang salitang, "Patawad, Ina.".

Ang tanging nasa isip lang ni Hans kung bakit nagkaganito ang kanyang kapatid ay dahil baka naalala na naman nito ang kanilang pumanaw na ina.

Hindi nito kayang makita ang ganitong sitwasyon ng kanyang kapatid dahil pakiramdam nito ay pinipiga ang kanyang puso sa sakit na makitang nasasaktan ang kanyang kapatid na hindi alam kung ano o paano ito matutulongan.

Lumapit ito kay Helios at hinarap ito, "Helios." Pagkuha nito sa kanyang atensyon dahilan upang mapunta sa kanya ang tingin ni Helios.

"K-Kuya." Naluluha tawag nito tawag sa kanya na sya namang mas lalong nagpalambot sa walang emosyong mukha ni Hans. Hindi niya matiis, hindi n'ya kayang makita na nagkakaganito si Helios.

"Nandito ako lang ako." Kalmado nitong sabi sa kanyang kapatid, "May nangyari ba kaya ka nangkakaganyan?" Tanong nito sa kanya.

Yumuko si Helios sa kanya, "W-Wala na s'ya." Hirap nitong sagot sa kanya.

Hindi n'ya makuha ang nais nitong iparating sa kaniya.

"Sinong wa-" Hindi nito natapos ang kanyang sasabihin ng makita n'ya ang sulat.

Sa halip na ipagpatuloy ang tanong nito sa kanya, inabot na lamang nito ang sulat at panandalian sinulyapan si Helios bago ituon ang atensyon sa sulat upang basahin ito.

Gaya rin ni Helios habang binabasa nito ay may tumutulong luha mula sa kanilang mata.

Ramdam n'ya rin ang pakiramdam na nararamdaman ni Helios.

"Huli na Kuya." Mahina pagkakasabi ni Helios tama lang marinig ni Hans

"Huling huli na tayo Kuya." Malungkot na saad ni Helios.

"Binigo ko si Ina, Kuya........binigo ko s'ya!" Bakas na bakas sa boses nito ang pagsisisi.

"Masyado akong kinain ng lungkot sa pagkawala ni Ina, kaya pati ang bunso nating kapatid na walang ka malay malay ay naghirap ng dahil sa atin" Mapait nitong saad na s'ya namang muling pagbadya ng pagtulo muli ng luha nito.

"Sinisisi natin sa kanya ang kasalanang hindi naman dapat, ano bang malay ng isang sanggol na mamamatay ang kanyang iba pagkatapos siya nitong isilang?" Sarkastong tanong nito.

"Kaya bang pumatay ng isang sanggol palang kuya? Hindi naman kagustuhan ng isang walang alam na sanggol na isilang s’ya eh dahil pasiya pa rin nila Ama at Ina na madagdagan ang pamilya na ito."

"Bakit pa natin nagawang isisi sa kanya?!" Patanong nitong sigaw habang luhaan.

Hindi alam ang isasagot ni Hans sa kanyang kapatid dahil maski sya ay hindi alam ang isasagot, hindi nya alam ang dapat  isagot at tamang isagot..........dahil bakit nga ba nila nagawang isisi sa isang walang muwang sanggol noon ang pagkamatay ng kanilang Ina kung kagustuhan ng kanilang magulang ang magsilang at madagdag sila.

Bakit?

Kung tutuosin inosenten ang kanilang bunsong kapatid na babae sa nangyari sa kanilang Ina.

"A-Alam ba ito ni Ama?" Tanong ni Hans sa kan'yang kapatid.

"Bakit kailangan pang malaman ni Ama kung noon pa man ay mahigpit na nyang binilin sa atin na wala dapat siyang marinig na kahit ano tungkol sa batang yun." Dismayadong sagot ni Helios sa kanya dahilan upang maging seryoso si Hans.

Namayani ang katahimikan sa silid, pareho silang lunod sa malalim na pag-iisip.

Nagambala lang ito ng magsalita muli si Hand.

"Ano ang nakalagay sa kahon?" Tanong nito ulit kaya kaagad na napatingin si Helios sa kanya.

Hindi nakakuha ng tugon si Hàns kay Helios kaya seryoso iyong tumingin sa kanya, " Ano ang laman ng kahon Helios."

"bakit?" Tanong ni Helios sa kanya.

"Tama bang isagot ang tanong sa isang pang tanong, Helios?" Ani 'ya nito kay Helios.

Nilabas ni Helios ang kahon mula sa kwintas. gulat at pagtataka ang makikita sa mukha ni Hans.

"Storage necklace?" Gulat na tanong ni Hans sa kanya.

Tumango si Helios sa kanya, "Isa ito sa laman ng kahon." Sabi ni Helios at saka nya inabot kay Hans ang kahon.

Binuksan ni Hans ang kahon na muling ikinagulat nya, "gaya ng suot kung kwintas yan, bale dalawa ang storage necklace ang nilagay nya d'yan." Paliwanag sa kan'ya ni Helios.

"At gaya mo rin nagulat ako dahil hindi ko akalain na ang dalawang malalakas na sandata ay meron s'ya at ibinigay pa niya sa atin." Dagdag nito.

"Dalawa?" Kunot noong tanong ni Hans sa kanya.

"Oo, kinuha ko na ang akin d'yan bago ko balak ibigay sayo, sayo yan." Ani nito sa kan'yang nakakatandang kapatid.

"Sobrang mapapakinabangan natin yan, hindi ko alam kung saan nya galing o nakuha ang ganitong uri na sandata at may mahikang kagamitan ngunit ito nalang tanda nya na iniwan sa atin."

"Ayaw ko mawala ito sa akin, pangangalagaan ko ito Kuya."

"Ingatan mo rin yan kuya." Saad nito at bahangyang ngumiti kay Hans, tumango nalang si Hans bilang tugon sa kaniya.





Thank you for reading ❤️

T H E R A (EDITING)Where stories live. Discover now