CHAPTER 40-fix

1.5K 93 30
                                    



GENERAL LEON POV.

Hindi ako mapakaling pa lakad lakad dito sa labas ng pinto dahil hindi maganda ang nararamdaman ko.

Kaba at takot hindi ko maintindihan kung bakit ko ito nararamdaman ngunit hindi ko maalis alis sa aking isipan ang anak kong si Thera.

"Leon, ano ba nakakahilo ka naman. 'di mo ba napapansin na nakatingin sayo ang tatlong batang Prinsipe." Reklamo sa akin ni Dale pero hindi ko siya pinansin, hinihintay ko na bumukas ang pinto para makita ko si Thera.

Napatigil ako nang bumukas ang pinto at may mga ilang maids na nagmamadaling lumabas.

Hinawakan ko ang braso ng isang maid kaya napatingin ito sa akin.

"Anong nangyayari?" Tanong ko sa kaniya.

Napaiwas naman siya ng tingin sa akin, "Ang y-young miss Ther-" hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin ng bitawan ko siya kaagad at mabilis na pumasok sa loob.

Kinakabahan ako na pumasok kaagad, pagkapasok ko kaagad ay nakita ko si Alexa na nakaupo sa gilid ng higaan.

Kaagad naman nahagip ng mata ko ang anak kong walang malay na nakahiga sa kama. Mabilis akong lumapit sa pwesto ng anak ko.

"Leon." Tawag sa akin ni Alexa ngunit na kay Thera lang ang paningin ko.

"A-Anong nangyari?" May kabang tanong ko sa kaniya.

Hinawakan ko ang pisnge ng anak ko at dahan dahang hinahaplos ito, "My baby Thera, nandito si Dada." Paggigising ko sa kaniya ngunit ni gulaw kahit kunti ay wala akong natanggap.

"Alexa, anong nangyari?" May halong sigaw ko ng tanong sa kaniya.

"P-Pinagaling niya ako, pinilit niyang iligtas ako kahit nasa limitasyon na siya." Rinig kong sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya.

"Pinagaling ka niya?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya

Papanong may kakayahang magpagaling ang anak ko?

Tumango siya sa akin, "May healing magic ang anak mo, Leon, "Sabi niya, hindi naman ako makapaniwala na tumingin sa anak ko.

"Pa'no? Isa siyang Howard? Wala sa henerasyon ng mga Howard ang may kakayahang magpagaling." Sunod sunod na katanungan ko.

"Ang anak mo lang ang tanging makakasagot niyan." Sabi ng Janro ang Emperor.

May sasabihin pa sana ako ngunit may nagsidatingan na maraming bilang ng mga healers mula sa templo.

"Pakiusap, bilang Empress ng kahariang ito pagalingin niyo ang batang ito." Pakiusap ni Alexa sa mga Healers habang nakaturo sa anak ko.

"Ka ano an-"

"Ang batang 'to ang nagligtas sa akin, pagalingin niyo siya kahit anong mangyari!" Sigaw sa kanila ni Alexa.

Taranta naman silang pumalibot sa higaan, "General Leon, umalis na po muna kayo diyan." Sabi ng isa sa kanila sa akin

Bago ako tumayo hinalikan ko muna ang noo ni Thera

"Hihintayin ka ni Dada, Prinsesa ko." Bulong ko at umalis na

Sinimulan na nilang lahat na pagalingin si Thera.

Maya maya lang ay may dumating na isang lalaki na may suot na kasuotan ng pang healer sa templo.

"Nasa kaniya ang pasya kung siya ay babalik o hindi na." Sabi niya na kinagalit ko kaya mabilis akong lumapit sa kaniya at kwenilyuhan siya.

"Lapastangan!"

T H E R A (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon