CHAPTER 37

1.6K 79 9
                                    

A: May binago po ako ng kunti sa chapter 36, and again sorry kung ngayon lang ako nagparamdam. Every week na ako mag-update niyan dahil may nagagawa at natatapos akong chapters nun kaya i-update ko na kaagad para hindi mawala o umulit ulit dahil mahirap lalo na hindi ko nasisingit minsan ang pagsusulat sa schedule ko.

————————————————

kasalukuyang nasa silid aklatan ng palasyo sina Thera at ang bunsong prinsipe na nagbabasa ng libro, katahimikan naman ang bumabalot sa loob ng silid aklatan dahil pareho silang abala sa pagbabasa samantala ang ika apat at ang ikalimang prinsipe ay kasalukuyang naglalakad para puntahan sina Thera dahil kakatapos lang nilang ihatid sa labas ng palasyo ang Dada ni Thera at ang batang si Azelo.

Habang abala sa pagbabasa si Thera makikita naman sa mukha ng bunsong prinsipe ang lungkot habang binabasa ang hawak hawak niyang libro.

Napatingin si Thera sa gawi ng bunsong Prinsipe nakita niya ang malungkot nitong habang nagbabasa ng libro, " Anong problema, Jai?" Tanong sa kaniya ni Thera.

"Isang magkapareha na masayang nagmamahalan naging mundo ng babae ang lalaki dahil panatag siya kapag kasama niya at laging nasa tabi niya ang lalaki, handa siyang damayan at iligtas ng ginoo kapag nagkakaroon ng problema o sa mga hindi magandang pangyayari." Kwento niya kay Thera habang nakatingin sa libro na kaniyang binabasa.

"Pero sa hindi inaasahan kailangan mamili ng ginoo, ang manatili sa tabi niya o maging isa sa mga kawal upang itanggol ang kaharian at ang nakakarami. Ang pagpili sa dalawa ay isang malaking kawalan kung hindi niya pipiliin ang kaniyang tungkulin maraming buhay ang mawawala kung hindi niya pipiliin ang babaeng minamahal maaaring wala na siyang babalikan pa." Pagpapatuloy ni Jairto sa pagkwento

"Ngunit pinili niya ang kaniyang tungkol na siyang labis na kinalungkot ng babae, dumating araw ng digmaan kung saan hindi inaasahan ang biglaang paglusob ng kalaban sa mga ilang bayan kasama sa isang bayan ang babae na sinugod hindi kaagad umaksyon ang namuno ng kaharian kaya naman labis labis ang takot ng babae nagbabasakaling darating ang taong mahal niya na iligtas siya - sila ngunit dumaan na ang ilang oras walang dumating....maski anino man lang ng lalaki hindi niya nasulyapa."

"Nagawa niyang makatakas ngunit marami naman siyang natamong sugat at hinang hina na rin siyang nagkalakad sa loob ng kakahuyan napagtanto niya na hindi sa lahat ng oras ay may taong tutulongan siya kaya naman nung dumating ang panahon na muli silang nagkita ng lalaki na minahal niya ng lubos yun din ang araw kung saan kinilala siya bilang bagong kapitan na mahusay sa pakikipaglaban....mula nun pinakita niya na hindi niya kailangan ng taong tutulong sa kaniya dahil kaya na niya ang kaniyang sarili." Pagtatapos niya ng pagkwento kay Thera at tsaka niya sinara ang libro bago tumingin kay Thera.

"Ang lungkot naman ng kwento nila."Komento ni Thera

"Tama ka." Pagsang ayon niya kay Thera

"Kung aalayan man ng isang uri ng kanta para sa kanila, ano naman kaya ang nababagay sa kanila?" Patanong niyang wika kay Thera.

Napaisip naman ng malalim si Thera sa sinabi sa kaniya ng bunsong Prinsipe sa kaniya, mamaya lang ay may pumasok sa kaniyang isipan at ngumiti na tumingin sa bunsong prinsipe na nagtataka namang nakatingin sa kaniya.

"May na isip na ako, nais mo bang marinig?" Tanong ni Thera sa kaniya.

Nakangiti naman na tumatango ang bunsong prinsipe kay Thera.

Pumikit si Thera at huminga ng malalim, pagkatapos ay sinimulan na niyang ibuka ang kaniyang bibig upang simula na ang pagkanta.

🎶

I let my soul fall into you

I never thought I'd fall right through

I fell for every word you said

T H E R A (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon