Chapter 34-edited

1.5K 85 7
                                    




T H I R D   P E R S O N  POV.

Habang nagsisimula ang nagaganap na pag-uusap sa loob ng silid ng Emperor may dumating namang iba pang panauhin ang Emperor.

Kasalukuyan silang nakahinto sa pintuan dahil hinarangan sila ng dalawang kawal na bantay sa pinto.

"Paumanhin ngunit hindi kayo maaaring pumasok." Sabi ng isang kawal habang nakaharang sa pinto ito sa pinto.

"Alam ng Emperor na darating kami." Ani ng isang panauhin ng Emperor na nasa likuran habang nasa harapan nila ang isang taong may edad na at nasa gilid nito ang isa pa nilang kasama.

Magsasalita sana ulit ngunit natagilan ito, "Eheemm, anong dahilan ng pagtawag niyo sa amin dito kamahalan?" Rinig nila mula loob.

"May kausap pa pala ang Emperor kaya hinaharangan tayo ng mga kawal na ito." Walang emosyong pagkakasabi ng isang panauhin.

"Boses iyon ng General." Sabi naman ng isang panauhin na naunang nagsalita kanina.

"Ano namang ginagawa ng Gene—"


"Alam mo ba na ang bata na iyong inampon ay anak ni Alaric,  Leon? "  Hindi natapos ang kaniyang sasabihin ng marinig nila ang tanong ng Emperor.

Nagulat siya sa kaniya narinig kaya nais nitong pumasok sa loob ngunit pinigilan siya ng taong may edad na nasa kanilang harapan.

"Ama, hindi mo ba narinig ang tanong ng Emperor? May inampon sa anak ni Alaric." Nababahala nitong saad ngunit hindi man lang ito tumugon sa kaniya nanatili pa rin ang seryosong tindig nito.

"Sino naman sa anak ni Alaric?  Kilala naman ng lahat ang mga anak niya sa buong kaharian." Naguguluhan namang tanong ng isa pa nilang kasama.

"Alam ko." Rinig nilang sagot ng General kaya nagpatuloy sa pakikinig

"Kung ganun bakit mo pa siya inampon kung batid mong anak ko siya, Leon." Rinig nilang pag-apila sa General.

"General Leon,  Duke Alaric. " Rinig nila kaya nakangisi ang dalawang na nasa likuran.

"Ang lakas talaga ng loob ni General. " Kumento ng isa.

"Ano pa bang aasahin mo eh, pantay lang sila ni Alaric ngunit misteryoso pa rin ang bloodline ng mga Valor alam kong higit pa sila sa katayuang alam natin." Kumento naman ng isa pa.

"Yung araw na inalam mo kung anong nais ko dahil sa matagumpay kung pagdepensa, hindi ko pa alam na anak mo ang anak ko na ngayon."

"Nakapirma na ang Emperor at nasa akin na din ang mga dokumento na nagpapatunay sa pag-ampon ko kay Thera at nakapangalan na siya sa akin."

Patuloy lamang sila sa pakikinig ng usapan sa loob kahit na nais na nilang pumasok upang alamin ang pinag-uusapan ng mga tao sa loob na kasama ng Emperor.

"Tama si Leon,  Alaric kahit na ikaw pa ang tunay na ama ni Thera sa mata ng batas ay mas may kaparatan si Leon sa kaniya kaya kahit gustuhin mong bawiin sa kaniya ang bata ay hindi maaari lalo na't tapos na ang lahat ng dokumento ni Thera at na kay Leon na iyon."

"Thera? Walang anak si Alaric na nagngangalang Thera, Di kaya may anak si Alaric sa labas?" Tanong ng isa ngunit walang sumagot sa kaniya dahil mas naging seryoso ang ekpresyon ng dalawa niyang kasama kaya nanahimik na lamang siya.

"Bakit mo ba ito ginagawa Dad? Hindi mo ba nakikita na mas gusto ni bunso sa tabi ni General Leon?  Hindi mo ba napapansin na ayaw niya sayo, hindi nga niya magawang tumingin sa inyo ng matagal eh."

T H E R A (EDITING)Where stories live. Discover now