Chapter 33-edited

1.6K 84 2
                                    





T H I R D   P E R S O N   POV.

Pagkarating ng dalawang magkapatid sa mansion ni General Leon sakay sakay sa kabayo agad silang bumaba sa kabayo nila at nagmamadaling pumasok.

Sumalubong naman sa kanila ang Butler ni General Leon na si Sen, bakas sa mukha nito ang pagtataka at pagkagulat sa biglaang pagdating ng dalawang magkapatid na Howard

"Nasaan ang General Leon? " Agad na tanong ni Hans sa kaniya.

"Nasa training grounds siya kasama ang mga Prinsepe at si Princess Thera." Sagot naman sa kaniya ni Butler Sen.

Pagkarinig ni Hans sa sinabi ni Butler Sen ay mabilis nila na tinatahak ang daan patungo sa training grounds ng House of Valor, naguguluhan man sa kinikilos nila si Butler Sen sa magkapatid ay sinundan niya pa rin ang mga ito.

"Anong kailangan niyo sa General,  Young Masters? " May paggalang na tanong ni Butler Sen sa kanilang dalawa habang sila ay nagmamadaling naglalakad papunta sa training grounds.

"Nagtungo ang aming sa Emperor upang makausap ito ng personal." Sagot naman sa kaniya ni Hans ngunit hindi niya maunawaan ang sinabi nito sa kaniya.

"Ano naman ang koneksyon ng General sa nais na makausap ng Duke ang Emperor?" Tanong muli ni Butler Sen

"Maaaring tungkol kay Thera kung kaya't nais niyang makausap ang Emperor." Sagot naman ni Helios na labis na kina bigla ni Butler Sen.

"Hindi ba't wala ng paki—"

"Yun din ang akala namin ngunit kagabi lang ay hinahanap niya si Thera sa mansion kung saan niya inambandona si bunso." Putol niya sa pagsasalita ni Butler Sen.

Sakto naman na nakarating na sila sa training grounds, kaagad silang pumasok at ginala ang mga mata upang hanapin kung nasaan ang General.  Nang makita nila ito ay tumakbo sila upang mabilis na makarating sa kanilang kinaroonan.

"General Leon! " Tawag nila sa General ng sila ay malapit na.

Nagtataka namang tumingin sa kanila ang General samantala natutuwa naman si Thera ng makita sila nito.

"Anong ginagawa niyo dito? ng wala man lang pasabi at permiso ko." Tanong ng General sa kanila samahan pa ng tanyag na ekspresyon nito na nakakatakot.

"Kinakausap ng aming Ama ang Emperor. " May kaseryosohang bigkas ni Hans sa kaniya.

"At ano namang paki ko kung kinakausap ng Duke na iyon ang Emperor." Ani 'ya habang pinapanatili ang ekpresyon nito upang matakot ang dalawa ngunit hindi naman natinag maliban kay Helios na kita ang pagiging nerbyoso nito habang nakatingin sa General.

"Hinahanap niya si Thera kagabi sa mansion kung saan inambandona siya ni Ama at nalaman namin kanina na kakausapin niya ang Emperor, pumasok sa isipan namin na baka kakausapin niya ang Emperor ay dahil kay Thera. " Paliwanag ni Hans sa General

Dahil sa sinabi ni Hans nagpipigil naman sa galit ang General hindi nito magawang magpalabas ng malakas pang aura dahil baka matakot si Thera at mabigla ito.

Gulat at naguguluhan naman ang namayani sa kalooban ng dalawang Prinsipe at si Azelo maliban sa ika limang prinsipe na wala man lang nakikitaang kahit anong reaksyon sa mukha nito habang si Thera naman ay may takot na makikita sa kaniyang nga mata.

"Teka, inambandona ng inyong Ama? Si Thera?............kapatid niyo siya?" Hindi makapaniwalang tanong ng Ika apat na Prinsipe sa dalawang nakakatandang kapatid ni Thera.

Malungkot namang tumango ang dalawa sa Prinsipe na mas lalo kinagulat nito sa kaniyang nalaman.

"A-Alam  m-mo ba ito Xixi?" Nautal pang tanong ng bunsong Prinsipe sa nakayukong si Thera.

T H E R A (EDITING)Where stories live. Discover now