CHAPTER 39

1.4K 85 19
                                    





THERA POV

Kasalukuyan akong inaayusan ni Ate Alyana dahil magkakaroon ng salo salo ngayon dito sa palasyo na kami kami lamang.

Dalawang araw na nakalipas simula nung naganap ang pagsasanay sa pagitan namin ni Kuya Jihan dahil dun kaya mas lalo kaming nagkalapit dahil gusto na niyang mag-aral kasama ako upang mahasa din ang kaniyang kaalam, gayun din sila Jovan at Jairto nakakasama ko na sila magbasa ng aklat. Minsan ay sila pa mismo pumunta dito sa aking silid para yayain ako pumunta ng library dito sa palasyo.

"Ayaw tapos na kitang maayusan." Rinig kong sabi ni Ate Alyana kaya tinignan ko ang aking sarili sa salamin.

"Ang ganda ganda mo, Thera." Puri niya sa akin, ako naman na hindi sanay na pinupuri, nahiya ako.

"S-Salamat po."

Bahagya niyang kinurot ang aking pisnge, "Ang kyut mong mahiya, Thera hahaha." Pagbibiro niya sa akin.

"Ate."

"Hahaha pasensya na hindi ko mapigilan, nakakatuwa ka kasing bata ka. O s'ya tapos na kitang ayusan magtungo na tayo sa Imperial dining room." Sabi niya at inaalalayan akong bumaba sa upuan.

Pagkababa sa upuan ay naglakad na palabas sa aking silid upang magtungo sa dining room ng palasyo.

"Ate, ano bang ganap para magkaroon ng salo salo?" Tanong ko habang naglalakad kami.

"Ang alam ko, kaya merong pagsasalo ay selebrasyon para sa nalalapit na panganganak ng Empress." Sagot niya sa akin.

"Sa palagay mo Thera, ano kaya ang kasarian ng magiging anak ng Emperor at Empress?" Tanong niya sa akin kaya napatingin ako sa kaniya.

"Ate, mukha po akong manghuhula?" Balik kong tanong sa kaniya.

"Hindi, gusto ko lang malaman kung ano sa tingin mo ang kasarian ng magiging anak nila."

"Sa tingin ko Ate, dalawang babae at isang lalaki." Sabi ko sa kaniya.

"Teka, tatlo ang pinagbubuntis ng Empress?" Gulat niyang tanong.

Tango ko habang nakatingin sa aming dinadaanan.

"Tatlo nga Ate."

"Balita ko masilan daw ang pagbubuntis ng Empress, tiyak akong mahihirapan siya sa panganganak." 'di ko akalain na may pagkachismosa pala si Ate Alyana.

"Magiging maayos ang lahat." Usal ko.

Simula nung pinanganak ako bilang Thera, marami ng nagbago. Hindi naman siguro masama kung babaguhin ko ang kapalaran ng Empress upang maiwasan ang mamumuong galit kina Jihan at Jovan sa oras na mamatay ang Empress.

Babaguhin ko ang nakasulat na kapalaran ng Empress at ng tatlong batang nasa sinapupunan niya.

"Sana nga." Rinig kong sabi ni Ate Alyana.

Huminto naman kami sa isang pintuan at pinagbuksan naman kami ng kawal na nakabantay sa pinto. Pagkabukas ng pinto ay pumasok na kami sa loob, nakita kong nakaupo na ang Emperor, Empress at ang tatlong Prinsipe.

Nakita ko naman si Kuya Dale na nakangiting kumakaway sa akin at si Dada na nakangiti ring nakatingin sa akin, sinensyasan niya ako na lumapit sa kanila.

Ngunit bago ako lumapit sa pwesto ni Dada, humarap ako ng maayos sa Empress at Emperor, "Pagbati sa Empress at Emperor." Magalang kong pagbati sa kanila.

"Salamat, Thera. Umupo ka na," Sabi ng Hari kaya lumapit ako kay Dada.

"Ang ganda ng Prinsesa ko." Papuring sabi sa akin ni Dada ng ako ay nakalapit na sa kaniyang pwesto.

T H E R A (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon