Chapter 28-edited

1.5K 70 2
                                    


THERA POV.

Pagkaalis namin sa Imperial library namayani ang katahimikan sa loob ng karwahe kaya nililibang ko ang aking sarili sa pagtanaw sa labas pero hindi ako maka concentrate o ma enjoy man lang ang ganda ng tanawin na amin dinadaan dahil ramdam na ramdam ko ang tingin na pinupukol sa akin Kuya Dale mula nung kami ay nakasakay sa karwahe.

Anong nangyari ba kasi kanina?  Nagbanyo lang ako tapos pagkabalik ko umiiyak na yung dalawa kong kapatid at ramdam ko ang galit ni Kuya Dale kung hindi lang ako kaagad nagsalita nung pagkalapit ko sa pwesto nila.

Palihim nalang ako na pa buntong-hininga para hindi mapansin ni Kuya Dale?

"Princess? " pagtawag sa akin ni Kuya na kaagad kong ikinatingin sa kaniya.

Sa wakas na putol din ang katahimik dito sa loob ng karwahe, hayss

Walang kaalam alam naman akong tumingin sa kaniya, wala akong ka ideya kung ano sasabihin niya, baka yung nangyari kanina?

"Gusto mo bang makilala kung sino ang tunay mong pamilya? Gusto mo ba silang makita?" Tanong niya sa akin na hindi ko inaasahan.

Alam na ba niya kung sino ang mga magulang ko? Kung oo.

paano?



Mahirap makakuha ng impormasyon tungkol sa akin, kung sino mga magulang ko dahil una palang ay alam kong maingat ang Duke. Hindi niya hahayaang may makakaalam tungkol sa akin lalo na kung makakasira sa kaniya.

Paano? Paano mo nalaman Kuya Dale?

Kanino mo nalaman?


"K–Kilala niyo po kung sino ang mga m–magulang  k–ko?" Kabado kong tanong sa kaniya.

"Oo, may magsabi sa akin kung sino ang mga magulang mo Princess." Ani 'ya na ikinagulat kong tingin sa kaniya.

Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, ang bilis ng tibok ng puso ko.

Ibabalik ba nila ako? Pero ayaw ko!

Gusto ko, gusto kong manatili kay Dada! s-siya ang pamilya ko.

Sa lalim ng pag-iisip ko naramdaman ko ang kamay ni Kuya na nakahawak sa aking mukha.

"Mukhang ayaw mo Princess, sa ekpresyon ng mukha mo palang ay nakikita ko na ayaw mo silang makilala." Malumanay na pagkasabi sa akin ni Kuya Dale.

Sinalubong ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin, mga matang punong puno ng pag-aalalang nakatingin sa akin.

"Hindi ka pa handang makilala sila, huwag kang mag-alala nandito lang kami para sayo Princess."Sabi niya nakakagaan sa pakiramdam lalo na ang tinig niya na napaka amo.

Hindi ko naman kailangan maging handa para makilala sila dahil sa simula palang ay kilala ko na sila, kilala ko kung kanino ako nagmula sapagkat hindi ko lang kaya na marinig sa aking tunay na Ama kapag itanggi niya ako na hindi niya ako anak.

Kahit hindi ako ang orihinal na Thera sa novela, masakit pa rin marinig sa totoong magulang ang mga salitang hindi kinikilala bilang anak, anak na nagmula sa kaniya, anak na nabuo sa pagmamahalan nila.


Bakit kailangan pang kamuhian at abandonahin? Hindi ba maaaring tanggapin nalang?

"Kung sakali man na makilala mo sila, babalik ka sa kanila?" Tanong niya sa akin na hindi na bago sa aking pandinig, matagal na akong may sagot sa tanong ito. Gaya ng sinagot ko kay Dada noon hindi na iyong magbabago pa.

Ngumiti ako sa kaniya sa umiling ng ibang beses, "Kay Dada pa rin po ako dahil siya na ang legal na magulang ko, hindi ko siya iiwan kahit na makilala ko sila." Sabi ko sa kaniya.

Ngumiti naman siya sa akin pabalik, "Nararapat lang na hindi ka na bumalik sa kanila dahil pinabayaan ka na nila at kami na ang pamilya mo hindi na magbabago yun."

"Pero nasa iyo pa rin kung babalik ka sa kanila o mananatili ka sa amin." Sabi niya sa akin na nangungusap ang kaniyang mga mata na parang pinapahiwatid na manatili ako sa kanila.

"Mananatili ako sa inyo Kuya, mananatili ako sa tabi niyo ni Dada." Sabi ko sa kaniya dahilan para maging maaliwalas ang kaniyang mukha, kita ko ang saya sa mga mata niya habang pinagmamasda ko siya.

Buo na desisyon ko, yun ay hindi sila iwan.....Buong buo na.

Kahit kailan hindi ko pagsisihan ang lahat ng mga ginawa kong pagdedesisyon dahil nasa tamang pamilya na ako.

Pinapalibutan na ako ng mga taong mahal ako, mga taong parte na ng buhay ko.

Mga taong napaka halaga sa akin, sa buhay ko.





BUTLER SEN POV.

Papunta ako sa opisina nang General ng biglang umilaw ang magic ball na hawak hawak ko na isang communication tool na ginagamit namin para makausap ang isang tao kahit malayo.

"Butler Sen? Ako nga pala si Regi isa sa Butler ni General Dale"Tawag sa akin mula sa kabilang linya at pagpapakilala niya sa kaniyang sarili.

"Ako nga, nasabi niyo na ba kay General Dale ang sulat?" Tanong ko.

"Naibigay na at nabasa na niya rin ito, nais niyang iparating na personal niyang kakausapin ang General Leon tungkol sa Prinsesa. Kasalukuyan kaming nagbabiyahe para maiuwi ang Prinsesa" Sabi nito.

"Hmmm, Salamat." Huling sambit ko bago tumuloy na pumunta sa opisina ng General.

Pagkapasok ko sa loob ng opisina ng General naabutan ko itong hindi mapakaling naglalakad ng pabalik balik sa loob ng silid.

"Master." Magalang kong pagtawag sa kaniya kaya napatingin ito sa akin.

"Oh Sen, nandiyan na ba si Thera? Pupuntahan ko siya." Pagkasabik nitong tanong sa akin na hindi man lang hinihintay ang aking sasabihin, lalagpas na sana siya ng pigilan ko ito.

"Paumanhin Master ngunit wala pa ang Prinsesa, kasalukuyan palang sila nagbabiyahe babalik dito ayon ng Butler ni General Dale na si Regi." Ani ko sa kaniya at dinistansya ang aking sarili sa kaniya.

Kita ko naman ang pagkainis niya sa aking sinabi, "Sabi niya sandali lang sila sa Imperal library bakit hanggang ngayon ay wala pa rin sila."

"Ngunit pitong oras palang ang nakalipas simula nung sila ay umalis, Master." Pangatwiran ko sa kaniyang sinambit.

Matalim naman ako nitong tinignan na hindi na kailanman bago sa akin, nasanay na ako sa ganiyang uri niya ng tingin kaya balewala na ito sa akin.

"Dalawa o apat na oras pa yan ay labis na para sa akin! Hindi na kami nagkaroon ng oras ni Thera ng dahil sa kaniya." Inis niyang sabi.

Hindi na ako kumibo pa dahil kahit anong sabihin ko ay hindi naman makikinig ang General na gustong gusto makasama ang munting Prinsesa, hinayaan ko na lamang siyang maglakad pabalik pabalik at magsabi sabi.

"Patayin ko na kaya ang Dale na yun."

"Kahit kailan talaga ay hindi sumusunod ang isang yun."

"Dapat pala hindi ko na pinayagan ang isang yun na isama si Thera."

"Inaagaw niya sa akin ang Prinsesa ko, baka naman hindi niya na iuwi yun" Ani 'ya habang pabalik pabalik na naglalakad.

Ako naman na nahihilo na sa kaniyang ginagawa, para siyang baliw kung titignan na kinakausap ang sarili.

Tiniis ko na lamang na marinig ang lahat kahit na masakit na sa tenga at sa ulo.















MERRY CHRISTMAS, Enjoy everyone ❤

T H E R A (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon