Chapter 17-Edited

1.9K 106 6
                                    





ALYANA POV.

Matapos ang paghahanda ni Thera para sa duelo ay nakahanda na rin ang isang knight na nakasalubong namin kanina papasok.

Parehas silang dalawang nakatayo na nakaharap sa isa't-isa. Samantala ang lahat ng knights na nagsasanay ay tumigil dahil inaabangan ng mga ito ang duelo sa pagitan ni Thera at Louis.

Kilala ko ang knight na nakasalubong namin kanina dahil kasabayan ko ito noon sa mga pag-eensayo na pinapalakas ko ang aking sarili para maging isang knight.

Knight na magsisilbi kay Duchess Julianne, maging personal knight niya. Dahil sa angking lakas at katapangan niya ang naging dahilan para siya ay aking nais na pagsilbihan lalo na nung ako ay bata pa, isa ako sa mga batang nailigtas niya noon sa pagsalakay ng bandido sa aming teretoryo.

Sampong taong gulang pa ako nun nang salakayin ng mga grupo ng bandido ang aming teretoryo.






F L A S H B A C K

"Hahahaha, ang bagal mo tumakbo Alyana." Tumatakbong pang-aasar nito sa akin dahil nasa kaniya ang laruang espada ko.

Ako naman ay hinahabol siya para mabawi ito sa kaniya, "Mico! Akin na yang espada ko." Naiinis ko nang sabi sa kaniya samantalang siya ay wala paring katapusang tumakbo para lamang asarin ko.

Habang naghahabulan kaming dalawa, napatigil kami dahil sa narinig naming malakas na pagsabog.

"May nakapasok bang masamang tao sa teretoryo natin?" Nag-aalalang sambit ni Mico na may takot na kaniyang mga mata.

Kinakabahan naman akong nakatingin sa direksyon kung saan naganap ang pagsabog, may mga usok na makikita sa itaas na siyang mas lalong inakaba ko dahil naririnig ko ang sigaw ng iba dahil sa kakayahan ko na matalas ang pandinig.

Nagulat naman ako ng bigla akong hilain ni Mico patakbo, pabalik sa lugar ng aming tirahan.

Habang tumatakbong binabagtas ang daan ay takot ang namumuo sa aking kalooban dahil dinig na dinig ko ang mga tinig na pagmamakaawa at pagtatangis ng mga kasawa namin.

"Ahhh! Maawa ka!"

"Ayaw ko mamataya, pakiusap."


"Ako nalang saktan niyo, wag lang ang aking anak!"

"Pakiusap, huwag niyo akong patayin."

"Maawa ka! Maawa ka!"


Umiiyak na lamang akong tumatakbo dahil sa labis na sakit na aking nararamdaman.

Bakit? Bakit kailangang mangyari ito?.

Namalayan ko nalang ang aking saliri na nakahinto habang hawak hawak pa rin ni Mico ang aking kamay habang nagtatago kami.

Nasa likod lang kami sa harap ng kagubatan na kung saan kami naghabulan ni Mico kanina, sa harap ñito lang ang kanilang tirahan.

Dahan dahan naman ang naging kilos namin dalawa sa paglalakad para silipin ang bahay nila.

Pagkasilip namin sa bintana nila ay walang sino mang miyembro ng pamilya niya ang naroon.

Maglalakad sana kaming muli ng pagharap namin ay may tatlong lalaki na ang nasa harapan namin.

Takot na napaatras kaming dalawa ni Mico na nakatingin sa mga pangit na bandido na nasa aming harapan.

Lalapitan sana kami ng isang bandido ngunit mabilis ang naging kilos namin ni Mico para tumakbo subalit hindi pa man kami nakakalayo ay may biglang humarang sa aming harapan na siyang ikinatumba ko sa aking kinatatayuan dahil sa takot na bumabalot sa aking kalooban.

T H E R A (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon