Chapter 15-Edited

2.2K 119 11
                                    



Pagbalik nila Thera at ng General sa kanilang tahanan kasama si Azelo ay sinalubong sila ng mga katulong at iba pang knights, butlers nito na nagbigay galang kanila.

Masaya namang hinarap ni Thera ang mga ito, "Nandito na po kami!" Masayang sigaw ni Thera sa kanila habang may ngiti sa kaniyang mga labi.

Labis naman ang tuwa ng mga katiwala ng Valor sa narinig nilang sinabi ng kanilang munting prinsesa, hinarap nila ito at ginantihan ng ngiti, "Maligayang pagbabalik Master at sayo rin young miss Thera." Sabay sabay nilang saad na may paggalang sa kanila.

Napangiti na lamang si Thera sa kaniyang nasaksihan.

Lumapit naman ang butler na si Sen sa kanila, "May nakahanda na pong pagkain para sa inyo Master at Young miss." Ani 'ya sa kanila, napako ang tingin nito sa isang batang lalaki na kanilang kasama na pumasok.

Napansin naman ni Thera ang pagtingin ng butler kay Azelo, kaya naman, "Siya po si Azelo. Lolo Sen dito na po siya kasama ko, pumayag po si Dada." Pagbigay kaalaman ni Thera sa kaniya patungkol kay Azelo dahil alam nito na hindi basta basta nagsasama ng kahit sino ang kanilang Master.

Napatango na lamang si Sen sa sinabi sa kaniya ni Thera.

"Ayusan niyo siya at linisan, sasama siya sa amin sa pagkain mamaya dahil hindi kami naka kain kanina sakadahilanang may nangyari." Utos ng General sa kaniya.

Napatingin naman ang General kay Thera, "Mag-aayos ka pa sa iyong sarili bago kumain dahil galing tayo sa labas at mapahinga ka ng kunti dahil tiyak ko na napagod ka sa paglilibot kanina." Saad ng General sa kaniya ramdam sa boses nito ang lambot at lambing habang binibigkas ang mga katagang iyon sa kaniyang Anak.

Napatango naman si Thera sa kaniya at ginawaran ito ng isang ngiti kung kaya't binaba siya ng General at sinalubong naman si Thera ni Alyana para alalayan ito papunta sa kaniyang silid.

Pagkapasok ni Thera sa kaniyang silid at umupo na muna ito sa upuan na mapalit lang sa kaniyang kama.

"Pagod na pagod ka Thera ah, nag-saya ka ba sa pamamasyal niyo ng iyong Ama?" Tanong ni Alyana sa kaniya.

Masaya namang tumango si Thera sa kaniya, "Opo. Ang ganda pa rin sa pamilihan ate Alyana, ito po ang pangalawang beses na nakapunta po ako dun." Sagot ni Thera sa kaniya na may ngiting hindi matutumbasan dahil sa saya nararamdaman nito.

"At saka may nakilala din po ako dun. Yung kasama ko po kanina, magiging kasama ko siya dito Ate." Dagdag pa nito.

Labis labis naman ang saya na nararamdaman ni Alyana dahil sa loob ng limang na nakasama niya ito, ngayon niya lang ito na nakitang sobrang saya.

Napaluha nalang itong nakatingin kay Thera habang pinagmamasdan nito ang kaniyang alaga, "Masaya ako para sayo, Thera." Lumuluhang nakangiti nitong wika kay Thera, kaya agarang napatingin sa kaniya si Thera sa kaniya.

"Hindi mo man naranasan ito noon sa totoo mong pamilya ngunit naranasan mo naman sa kalinga na binibigay sa iyo ng General." Dagdag nito at tsaka nito niyakap si Thera, hindi naman kaagad nakakibo si Thera sa kaniya.

Napangiti na lamang si Thera na ginantihan ng yakap ang kaniyang umiiyak na Ate, "Parang isang panaginip lang diba, Ate?" Tanong nitong sabi sa kaniya.

"Ngunit hindi ito panaginip dahil ito ang reyalidad."

"hindi na ako ang batang inambandona ate dahil hindi na ako si Thera Howard, Dahil ako na si Thera Roxiae Valor." Makabulohan nitong bigkas na siya namang ikinakalas ni Alyana sa kaniya mula sa pagkakayakap.

Nakangiting nakatingin sa kaniya si Thera, "Ako ngayon ay isang anak ng magiting na General ng kaharian na ito, Ate." Ani 'ya na punong puno ng saya at pagmamahal sa kaniyang kinikilala Ama ngayon.

T H E R A (EDITING)Where stories live. Discover now