CHAPTER 48

1.1K 66 4
                                    




"Hoy Jairto naman! Inuubos mo na yung mga cookies eh!" Reklamo ko sa kaniya dahil halos ng cookies hinanda dito siya na ang nag-ubos lahat.

Kasalukuyan kasi kami ngayon nagpipicnic dito sa garden sa ilalim ng isang puno, si Jairto nakaisip nito na magpicnic kami na kami kami lang na mga bata hindi daw kasama yung mga tatanda para daw magsaya kaming lahat.

"Marami ka na rin naman na nakain ah." Reklamo niya rin sa akin habang hawak hawak pa niya nag isang box ng cookies.

Seryoso? Mas malakas pa siya sa akin kumain?

"Ikaw ang mas maraming nakain na. Kita mo yan? Nasa sayo pa nga yang isang buong kahon ng cookies eh!" Sabi ko sa kaniya habang nakaturo sa kahon ng cookies na hawak hawak niya.

Na pa liit naman ang mga mata ko habang nakatingin nung tinago niya sa likuran niya ang cookies na nasa kaniya.

"Jaijai! Huwag kang madamot!" Sigaw ko na sa kaniya pero tinignan niya ako ng pagalit.

"Akin na 'to! Maraming ka ng kinain." Pagalit niyang sigaw sa akin.

"Naka sampo lang ako! Sampo lang nakain ko, samantalang sayo isang kahon na.......ang dami dami niyan kanina, ikaw lang halos nakaubos!" Sumbat ko habang nakaturo sa kaniya.

Naging maamo naman ang mukha niya at nilabas nag cookies pero, "Ayaw ko!" Biglang sigaw niya sa akin at mabilis na kinain ang mga cookies.

"Jai–" tatayo sana ako at sisigaw pero napatigil ako nung may humawak sa akin para pigilan kayo.

"Ito." Sabi ni Azelo na nasa tabi ko at inabot sa akin ang isang kahon.

"Ano 'to?" Kalmado ng tanong ko sa kaniya.

"Buksan mo." Simpleng ani 'ya sa akin kaya binuksan ko ang kahon.

Pagkatapos bukas ko sa kahon nagningning naman ang mga ko habang pinagmamasdan ang laman ng kahon na binigay sa akin ni Azelo.

Cookies!

"Salamat, Azelo." Pasalamat ko sa kaniya at ngumiti.

"Ano yan?" Tanong ni Jairto na sobrang dungis ang mukhang dahil sa kinain niyang cookies.

Ang takaw ah.

"Hehh. Cookies, binigay sa akin ni Azelo." Pang-iinggit ko sa kaniya sabay pakita sa kaniya ng cookies na binigay sa akin ni Azelo.

Napangisi naman ako nang makita ko siyang tulala sa cookies na pinapakita ko sa kaniya.













THIRD PERSON POV.

Habang pinapa-inggit ni Thera ang cookies na binigay sa kaniya ni Azelo, naiinis ng nagtiis ang tatlong kasama nila na sila Prinsipe Jovan, Prinsipe Jihan at si Azelo sa kaingayan nila Prinsipe Jairto at Thera.

"Ano ka ngayon ha? Akala mo ikaw lang may cookies? HAHAHAKHAK meron din ako." Pagmamayabang ni Thera habang nakatingin kay Prinsipe Jairto.

"M-Meron p-pa ako!" Nautal pang sabi ni Prinsipe Jairto kay Thera kahit na limang cookies nalang ang natitira sa kahon na hawak niya.

"Talaga ba Jai? Baka ilang piraso nalang yan na sayo." Nakangising pang-aasar ni Thera kay Prinsipe Jairto.

Mapride namang hinarap ni Prinsipe Jairto si Thera, "Eh ano naman ngayon? Busog naman na ako. Hmp!" Sabi nito kay Thera at umiwas ng tingin.

"HAHAHAHAHAH!" Malakas na tawa ni Thera dahilan para mapatingin ang mga kasama niya sa kaniya.

"Biro lang hahaha." Inabot niya kay Prinsipe Jairto ang cookies na hawak niya, "Kuha ka kung gusto mo pa ng cookies." Nakangiting sabi ni Thera sa Prinsipe.

Nakangiti namang umiiling yung tatlong nanonood ng bangayan nilang dalawa.

"Sigurado ka?" Paniniguradong tanong ni Prinsipe Jairto kay Thera.

Tumango naman na nakangiti si Thera kay Prinsipe Jairto, "Oo naman, kuha ka lang." Sabi niya at nilagay sa gitna ang cookies.

Tinignan ni Thera yung tatlong tahimik lang na pinapanood sila, "Kuha din kayo, kami na ang nakakaubos sa mga pagkain hahaha." Pabirong sabi ni Thera sa kanilang tatlo.

"Napansin ko na hindi kayo masyadong kumakain, bahala kayo diyan. Uubusin lahat ni Jairto yan, takaw niya eh hahaha." Pagpaparinig ni Thera kay Prinsipe Jairto.

"Hindi ako matakaw." Pagsalungat ni Prinsipe Jairto kay Thera.

"Hahaha, oo nalang." Natatawang usal ni Thera sa Prinsipe.

Kumuha si Thera ng isang cookies at inabot kay Azelo na kinatingin naman ni Prinsipe Jovan sa kanila, "Oh ito sayo, salamat." Masayang wika ni Thera kay Azelo dahilan para mapaiwas ng tingin si Prinsipe Jovan at napipilitan na lamang na kumuha ng cookies.

"Ang saya ng ganito, sana maulit 'to." Sabi ni Thera sa kanila habang kumakain ng cookies.

"Mauulit 'to." Sabi ni Prinsipe Jovan habang nakatingin kay Thera at saka ito ngumiti.

"Young miss!" Sigaw ng maids na nagngangalang Alyana, tumatakbo ito palapit sa kinaroroonan nila Thera.

Napatayo naman si Thera dahil sa pagtawag sa kaniya at agad niyang sinalubong ang kaniyang maid.

"Ate? Bakit po?" Tanong ni Thera sa kaniyang maid.

"M-May d-dumating galing sa templo, inutos sa akin na sabihan at sunduin kayo." Hinihingal na sagot ni Alyana kay Thera.

Pagkatapos marinig ni Thera ang sinabi sa kaniya ng kaniyang maid, mabilis siyang tumakbo pabalik sa loob na hindi man lang inisip ang mga taong kasama niya.

"Thera!" Nag-aalalang sigaw ni Azelo at ni Prinsipe Jovan, nagkatingin silang dalawa ngunit umalis na rin si Azelo para sundan si Thera.

Kaagad naman sumunod si Prinsipe Jovan kay Azelo. "Sandali, hintayin niyo kami." Sabi ni Prinsipe Jihan ngunit hindi naman siya pinakinggan nung dalawa.

"Jairto, tara na." Pag-aya ni Prinsipe Jihan kay Prinsipe Jairto, inayos na muna ni Prinsipe Jairto ang kaniyang sarili bago tumingin sa kaniyang nakakatandang kapatid.

"Marami bang taga templo dumating?" Tanong ni Prinsipe Jihan sa maid ni Thera.

"Opo Kamahalan, kasama rin po sa mga dumating ang pinuno ng templo." Sagot ng maid ni Thera kay Prinsipe Jihan.

"Ano naman kayang dahilan para dumating sila dito ng biglang?" Patanong na sabi ni Prinsipe Jihan habang nag-iisip ng malalim.

"Nais nila kayong tignan isa isa."

"Tignan isa isa?" Takang tanong ni Prinsipe Jihan.

"Opo, bago ako utusan ng Empress na sabihan kayo. Narinig kong titignan nila kayo isa isa kung may marka kayo sa inyong katawan." Sagot ni Alyana sa Prinsipe.

Kaagad namang pumasok sa isipan ni Prinsipe Jihan ang kaniyang bunsong kapatid na lalaki at si Thera.

"Base sa nangyari nung nakaraang ilang araw, may marka si Thera pati na ang akin kapatid." Sabi ng Prinsipe sa kaniyang isipan.

"Jai–" hindi natapos ang kaniyang sasabihan na seryosong nakatingin at nakahawak sa kaniya ang kaniyang kapatid na si Prinsipe Jairto.

"Tara na Kuya, baka kukunin nila sa atin si Lukianos. Hindi ako papayag, malulungkot si Mama." Seryosong wika ni Prinsipe Jairto, tumango naman sa kaniya si Prinsipe Jihan at sumunod na silang dalawa pabalik sa loob ng palasyo.






"Sana magiging maayos ang lahat." Sambit ni Prinsipe Jihan sa kaniyang isipan habang pabalik sila.

T H E R A (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon