CHAPTER 50: Sight Seeing

140 11 10
                                    

"Gagi! Ako yun! Bakit nyo ako binaril? Tsss!" Reklamo ni Hunter kay Gian at Dylan nang sabay nilang barilin ang karakter niya sa larong PUBG.

Nakakabingi ang volume ng malaking TV kung saan sila naglalarong apat nila Carl. Matagal-tagal na nila itong hindi nagagawa, ang maglaro ng PUBG ng magkakasama. Madalas nila itong gawin sa bahay nila Hunter bago madisgrasya si Carl. Kaya pagkatapos nilang kumain ng agahan, iyon ang unang ginawa ng apat. Sila lang kasi ang mahilig maglaro. Si Dylan, Carl at Gian lamang ang nakakasabay sa hilig ni Hunter. Dylan and Gian is an active streamer while Hunter and Carl just play in lowkey, away from social media.

Noong nasa highschool sila ay mahilig namang maglaro ang lahat. Pero nang magka-edad na sila, iba iba na ang naging hilig. Basketball, music and computer game, that's their usual bonding back when they were younger. Ngayong matanda na sila, sa musika na lamang nagkakaisa ang lahat.

Musika at alak na may kasamang babae minsan. Iyon ang naging bisyo nilang magkakaibigan. Pero merong dalawa na katangi-tangi sa lahat. Hindi mahilig mambabae at laging stick to one sa mga naging girlfriend nila. Si Ethan na may pinaka-longterm relationship sa lahat at si Adrian na palaging seryoso sa mga nagiging girlfriend niya. Nakatatlo pa lamang siya, lahat iyon ay longterm din. Hindi gaya ng lahat na papalit-palit na para bang nagpapalit lamang ng damit. Si Kyle at Liam naman, nagbago lamang kamakailan. Liam is engaged while Kyle is married. Zach is also in a relationship with Drake's younger sister, Dane Lawrice.

"Carl! I-cover mo ako! Dali! Asan ka na ba?" Si Hunter sabay siko sa kaibigan. Sa hindi niya paglalaro ng anim na buwan, aminado si Carl na medyo kinalawang siya.

"Tang-inang yan! Shit! I-heal mo ako! Dali!" Pagmumura ni Carl nang tamaan ang karakter niya. Siniko din niya si Hunter.

"Ano ba yan? Ang weak naman! Akala ko ba chicken dinner, Carl?" Dylan is laughing with Gian. They are in one squad, pero si Carl at Hunter ang mag-buddy samantalang si Gian at Dylan naman ang magkasama.

"Bilis, Carl! Sakay na!" Siniko ni Hunter si Carl nang makakita ito ng sasakyan nila. Mabilis namang sumunod si Carl. Both of their characters is now riding a jeep. Dylan and Gian is also riding and tailing them from behind.

"Mauna na kami! Bye!" Gian said as he drove their jeep, leaving Hunter and Carl.

"Bye ka diyan!" Hunter smirked as he throw a smoke grenade to Gian and Dylan's direction. He also overtake his friend's vehicle.

"Shit ka!" Pagmumura ni Dylan nang maunahan sila ni Hunter at Carl na umalis na zone na iyon. Tamang-tama pa na may dumating na mga kalaban. Hindi tuloy agad sila nakaalis. Tawa naman ng tawa ang si Gian at Carl sa seryosong paglalaro ni Dylan at Hunter. Doon sila madalas magkainitan, akala mo kung batang tila ayaw patalo ang dalawa.

Habang ang apat ay abala sa paglalaro ng PUBG, si Ethan, Jace, Zach, Drake at Adrian naman ay pinakailaman na ang bago at hindi pa nagagamit na music set sa may sala. Halos katapat lamang iyon kung saan naglalaro ang apat. It's a complete set of drums, bass guitar, two set of guitar for lead and rythm, keyboard and two microphones with stands.

"Shall I?" Adrian strummed a familiar intro of a song. Agad iyong nakuha ni Drake at pinagalaw ang mga stick sa kamay niya.

Noong una ay pinag-agawan pa ni Jace at Drake ang drums. Pareho nila iyong trono. Both of them used to play drums in their highschool days. Pero wala ng nagawa si Jace nang umupo si Drake sa upuang nakalaan sa drummer. He just took the bass guitar while Zach chose the rythm guitar. Si Ethan naman ay umupo doon sa may keyboard. Wala kasing ibang pagpipilian kundi iyon. Kinuha na lang niya ang isa pang mikropono.

Their first song does not require his keyboard so he just sing with Adrian.
Like Carl, Parokya ni Edgar is Adrian's favorite band. He enjoys singing their revival song Boys Do Fall Inlove. Tila nagko-concert ito at ramdam ang bawat beat ng kanta.

THE GODDESS' KRYPTONITETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon