14 | Emblem and Tattoos

677 42 13
                                    

Of all the odd things that have happened to me for the past five days, I never thought seeing someone kissing Ry before me could affect me this hard. 'Yong pakiramdam na parang ninakawan ka. Later that night, Ry texted me. Explaining the kiss I witnessed yesterday at noon.

He said, Kiara is just a friend. At gawain daw ng babaeng 'yon ang ganoong bagay. Kilala raw nila ang isa't isa noon pa. Marami pa siyang pinaliwanag sa akin na hindi ko na natatandaan. Ang dami kong isipin, dumagdag pa ito.

When Ry is around, my heart will skip a beat. His presence is enough to numb my system. Butterflies will flying around my tummy. Smiles that are uncontrollable. Kakaibang saya ang hatid niya sa akin.

May mga naging crush naman ako noong high school pa ako. Pero hindi ganito kalala. Hindi ganito kalala to the point na bibiyakin na lang ang ulo ko sa kaiisip kung bakit.

"Apo, ayos ka lang?" Napahinto ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Lola.

Lumingon ako sa kaniya. Nginitian ko siya ng matamis. "Ayos lang naman ako, 'la," sagot ko.

"Sigurado ka?" Nakakunot ang kaniyang noong tanong sa akin.

Tumango ako bilang pagtugon. Lulan kaming dalawa ng tricycle papunta sa Barangay Najo. The last barangay of Luna Roja. Ang Barangay Najo ay ang border ng Luna Roja sa south side ng siyudad. Ang kasunod na barangay ay teritoryo na ng Las Plovis.

After a short conversation with Lola, muli akong tumingin sa dinadaanan namin. A sweet smile plastered upon my lips. The road stretches onward, embracing the land, taking each turn in easy stride. It is grey that has welcomed many suns, becomes silvery as it soaked in the rays.

Ito ang gusto ko sa Luna Roja. Even it was one of the biggest cities, naka-preserve pa rin ang mga naglalakihang kahoy sa gilid ng kalsada. Branches were creaking, road was busy, birds were singing, leaves rustling, and wind was whistling.

Nakakagaan lang ng pakiramdam. Nagpakawala ako ng buntonghininga bago ngumiti ulit. Sabi sa akin ni Lola pupunta kami ngayon sa farm ng kaibigan niya. Sumama ako sa kaniya since wala naman akong gagawin.

Dumiretso kaagad kami ni Lola pagkatapos ng klase ko sa National Service Training Program namin. Kinuha kong program ay ang C.W.T.S o mas kilala bilang Civic Welfare Training Service.

"Lola, ano nga pala gagawin natin doon?"

Nginitian niya ako bago sumagot. "Bibisitahin ko lang kaibigan ko. At saka ipapakilala rin kita sa kanila," sagot niya naman.

"Okay po." Nakangiting sagot ko pabalik kay Lola.

Dumaan ang ilang segundo, pumasok na kami sa isang eskenita. Sumalubong sa akin ang mga naglalakihang mga puno sa hindi kalayuan. May nadaraanan din kaming rice field. Huminto ang tricycle na aming sinasakyan sa puno ng langka.

Humanga kaagad ako dahil sa ganda. There were numerous trees of jackfruit on both side of the one way road. Matapos magbayad ni Lola ay nagsimula na siyang maglakad. Sumunod naman ako. Ang maliit na daan na 'to ay pataas nang pataas.

Hindi naman gaanong mataas. Para lang kaming umakyat ng maliit na bundok. Hindi ako napagod. Sa halip ay ang gaan lang ng pakiramdam ko. This is the feeling of province. Malayo sa busy na siyudad. 'Yong pakiramdam na wala kang makikitang gulo sa hindi kalayuan.

'Yong pakiramdam na halos kulay-berde na ang ating nakikita sa paligid. Because of the view, bigla kong na-miss ang Las Plovis. Sa harap kasi ng bahay namin doon ay gubat. Sa likod naman ng bahay ay ganoon din. In short, nasa tuktok ng maliit na bundok ang aming tahanan.

Nang malagpasan namin ang mga nakahilerang puno ng langka ay pumasok na kami sa gubat. Seconds of walking, a field of corns greeted my eyes. Hanggang sa lumagpas kami sa maisan ay napadaan kami sa mga gulayan. Iba't ibang klase ng gulay.

Fangs of a Half-BloodWhere stories live. Discover now