11 | I'm Sorry, Alpha

846 60 10
                                    

I lifelessly opened my eyes when a sound of rooster rang in my ear first thing in the morning. I remained lying upon my bed, and staring at the ceiling at the same time. Hindi ako nakatulog nang mabuti dahil bumabagabag sa isipan ko ang nakita kong litrato ni Rory sa taong 1970 kahapon.

A heavy sigh escaped from my lips before sluggishly getting up. Bago ako bumaba ng kama kong matigas pa sa semento ay lumingon ako sa nakasaradong bintana. Lumalagpas ang sinag ng araw dito sa loob ng kuwarto ko.

Nakabagsak ang aking mga balikat na bumaba sa higaan. Bago ko buksan ang bintana ay iniligpit ko muna ang unan at kumot. When I finally opened the window, as usual, cold morning breeze brushed against my skin.

The sun was happily brighter, which doesn't match with my energy. Chirping birds and crowing roosters still ringing in my ears. Dewdrops of green grass are always noticeable. But I don't have the energy to compliment and absorb the beauty of morning. Not today.

My eyes are heavy, craving to close. My head seem to explode. Kinulang talaga ako sa tulog kagabi. Grabeng isipin ang ibinigay sa akin ng mga kuwento ni Lolo Primitivo sa akin. And it doubled when I went straight to the city's library after Ry left me alone in Durada Café.

Lumabas na ako sa aking kuwarto't tinungo ang gripo namin sa likuran ng bahay. Usually, dito ako naglalaba at naliligo.

"Magandang umaga, Lola," walang gana kong bati sa Lola ko.

Paglagpas ko kay Lola ay nahagilap ng aking mata ang pagkunot ng kaniyang noo. Kinuha ko ang maliit na basket na pinaglalagayan namin ng sabon, toothbrush, shampoo, at toothpaste. Binitbit ko ito sa patungo sa likuran ng bahay. On my way there, kinuha ko ang tuwalya ko na nakasampay kasama sa mga basang damit.

Isinampay ko sa bakanteng sampayan ang aking tuwalya bago binuksan ang gripo. Inilapag ko ang dala-dala kong maliit na basket katabi ng baldeng pinaglalagayan ko ng tubig. While waiting for the bucket to filled with water, strange things that happened to me for the past three days suddenly occurred to me.

First, I witness someone died right before me in my first day. And those yellow eyes I saw and a wild growl of a beast I heard. Lastly, about what I found yesterday. I don't want to overthink, talagang naguguluhan ako kung bakit ngayon lang ito nangyari.

I mean, for the past two years of moving here in Luna Roja I haven't experienced these kind of things. Kahit na nakakapagod mag-trabaho pero payapa naman ang buhay ko. I haven't even gained an enemy.

Nakakabaliw lang isipin na makaraan ang dalawang taon, ngayon ko naman sila nararanasan. And my mind isn't ready for the things that difficult to comprehend. Bumalik naman ako sa reyalidad nang mapagtantong umaapaw na ang tubig sa balde.

Another heavy sigh escaped from my lips before I took my sleeveless shirt off. Hinubad ko na rin ang short na suot ko't tinira ang aking puting undergarment. Hindi naman ako matagal maligo kaya natapos ako kaagad.

Sa mga oras na ito ay patungo na ako sa kusina para kumain ng agahan. I am done preparing myself for school. Kahit na ayoko mang pumasok ay walang akong magagawa. College isn't the same as high school.

Pagkarating ko sa kusina ay inilapag ko muna ang aking bag sa kawayan naming upuan.

Si Lola naman ay nakatingin lang sa akin. Kasing-bilis ng kabayo akong nailang dahil sa mga titig niya. Tila ba'y sinusubukan niyang basahin ang kaluluwa ko.

"Lola, 'wag niyo naman ako tignan ng ganiyan." Pagputol ko sa pagtitig niya sa akin.

Narinig ko naman ang pagbuntonghininga niya. Nang mailapag ko ang isang slice bread sa plato ay nilagyan niya ito ng sunny side-up sa ibabaw nito. At saka ko ulit nilagyan ng isa pang slice bread. Dinampot ko ito't kaagad na kumagat.

Fangs of a Half-BloodDove le storie prendono vita. Scoprilo ora